Hinatid ako ni Theo sa bahay namin nang gabing 'yon, pinatuloy ko naman siya sa loob kahit na kinakabahan ako. Balak ko sana siyang ipakilala sa aking pamilya ngunit si Keneth at Keshia lang ang nadatnan namin. Hindi ko alam kung mas mabuti ba 'yon, pero since hindi pa naman ako handa ay mas mainam na ngang wala sila.
Ipinakilala ko siya sa aking mga kapatid bilang boyfriend ko, mabuti naman at ayos lang sakanila. Siguro dahil gwapo kaya support sila? char 'di ko rin sure 'no!
Si Theo na rin mismo ang nagbigay ng mga pasalubong namin sakanila, 'yong mga pagkain na talagang ibinalandra n'ya palabas ng bar. Minsan talaga ayoko nalang mag talk!
Hindi ko maiwasang kiligin at pamulahan ng mukha sa tuwing maaalala ko ang first kiss namin. Ang pangarap kong romantic place para sa kiss na 'yon ay nauwi sa kotse! Hindi bale, nagustuhan ko rin naman, ang lambot ng labi nya at ang sarap pa. Nakakagigil mabuti nalang at si Theo na mismo ang pumutol sa tagpong iyon, kung hindi ay magmukmukha talaga akong sabik na tupa.
"Si ate, palaging naka ngiti -ganiyan ba kapag may boyfriend?" –napaayos ako ng upo ng mapansin ni keshia na nakangiti nanaman ako. Bakit ko ba kasi iniisip ang bagay na iyon habang kumakain?
"Tumigil ka nga riyan! Kumain kana lang," tumayo ako at nagsalin ng tubig para uminom. I'm wondering, nakangiti ba talaga ako? O pinagti-tripan lang ako nitong si keshia?
"Pero seryoso ate, boyfriend mo ba talaga 'yon si kuyang pogi?" singit ni keneth sa usapan namin.
"Kayong dalawa, tumigil nga kayo sa katatanong saakin tungkol sa boyfriend na 'yan! Mga bata pa kayo, kaya mag-aral nalang kayong mabuti huwag ng maraming tanong." –aba, masyado ng maraming alam 'tong mga kapatid ko, deserve nila ng sermon.
"Hindi naman ate, malay namin joke n'yo lang 'yon diba?"
"At sumasagot ka na Keshia?" pinagtaasan ko ito ng kilay, sa huli ngumuso ito at nag-iwas ng tingin.
"Ate naman eh! Gusto lang naman naming malaman," napalabi ako sa sinabi niya, ang kulit talaga.
"Boyfriend ko nga 'yon, at hindi ako nakangiti dahil sakaniya. Masaya ako dahil very good kayo palagi sa school," –ah talaga ba Kendra? napailing ako dahil sa naisip kong 'yon.
Hindi na nila ako kinulit, mabuti nalang dahil marami rin' kaming gagawin lalo na't may pasok nanaman bukas. Minsan talaga nakakapagod na, pero ano bang magagawa ko?
________________________________________________________________
Mas naging maayos ang relasyon namin ni Theo dahil nga may label na kami, masaya ako sa desisyon ko at alam kong ganoon din' siya. Alam kong mahal n'ya ako, napatunayan niya na iyon. Deserve namin 'to, kaya habang ako pa ay susulitin ko na ang pagkakataon. I know that nothing lasts forever.
He's very makulit minsan, lalo na kapag hindi kami nagkakasundo. I didn't expect na kaya niya rin pala akong sabayan kahit na he's way older than me. Akala ko talaga palagi lang siyang seryoso, pero habang tumatagal ay napapansin ko na hindi pala talaga. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa first impression lasts. Katatapos ko lang maligo ng makatanggap ako ng text galing sakaniya.
From: Theo-babe
Good morning baby, nasa tapat na ako ng bahay n'yo.
Hindi ko alam na susunduin n'ya ako ngayon, mula kasi ng sinagot ko siya ay madalas niya na akong sinusundo dito sa bahay para ihatid sa school. Ayos lang naman sana iyon, pero hindi ngayon! Narito kasi sina mama, kabado akong sumilip sa bintana, nasa baba na nga siya. Patay! Paano ko kaya ipapaliwanag na may sundo ako? Hindi na ako nakapagreply sakaniya dahil sa pagkabalisa, dali-dali akong nag-ayos at bumaba.