WARNING: Sexual harassment
-You can skip this part if you find it too disturbing. Thank you!
Nagising ako dahil sa magaspang na kamay na humahaplos sa aking hita, napabalikwas ako at agad na umupo ng tuwid sa kama. Hinanap ng mata ko ang taong naglakas loob na pasukin ang aking kwarto, at tama nga ang iniisip ko dahil si papa lang ang nakita ko at wala ng iba pa.
Kinakabahan ako sa tingin na iginagawad niya sa akin, huminga ako ng malalim bago ko pinulupot ang kumot sa katawan ko. Pinagmasdan ko si papa gano'n pa rin' siya nakatitig sa akin, animo'y isang hayop na gutom. Sinikap kong magsalita upang maitaboy ko siya ngunit mukhang wala naman siya sakaniyang sarili.
"A-anong kailangan n'yo, pa?" -pinipilit kong hindi mautal ngunit kusa paring nanginig ang boses ko.
"Hmm," daing nito bago lumapit sa akin, sumampa siya sa aking kama at paunti-unti akong inaabot.
"Ikaw Kendra, ikaw ang kailangan ko," -hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang sitwasyon, alam kong bastos si papa pero hindi sa ganitong paraan kaya nabibigla talaga ako sa kilos at galaw niya.
"Baka po puwedeng bukas na tayo mag-usap?" sinusubukan ko sanang ilihis siya, alam kong kaya ko 'to, pero pinangungunahan talaga ako ng takot, takot para sa sarili ko.
"Shh mabilis lang 'to." bulong niya saakin, hindi ko man lang namalayan na natawid niya na pala ang distansiya namin kanina. Nakakadiri siya, at halos magsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya.
Umusog ako hanggang sa maabot ko ang headboard ng kama, nagbabakasakaling makawala ako ngunit mas lalo lang naging pabor sakaniya ang maling kilos ko.
"Pa, ano ba! hindi 'to magandang biro," hindi ko na makapa kung sigaw ba iyon o pakiusap, basta ang alam ko lang ay gusto ko ng umiyak.
Tinitigan niya lang muna ako bago siya naglabas ng patalim mula sa kaniyang bulsa. Kung kanina ay buo pa ang loob ko, ngayon ay parang inubos agad ito ng kumikinang na bagay na hawak niya. Kung nakikita ko lang ang sarili ko ngayon, alam kong maputla na ako dahil sa kaba at takot. Tatay ko ba talaga 'to? Bakit niya ito ginagawa?
"P-papa, nakikiusap po ako, huwag n'yo pong' ituloy ang plano mo," kasabay ng panginginig ay ang pag-agos ng masaganang luha ko.
"Huwag kang maingay Kendra, kung hindi ay papatayin talaga kita." inilapit n'ya ang kutsilyo sa mukha ko, parang sanay na sanay siyang gumamit nito.
"Patayin mo nalang po ako, huwag lang pong' ganito," umiling ako at tahimik na umiyak, hindi ko matagalan ang titig niya, nakakasuka.
"Aba! Matapang kana?" hinila n'ya ang buhok ko upang magpantay ulit kami.
"Pa, n-nasasaktan po ako,"
"Kung hindi ka lang sana nag-iinarte diyan ay hindi ka masasaktan." Sinimulan niyang halikan ang pisngi ko na patuloy ko namang iniiwas sa mga labi n'ya. Sisigaw na sana ako habang may pagkakataon pa kaya lang ay bigla niyang hinawakam ang bibig ko sabay pakita saakin ng kutsilyo, umiiyak akong tumingin sakaniya, umaasa paring' matatauhan siya.
"Subukan mong sumigaw Kendra, hindi lang ikaw ang makakaranas nito," -sinamaan ko siya ng tingin at pilit na inalis ang kamay niyang nakahawak pa rin' sa buhok ko.
"Sabagay, mas maganda yata kung si Keshia ano? mas masunurin pa naman 'yon kumpara sa'yo." malademonyong aniya.
Gustong-gusto kong magwala dahil sa sinabi nya, hindi ko matanggap na pati si Keshia ay pinag-iisipan niya ng masama. Kung galit ako kanina ay mas lalo lang akong nagalit ngayon, sinusubukan kong makawala sa kamay n'ya sa abot ng makakaya ko. At dahil sa pagpupumiglas ko ay tumama saakin ang kutsilyong hawak ni papa, nadaplisan ang braso ko ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung masugatan ako, ang gusto ko lang ay makalaya sa kamay n'ya.