Sa kwarto lang muna ako nanatili dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko, iyak ako nang iyak kahit wala namang dahilan. Si Marsha naman ay laging nasa tabi ko, pinapatahan at binibigyan ako ng inuming tubig. Mabuti nalang at hindi niya ako iniiwan kahit nakakasawa na itong mood swing ko, masyado niya akong inaalagaan palibhasa excited siya sa baby ko. –nakakalungkot lang dahil alam kong pangarap niya talaga 'to dati pa, pero hindi niya makuha dahil wala pang kasiguraduhan ang lahat."Kakain na raw tayo, gusto mo bang dito ka nalang kumain?" maingat na tanong niya, tinitimbang ang kalagayan ko.
"No, I'm okay. Don't worry sa baba na ako kakain." –nabuhayan agad ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam basta no'ng narinig ko lang 'yong pagkain nagbago nanaman ang mood ko.
Tahimik kaming kumain, hindi ko na rin sila pinansin dahil nakafocus ako sa kinakain ko. As usual, naabutan ko nanaman silang nakatitig sa'kin ng mag-angat ako ng tingin. –nakakabusog ba ako?
"What?" inosenteng tanong ko sabay subo ng kapirasong karne.
"Nothing, kumain ka pa." si Theo ang sumagot sabay abot sa akin ng kanin, agad ko naman itong tinanggap kung kaya't mas lalo silang napanganga. I just rolled my eyes on them, pakialam ba nila kung gusto ko pa? may ambag naman ako dito sa kinakain namin ngayon kaya hindi nila ako puwedeng piligan.
Matapos naming kumain ay napagpasyahan naming manood ng movie sa sala. Hindi ko alam kung bakit hindi sila pumasok sa kanilang trabaho, ayos lang naman akong mag-isa dito at kaya ko namang asikasuhin ang sarili ko. Hindi na kaya ako bata! may bata na nga sa tiyan ko eh.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng bigla akong mag crave ng donut at ice cream. Pinagmasdan ko muna sila at mapansing kong lahat sila busy, napagdesisyonan kong ako nalang ang bumili. Dahan-dahan akong tumayo at lumayo sa kanila, pumunta ako sa kwarto sa itaas para kumuha ng pera at ng balabal.
Dumaan ako sa sala kung kaya't biglang nagsalita si Marsha, napansin niyang hindi ako bumalik sa upuan ko at may dala pang wallet.
"Aalis ka, kendra? Saan ka pupunta? Wait– sasamahan na kita." tarantang wika nito sabay tayo. Ang dalawang lalaki naman ay nakatitig lang sa'kin, siguro ay naguguluhan din sa pagiging oa nitong si Marsha.
"Nagugutom kasi ako at gusto kong kumain ng Ice cream at ng donut." nakangusong sagot ko, alam kong tatarayan niya nanaman ako dahil sa cravings ko pero ngumiti lang siya at umiling. Mukhang nasasanay na talaga siyang ganito ako.
"Ako nalang ang bibili," presenta ni Theo, agad namang nagliwanang ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sakto tinatamad talaga akong lumabas no choice lang kanina since busy sila.
"1 litter of cookies and cream ice cream, tapos isang dosenang donut na chocolate flavor." request ko sabay pacute para siya na rin ang magbayad, anak niya rin naman 'tong dinadala ko kaya dapat umambag siya sa cravings ko.
"Ang dami na niyan, hindi naman natin 'yan mauubos." –agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya't sumagot din ako bigla.
"Natin? Excuse me, sa'kin lang 'yan lahat. Kung gusto n'yo ay bumuli rin kayo ng inyo." pagtataray ko bago naupo sa sofa, nagmamaktol nanaman.
"Ohh! Okay," wala siyang nagawa kundi sumunod nalang lalo na ng makitang halos patayin ko siya gamit ang masamang tingin.
Isang oras ang tinagal niya sa labas kaya't bagot na bagot na ako, gusto ko na talagang kumain ng ice cream at donut. Panay ang sulyap ko sa oras at sa pinto, kaya ako ang unang natagpuan ng mata niya ng pumasok siya sa loob.
"I'm here!" deklara niya, agad ko naman siyang sinalubong at kinuha ang mga pinamili sa kamay niya.
"Be careful baby," bulong niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin, kinuha ko lang ang Ice cream at donut saka ako naupo sa sala.
