CHAPTER 5

332 23 25
                                    

Pagod na pagod ako sa trabaho tapos nakasalamuha ko nanaman 'yong lalaking 'yon. Aba, gabi gabi ko yata talagang titiisin ang pagmumukha ng gagong 'yon. Oo na gwapo siya, pero ang utusan akong tumabi sakaniya nakakagago naman 'yon . Anong akala niya saakin? Entertainment girl?

"Uy kinausap ka ni Theo kanina ah, nakita ko 'yon," si marsha habang naglilinis kami ng lamesa.

"tss, Theo pala ang pangalan n' ya?" kunot noong sambit ko, pero in fairness bagay sakaniya.

"Oh, bakit galit na galit ka?"

"Aba! 'yong gagong 'yon, inaya ba naman akong tumabi sakaniya. Pinagkamalan yata akong entertainer, kadiri!"

"Girl, bihira lang 'yon! Sana all ang swerte," pilyang sagot niya sa akin habang tumatawa.

"Anong swerte 'don?" nambabastos na nga 'yong tao eh," asik ko, hindi pa rin makalimutan ang nangyari kanina.

"Aba, kung ganon' naman kagwapo ang mambabastos saakin, papayag ako," may patawag-tawa pang wika ni Marsha.

"Biro lang," sabay peace sign nito ng makitang halos hindi maipinta ang pagmumukha ko.

"Trabaho nalang nga tayo, hayaan na natin 'yon" –pag-iwas ko sa usapan. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko, kahit sabihin kong galit ako hindi ko rin maitanggi na kinikilig ako.

"Uy, change topic siya, ikaw ha!" –bwelta ni marsha ng mapansing umiwas ako sa usapan namin.

"Tigilan mo nga 'yan marsha, parang tanga 'to" sabay talikod ko upang itago ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ko naman kasi maitatanggi na gwapo yung tao, pero ang sama talaga ng ugali.

Pasado Alas onse y' medya na ng makauwi ako sa aming bahay. Pagod na pagod ako sa trabaho kaya sa kama na ako dumeretso upang makapagpahinga na.

"hay! Ang daming nangyari sa araw na 'to, ganito pala ang pakiramdam kapag hindi nalang ang pag-aaral at pamilya ang iniisip mo," mahinang bulong ko habang nakatitig sa kisame.

Papikit na sana ang mga mata ko ng biglang sumagi sa isip ko si Theo. Paulit-ulit ko ng sinabi na gwapo siya pero hindi ko talaga maiwasang kiligin. Kung pagmamasdan kasi siya ay parang mabait naman, pero hindi ko alam kung bakit ganoon nalang 'yong mga sinabi niya sa akin kanina. Ganon' ba kababa ang tingin niya sa mga babaeng nagtatrabaho sa bar? Sabagay, halata naman kasing mayaman yung tao. Kaya siguro nasabi ni marsha na playboy 'yon, kung ganoon ang pakikitungo niya  sa mga babae.

Sabihin na nating masama ang ugali niya, pero kung pisikal na itsura naman talaga ang titingnan, pasok na iyon bilang isang modelo.

Ano ba itong iniisip ko? Bakit ko ba sinasayang ang oras ko para lang isipin ang lalaking iyon? Kendra umayos ka, hindi mo tipo ang ganoon at hinding hindi ka magugustuhan ng lalaking 'yon! -bulong ko bago ako nakatulog.

Nagising ako dahil sa malakas na sigawan at tunog ng kung anong bagay na nabasag. Agad akong bumaba upang tingnan kung ano nanaman ang nangyayari. Si mama at papa pala, nag-aaway nanaman.

"Sinabing ibigay mo na sa'kin yan," si papa habang inaagaw ang perang hawak ni mama.

"At ano? Ipang-iinom mo nanaman?" hamon ni mama, ayaw ipaubaya ang pera.

"Bakit? Ikaw din naman, ipangsusugal mo lang 'yan,"

"Wala kang pakialam Alberto, pera ko 'to," ---

Gusto kong matawa habang pinagmamasdan sila, pareho namang mali ang gusto nilang paggastusan ng pera. At saka may pera naman pala? Bakit hindi nalang ibili ng pagkain? O kaya'y ibigay sa aming mga anak nila?

"Lintik na buhay 'to! diyan na nga kayo," saad ni papa saka kami tinalikuran. Lumapit naman ako kay mama para magtanong.

"Ma, ano nanaman po ba 'yon?" tanong ko kay mama.

THE LIVING HELL (Completed)Where stories live. Discover now