CHAPTER 26

260 10 2
                                        


Tinulungan nila akong patayuin si Theo at alalayan papasok sa loob ng unit ni Marsha. Lasing siya at mukhang hindi niya talaga kayang tumayo ng mag-isa. Kung hindi lang ako naaawa sakaniya ay hahayaan ko talaga siyang humilata sa sahig magdamag.

Anong akala niya sa'kin? Always available para sakaniya? –huh' asa!

Pinasandal namin siya sa sofa at hinayaang magpahinga muna, mukhang wala talaga siya sa tamang wisyo dahil hindi niya man lang maayos kahit ang pag-upo. Hindi naman siya naglalasing ng ganito dati, ano kayang problema niya?

Iniwan ko muna siya saglit para ipasok sa taas ang mga pinamili namin kanina, kung kay marsha ay puwede akong magpabaya dito sa dalawa ay hindi. Hindi pa nila alam ang sitwasyon ko, saka nalang siguro kapag nariyan na ang baby.

"I'm sorry Kendra, ang kulit kasi ni kuya kaya pinagbigyan ko na." salubong sa akin ni Renzo ng makababa na ako sa hagdan.

"Hayaan mo na, pasensya kana rin diyan sa kakulitan ng kuya mo." sagot ko sabay sulyap kay Theo na nakasandal pa rin sa upuan, hindi pa rin nababago ang posisyon.

"Ano ba kasing nangyari sainyo? Lagi nalang 'yang lasing," nguso nito sa kapatid.

"Mahabang kwento, basta kailangan muna namin ng space para sa isa't isa."

"Well, kayong bahala." sagot nito bago napabuntong hininga. -may soft side rin talaga si Renzo minsan, pero may mga bagay talaga na hindi ko maintindihan sa lalaking 'to.

Nagluto muna ako ng chicken soap para kung sakaling magising si Theo ay may makain naman siya. Si Renzo at Marsha naman ay nag-uusap sa may veranda kaya hinayaan ko nalang muna.

"Theo," mahinang bulong ko bago ko tinapik ang kaniyang pisngi. Nakailang ulit pa ako bago siya gumalaw at nagsalita.

"Hmmm, baby?"

"Si kendra 'to, kumain ka muna para naman mainitan 'yang sikmura mo." malamig na tugon ko. Baka akala niya si Almira ang kausap n'ya! Naiirita nanaman tuloy ako sa ideyang 'yon. –bakit wala siya dito sa tabi ng lalaking 'to ngayon?

"Oh! Okay," tila nagulat ito at napatuwid ng upo. Lasing pa rin talaga siya, ang sarap niyang bigwasan ngayong wala siya sa katinuan.

Naiirita ako habang pinagmamasdang siyang pilit na sinasaldok ang sabaw kahit baliktad naman ang pakahawak sa kutsara. Ganiyan ba ang epekto ng katangahan n'yo Theodore?

"Ako na nga." agaw ko sa kutsarang hawak niya. Oo, naiinis ako pero naaawa rin ako sa kalagayan niya. Ganito ba talaga kapag mabait? Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sakaniya sa kabila ng ginawa niya sa akin.

"Ibuka mo 'yang bibig mo, huwag kang tumitig sa'kin dahil hindi ako ang babae mo." pagsusungit ko matapos kong mahuli na nakatitig siya sa akin.

"Ahhhh," pagpapagaya ko sa dapat niyang gawin. Mabilis namang bumuka ang bibig niya kaya madali ko siyang napakain. Naubos niya rin ang isang tasa ng soup, hindi ko alam kung masarap ba ang luto ko o wala lang talaga siyang choice dahil sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo sakaniya. Bahala siya, wala siyang karapatang umarte dito.

"Ohh, uminon ka ng tubig at saka ng gamot." abot ko sa tubig at sa isang pirasong gamot.

"Iyan ang napapala mo sa kakainom mo, nasa'n ba kasi ang babae mo at hindi ka inaalagaan?" gusto ko lang namang magtanong ngunit kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Masyado ba akong bitter? O nasasaktan pa rin talaga? Tinitigan niya lang ako at saka mahinang tumawa.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Aba! kung hindi mo lang ako pinag-aral at ang mga kapatid ko hinding hindi kita aasikasuhin ngayon, pasalamat ka't may utang na loob ako sainyo." tinampal ko ang balikat niya dahil nanggigigil nanaman ako sa kayabangan niya. Parang wala siyang ginawang masama sa inaakto niya, ang kapal ng mukha!

THE LIVING HELL (Completed)Where stories live. Discover now