Ilang linggo na ang nagdaan mula no'ng umalis ako sa condo unit ni Theo, nagkita kami sa mall kung saan ako namili ng gatas at bitamina para sa aking pagbubuntis. Hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang itsura ng mukha niya matapos niyang makita na bumili ako ng gatas para sa buntis.Gulat na gulat 'yan Theodore? si Almira lang ba ang maaaring mabuntis? –
Gusto kong matawa dahil nakaligtas ako sa tagpong iyon, thankful talaga ako sa cashier na nag-assist sa'kin no'ng araw na 'yon. Kung hindi niya ako tinawag ay tiyak na mabubuko ako. Well, matalino naman siya baka ngayon nga ay alam niya ng buntis ako, hindi niya lang siguro tanggap.
Ang isiping hindi niya tanggap ang batang nasa sinapupunan ko ay nasasaktan nanaman ako, ginawa namin 'to kaya bakit hindi niya panagutan? –hindi ko na tuloy mawari kung ano ba talaga. Naisip ko kasi siya naman ang may gusto na tumigil ako sa pag-inom ng pills, tapos ngayong buntis na ako ay wala naman siya.
Ganito ba siyang magbiro? –kasi kung oo ay hindi nakakatuwa.
Kapag naiisip ko talaga ang mukha nila ni Almira ay nagagalit ako. Putangina lang talaga. Grabe namang maglaro ang tadhana, hindi na nga masaya ang pagkabata ko pati ba naman ngayon? –gano'n ba ako kasama para parusahan ng ganito?
Sa huli, ay napailing nalang ako sa mga ideyang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Hindi healthy na isipin ko ang mga bagay na 'yon. Bukod sa wala akong makukuhang sagot, sasakit pa ang ulo ko.
"Hi baby, kumusta ka diyan?" pagka-usap ni Marsha sa aking umbok na tiyan.
"Ano ka ba, mag dadalawang buwan palang 'yan. Hindi ka pa niyan naririrnig," saway ko habang naghihintay kami sa doctor. Checkup ko ngayon at si Marsha ang kasama ko dahil wala namang iba.
"Ang pangit mong ka-bonding Kendra! Buntis kana nga tapos ganyan ka parin, kaya ka iniwan eh." pagtataray nito ng alisin ko ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan ko. –hindi niya ba alam na ang weird ng ginagawa niya? Kaloka talaga!
"At least ako binahay 'no?" natatawang hamon ko rito, kung mataray siya dapat ako rin.
"Attitude ka ha! kung iwan kaya kita ditong mag-isa?" pagbabanta niya.
"Sige iwan n'yo na akong lahat, do'n naman kayo magaling diba?" malungkot na sagot sabay iwas tingin sa kaibigan.
"Hoy, joke lang kasi. Ang sensitive naman ng buntis na yarn! Huwag kana magtampo, pagkatapos natin dito, libre kita ng ice cream at saka ng donut, ano?" -halos maglaway ako sa sinabi niya kaya napatango nalang ako.
Sabi ng doctor ay malusog naman daw si baby, binigyan niya nanaman ako ng bagong resita para sa gatas at vitamins. Normal lang din daw ang mood swings na nararamdaman ko, pati na rin ang pagsusuka at ang pagiging emosyunal ko.
Kumakain kami ni Marsha ng Ice-cream at donut sa isang coffee shop ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Kendra, is that you?"
"Oh my God! Ikaw na 'yan Jerson?" bulalas ko ng makilala ang lalaking nagsalita. Si Jerson pala ito, schoolmates ko no'ng high school.
"Yeah," nahihiyang tugon nito sabay kamot sa batok.
"Naks! Mukhang bigatin kana ngayon ah, upo ka muna." puri ko sakniya bago ko inginuso ang upuan sa harapan namin.
"Si Marsha nga pala kaibigan ko," ipinakilala ko si marsha na nakaupo sa aking tabi.
"Girl, hindi mo naman sinabi na may schoolmates kang gwapo." bulong ni Marsha sa tabi ko.
"Tumahimik ka nga," saway ko ng mapansin ko ang pagpapa-cute niya.