WARNING: spg
Read at your own risk!Lumipas ang mga araw at naging mabuti na rin ang pakiramdam ko, minsan nalang akong dalawin ng masamang panaginip at hindi narin naman ako nagkakaroon ng mental breakdown. Si Theo ang nag-aalaga sa aming lahat, pinatigil niya rin muna ako sa pagtatrabaho sa bar para daw mas matutukan ko ang aking sarili, gustuhin ko mang tumanggi ay wala pa rin akong choice, alam kong para rin saakin ang lahat ng ito upang makabangon ako sa bangungot ng nakaraan.
Nakakahiya man ngunit wala akong magawa, wala akong sapat nakakayahan para buhayin ang mga kapatid ko. Siya ang naghahatid sundo sa amin sa school, siya ang madalas kong kasama sa therapy at siya rin ang nagbibigay sa amin ng allowance pati na rin ng pagkain. Sobrang suwerte ko dahil dumating siya sa buhay ko, napakabait niya at kahit minsan ay wala akong naririnig na reklamo galing sakaniya.
Ang mga kapatid ko naman ay mabilis na naka-adjust sa bago nilang environment, masyado silang ini-spoil ng magkakapatid na Montevero. Balang araw ay masusuklian ko rin ang lahat ng ito. Iyan ang laging laman ng isipan ko dahil sa kabutihang ipinapakita nila sa amin.
Sa susunod na araw ay graduation ko na, ang sabi ni Theo ay may pupuntahan raw kaming lugar para sa celebration ko. Sinabi ko naman na hindi na kailangan 'yon pero hindi naman siya nakinig. Gusto niya raw na sabay-sabay naming i-celebrate ang achievements ko.
"Baby, andito na kami, where are you?" sigaw ni Theo, kararating lang niya kasama ang mga bata galing sa grocery sa ibaba. Inutusan ko kasi silang bumili ng sangkap ng lulutuin kong tinolang manok para sa aming tanghalian.
"Dito n'yo na dalhin sa kusina ang pinamili ninyo----"
Naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang silang sumulpot sa kusina. May hawak na mga lobong pula si keneth, habang keshia naman ay may bitbit na malaking lobo na may nakasulat na Happy Monthsary. Si Theo ay may hawak na bouquet na puno ng kulay pulang rosas.
"Surprise!" bati nilang lahat.
Dahan-dahan naman akong lumapit sakanila at hinalikan muna sa pisngi ang mga bata bago nag-angat ng tingin kay Theo.
"Bakit naman may ganito pa?" naluluhang tanong ko sabay yakap sakaniya ng mahigpit.
"Maraming salamat Theo. I love you so much," mahinang bulong ko bago ko siya dinampian ng halik sa labi na agad niya naman tinugon.
"Ayiehhhh!" tili ng dalawa kong kapatid, napalayo agad ako at biglang natauhan dahil sa sigaw nila. Nakakahiya! nakita ng mga kapatid ko ang ginawa ko.
"Maraming salamat sainyong lahat, maupo na kayo diyan at magluluto na ako," sambit ko sabay talikod dahil sa kahihiyan.
Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan ng mga bata na manuod ng movie sa sala. Naghanda naman ako ng chips at inumin para sa aming lahat, bonding namin 'to kaya dapat masaya lang kami.
Pagsapit ng hapon ay nagpaalam saakin si Keshia na iniimbitahan raw sila ni Brixon sa unit nito. Aniya'y mag lalaro raw sila ng video games sa computer kasama si Renzo at Keneth. Tinanong ko naman si Theo kung nagpaalam rin sakaniya si Brixon at ang sabi ay oo naman daw. Dahil may tiwala naman ako sa dalawang 'yon ay pinayagan ko na ang mga kapatid ko. Susunduin nalang namin sila ni Theo bukas ng umaga kung sakaling hindi sila ihatid dito no'ng dalawa.
"Matulog kayo ng maaga ha," –bilin ko matapos i-ready ang gamit na dadalhin nila.
"Brixon ingatan mo 'yang dalawang 'yan," tinarayan ko siya, baka mamaya paiyakin niya lang ang mga bata eh.
"Oo naman, para namang lalayo kami! Diyan lang naman kami sa tapat ng building na 'to diba?" natatawa pa siya habang inaalalayan si keneth palabas.
"Ah basta, kahit na!"
