Dahil sa pagkakabigla ay hindi agad ako nakapagsalita at sinundan nalang ng tingin ang lalaking hindi man lang ako pinansin. Sinulyapan ko si marsha sa aking tabi saka ako nagsalita."Marsha, boyfriend mo yung kapatid ni Theo?" hindi makapaniwalang tanong ko, wala naman kasi siyang nabanggit sa akin.
"Ha? hindi ah," agad na sagot nito sabay ayos ng damit na animo'y dinaanan ng bagyo. Masasapak ko 'tong babaeng to!
"Eh ano yung kanina ha?" –intriga ko dito, habang papasok kami sa loob ng apartment niya. Don't tell me--- omg! ang dumi ng utak ko.....
"Wala 'yon, ano ka ba!" halatang iniiwasan nito ang topic kaya hindi nalang ako nag tanong pa. Kahit napakaraming tanong na bumabagabag sa isipan ko ay pinili ko nalang na manahimik dahil mukhang hindi siya komportabe na pag-usapan ang bagay 'yon.
"Ahh okay," tipid na sagot ko saka ako ngumiti, alam ko ang limitasyon ko bilang isang kaibigan kaya dapat na irespeto ko ang desisyon niya. Kung hindi pa siya handa para sabihin saakin ang tungkol 'don ay ayos lang, basta suportado ko naman siya kung saan siya masaya.
"So, ano mag-iinuman na ba tayong dalawa?" ----tanong nito ng makarating kami sa sala. Tumango naman ako dahil first time ko itong gagawin.
"Sige, kwentuhan na rin' tayo," suhestiyon ko, habang sinusundan siya papunta sa kusina. Kumuha siya ng inumin, tubig, baso at pulutan. Tinulungan ko rin' siya para makapagsimula na kami.
Sa sala namin napiling tumambay, inayos muna namin ang lamesa saka kami naupo sa kaniyang couch. Maganda at magara ang mga gamit niya, mukhang hindi mahirap.
"Bakit ka napadpad doon sa bar?" biglang tanong niya sa akin. Napatingin ako sakaniya at saka sinumulang mag kuwento ng makitang seryoso siya sa tanong niya.
"Mahirap lang ang pamilya namin, pero may maayos naman kaming tirahan, naipundar 'yon ni mama noong dalaga pa siya. May dalawa pa akong kapatid sina Keneth at Keshia, parehong nag-aaral kaya nagtatrabaho ako sa bar. Si mama ay lulong sa sugal at si papa naman basagulero. Palagi akong sinasaktan ni papa physically lalo na kapag galit siya, kapag mainit ang ulo at walang pera. Si mama naman walang pakialam saakin, madalas niya pa akong pagsalitaan ng kung ano-ano. Ewan ko ba sa kanila, hindi ko alam kung bakit iba nila ako tratuhin kumpara sa mga kapatid ko. Pero kahit 'ganon, hindi naman ako naiinggit sa kanila, mahal na mahal ko sila eh! At saka sila ang dahilan kung bakit gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.
Pinapatigil na nga nila akong mag-aral, kaya lang pasaway ako kaya heto studyante sa umaga, waitress naman sa gabi. Nakakapagod ang buhay ko, isinilang na nga sa impyerno, pinalaki pa ng mga demonyo!"---
"Mabuti nalang hindi ka nagmana sa kanila 'no?" pagpapagaan niya sa usapan,
"Oh tagay ka," inabutan ako nito ng inumin, tinanggap ko naman ito at saka nilagok. Napangiwi ako dahil sa lasa nito, ang pait.
"Ano? baguhan lang Kendra?" pamimikon niya saakin matapos makita ang reaksiyon ko, kahit na ang totoo ay bago lang naman talaga saakin ito, hindi ako umiinom no!
"Gago ka! hindi naman kasi ako umiinom," pag-amin ko sabay nguso, kadiri talaga yung lasa nung' alak.
"Masasanay ka rin' niyan," –aniya sabay lagok ng inumin, hindi man lang nalukot ang mukha. Mataas yata ang Alcohol tolerance niya at halatang sanay sa ginagawa.
"Ako naman, napadpad ako sa bar na 'yon dahil sa kagustuhan ko, lumayas kasi ako sa amin. ---Maayos ang buhay ko sa poder ng aking mga magulang kaso lang hindi ko kayang tagalan ang ugaling mayroon sila. Hindi man nila ako sinasaktan physically pero halos araw-araw nila akong pinapatay mentally." --- maikling pahayag niya, napatango ako. Iba-iba man kasi ang siwasyon natin, batid kong lahat tayo nahihirapan at nasasaktan rin'.
![](https://img.wattpad.com/cover/303393927-288-k419780.jpg)