Ang plano kong umiwas ay nauwi sa wala. Paano ba naman kasi ay hindi naman ako tinatantanan nitong si Theodore, bantay sarado ako kahit sa trabaho. Nakakailang tuloy gumalaw, lalo na dahil sa nangyari kanina. Kung hindi niya sana ako nilapitan edi hindi naman ako titiklop. Wait— gano'n ba ako karupok?No, I mean I'm not marupok kaya! Sadyang mapilit lang siya, at nakakahiya naman kung hindi ko papansinin yung tao, sinabi ko naman na magkaibigan na kami. Bahala na nga, I'll just go with the flow nalang. Baka kapag gano'n ay maalis nalang itong nararamdaman ko. Kaso hindi ko rin sure, baka mas lalo lang akong mahulog sakaniya kung ganito siya palagi kung umasta. Well, I guess I don't have a choice but to take a risk and see what will happen next.
"Let's go?" bungad niya sa akin pagkalabas ko ng quarters. Tipid akong ngumiti at tumango. Inalalayan niya ako palabas ng bar, patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.
"Get inside," pinatunog niya ang mamahalin niyang kotse saka ako binagbuksan ng pinto. Pumasok ako sa loob at saka lumingon sakaniya.
"Salamat, uhh huwag mo nga akong titigan! Pumasok kana rin' kaya," nahuli ko kasi siyang nakatitig saakin habang nagkakabit ako ng seatbelt. Iba rin' talaga ang trip ng lalaking 'to.
"Ohh! yeah sure," mabilis niyang sagot saka umikot papunta sa driver seat. Natauhan yata sa pinaggagawa. The last time I check, ako 'tong may ibang nararamdaman para sakaniya, pero ngayon parang boyfriend siya kung umasta—charot try lang.
While we were driving down the driveway, he looked uneasy and gave me a sidelong glance. I gave him a puzzled look as our gazes locked. He immediately took his gaze away from me and returned his focus to the road. May problema ba siya?
"Theodore," mahinang tawag ko sakaniya, but he didn't look at me so I called him again.
"Theodore..."
"Hmm?" –maikling sagot niya. Nakatuon pa rin sa daan ang atensiyon, hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa, hindi nakakatuwa," pagtataray ko. Ano, trip niya lang na magpa-overthink ng tao?
"Nothing, may iniisip lang ako,"
"Ano?" I asked curiously.
"Ikaw," sabay tingin niya sa gawi ko.
"Huh? Ako? Bakit ako?" naguguluhang tanong ko. Nabigla rin' ako sa sinabi niya kaya medyo napalakas ang boses ko. Did I heard it right? Iniisip niya raw ako? –I blushed a bit and look away from him.
"No, I mean ikaw? Anong problema mo? Bakit iniiwasan mo ako kanina?" –gusto ko nalang maglaho dahil sa sagot niya. Ganito pala ang pakiramdam na napahiya sa harap ng crush mo. It's all his fault! What he just said was ambiguous.
"Shutangina..." mahinang bulong ko saka umiling.
"Huh?" naguguluhang tanong niya.
"Ah wala, saka sino bang' nagsabi na iniiwasan kita? Hindi naman ah! Kung totoo man 'yon sana'y wala ako rito sa kotse mo ngayon"
"Kanina, sa bar. Akala mo ba hindi ko 'yon mapapansin?" –paratang niya, well totoo naman ang sinasabi niya. Kaso lang ay hindi ko talaga aaminin ang katangahan ko kahit alam kong alam niya na.
"Napag-usapan na natin 'to kanina diba? Hindi nga kasi kita iniiwasan, busy lang talaga ako kanina. At saka, alam mo bilisan nalang natin para makapagpahinga na tayo pareho" –pagwawala ko sa usapin.
"Oh, sure. I know you're tired, you should get some rest,"—he replied softly and smiled at me.
Sa kanto lang ulit ng street namin huminto ang kotse ni Theo. Salamat naman at hindi niya na ako pinilit tulad noong isang gabi. Mukhang understanding naman siyang kaibigan, hmm swerte talaga ng girlfriend ng lalaking 'to, kung mayroon man.
![](https://img.wattpad.com/cover/303393927-288-k419780.jpg)