TRP: 28 (Success)

678 28 0
                                    

LECKZY'S POV

"I saw your boyfriend last night! He was kissing a woman outside the Bar! I took a picture of them to show you that I'm not lying." I said and showed her the pictures. She gasped.

"Alam ko na niloloko nya ako! Pero kasi, malaki ang utang ng pamilya namin sa kanila. Sabi nya kung hihiwalayan ko daw sya, ipapakulong nya ang Mommy ko! Lecks, hindi ko kaya ng wala sa tabi ko ang Mommy ko." She said. I gasped.

"Why didn't you tell me about that? Tutulungan kita! Magkano ba ang utang ng nyo sa kanila?" I said. She looked at me. Napailing iling sya.

"Leckzy, kaya hindi ko sinasabi sayo ang tungkol sa problema ko dahil alam ko na gagawin mo ito." She said.

"Ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi namam tayo magtutulungan?! Hazel, para na rin kitang kapatid! Kung ano ang problema mo, problema na rin namin iyon! At sa ayaw at sa gusto mo, babayaran ko lahat ng utang nyo! Period!" I said.

"Leckzy---!" Pinutol ko agad ang sasabihin nya.

"Uh-huh, no buts! I will help you no matter what!" I said. Malakas syang napabuntong hininga. I looked at her. Umusod usod ako sa pwesto nya bago sya niyakap. Medyo nagulat pa sya sa biglang pagyakap ko sa kanya pero bigla rin syang nakabawi at niyakap ako pabalik.

"Thank you!" She whispered. I smiled.

"You're always welcome!" I said. Kumalas ako sa pagkakayakap.

"Anyways, alam mo hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kayong dalawa ni Izzy yung dalawang anino na tumatakbo. Paano nyo nalaman na nandun kami nag-uusap ni Saddie?" I asked her.

"Lecks, hindi pa kami okay ni Izzy nun! Nakita kasi kitang naglalakad papunta sa likod ng building natin kaya sinundan kita. Aalis na sana ako ng marinig ko ang sinabi ni Saddie. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at vinideo kayong dalawa. Kaso nga lang pagkatingin ko sa kabilang lagyanan ng basura, nakita ko si Izzy kaya nagulat ako at natabig ko yung maliit na basurahan sa gilid ko. Pati rin sya may natabig din sya na kung ano. Parehas kaming nanlaki ang mata. Medyo kinabahan ako ngagsalita si Saddie. Nagpapasalamat ako na may bigla na lang may pumasok na idea sa utak ko. Nag-panggap ako na pusa. Hindi ko inaasahan na gagayahin rin ako ni Izzy. Buti na lang at umalis na si Saddie. Hinihintay ka naming umalis Kaso Hindi ka naman umalis kaya dahan dahan kaming dalawa ni Izzy na lumakad papaalis. Hirap na hirap ako dahil mataas ang takong ng sapatos ko. Tapos bigla pang tumakbo si Izzy kaya napatakbo na rin ako! Doon kami simulang nagkasundo! Palihim na naming sinusundan lagi si Clark at si Saddie at minsan naman ay ikaw." She said.

"Tapos nangyari nga yung gabi na magkasama kayo ni Kian sa isang park! Sinusundan namin si Clark nun. Medyo nagmamadali narin kaming dalawa dahil may flight pa sila Izzy papuntang states. Tapos papunta kasi sya sa isang grocery store kaya sya napadaan sa park. Nung nakita nya kayo napatigil sya. Halata sa mukha nya na nasaktan sya sa nakita nya Lecks, lalo na nung magtinginan at ngumiti kayo sa isa't isa." Sabi nya.

"Pero ang nakakapagtaka is bakit parang galit na galit sa'yo si Clark! Siguro nga, katulad ng sinabi mo na-brain wash sya ni Saddie. Baka may iba pang ginawa si Saddie para lang kamuhian ka ni Clark!" Hazel said. Malamang! Halata naman sa mukha nya.

"Alam mo ba na may plano kaming apat. Pero hindi muna namin sasabihin sa'yo, tsaka na pag-nagawa na namin." She said. Napailing na lang ako. Naghahanap silang ng iba pang evidence laban kay Saddie. Para malabas daw ang tunay na baho ni Saddie. Malaki ang tiwala ko sa kanila kaya okay lang sa akin na hindi nila sabihin ang mga plano nila. Basta ako may sarili akong plano. Plano kong iparamdam sa kanila ang sakit na naranasan ko sa kanilang mga kamay.

"Pwede nyo ba akong tulungan mamaya?" I asked Hazel. She looked at me and nodded.

"Oo naman! Ano ba ang gagawin natin?" She said. I smirked.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon