Chapter 34

33.7K 1K 98
                                    


Aria's POV

Ilang minuto ang lumipas na wala akong ginagawa kundi ang matulala lang at ang tumayo sa harapan nina Gale hanggang sa nagsalita na si Fire.

"Gale, thank you for informing us but I am telling you, none of us will die. Aria, let's go." Para akong sako na hinila ni Fire nang walang reklamo. Kinakabahan ako. Nakakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko. I never expected this one. Hindi ko naisip na pwede palang umabot sa ganito ang mga nangyayari. Papatayin ba talaga nila kami? Kailan? Paano? Patayin agad?!

"Aria," Fire said. Tumigil siya sa paglalakad kaya naman tumigil din ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko saka niya ako iniharap sa kanya.

"'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi sila pwedeng mag-decide nang sila lang. They need to ask for the Elemental Ministry's decision about killing an elemental person," he said. Hindi ko alam kung bakit parang ang sakit pakinggan ang salitang papatayin o killing mula kay Fire na para bang ang dali lang para sa kaniya at hindi man lang siya nakakaramdam ng takot kagaya ng nararamdaman ko. Hindi ba siya affected na baka last day na namin ngayon? Hindi man lang ba siya kinakabahan na baka pagpasok namin sa Elemental Head's office ay bigla na lang may kumuha sa amin na kung anong elemento at dalhin kami sa ilalim ng lupa tapos boom! Patay na kami? Hindi man lang ba siya worried sa mga posibleng mangyari sa amin? Bakit ka ba ganiyan Fire?! Ako lang ba ang natatakot?!

"Are you afraid that we will die?" he asked all of a sudden. At ano'ng gusto mo Fire? Magalak ako kasi papatayin nila tayo?! This time, I looked at his red eyes. Nakita ko sa mga mata niya 'yong takot pero hindi dahil sa possibility na mamamatay kami. Iba ang takot na nakikita ko sa mga mata niya. Inialis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Naiinis kasi ako. Naghahalo-halo na iyong nararamdaman ko. Hindi ko na nga alam kung ano ba ang dapat kong intindihin. 'Yong galit ko ba? 'Yong inis ko? 'Yong takot?

"Aria, don't be like this. Kakayanin natin 'to," he muttered. Kakayanin?! Ano'ng ibig sabihin no'n? Is he telling me to continue this kind of forbidden love and then die?! Ilang minuto akong tumingin sa mga mata niya. Gusto kong maramdaman niya ang nararamdaman ko. Hindi namin kakayanin ang ganito. Ano'ng pinaglalaban niya? Us against the Elemental world lang ang drama namin? Gano'n? Hindi ganoon katibay ang loob ko para sumugal sa ganitong sitwasyon. Wala akong sapat na lakas para ipaglaban ang kung ano man na meron sa amin ni Fire. Hindi ko kaya.

"No Fire. We can't do this," I replied as emotionless as I can. Doon ko parang nakita na gumuho ang lakas ng loob na kanina lang ay nakikita ko sa mukha niya. Kitang-kita ko kung paano nawala 'yong saya sa mukha niya. Parang nabasag ang kanina lang ay katapangan na nakikita ko sa katauhan niya. He looks so defeated. At ang sakit para sa akin na makita siyang ganyan.

"Am I not worth fighting for?!" he angrily asked. Ay hala! Bakit ka galit Fire?! Iniisip ko lang naman ang tamang gawin! Bakit ba ganito na lang palagi? Magdedesisyon kami na tumigil na sa kahibangan namin at ano ang sunod? May mangyayari naman na siyang naglalapit sa aming dalawa. Ang hirap na.

"Fire, don't make it hard for the two of us. Ayaw kong mamatay ka!" I said before tears started to fall from my eyes. Hindi naman ako makasarili para isipin lang ang gusto ko. Tama na 'to. Ilang ulit na naming sinubukan na tumigil pero wala pa ring nangyayari. At sa bawat pagsuway namin, lalo lang lumalala ang sitwasyon.

"But I would rather die with you than to live without you, Aria." Putspa naman Fire e! Wala naman sanang pagbanat oh! Nag-leletgo tayo dito e tapos bigla kang magpapakilig! Hindi naman yata makatarungan 'yang ginagawa mo!

"But Fire---"

"Kanina pa kayo hinihintay ng Elemental Heads." Bigla kaming nagulat ni Fire sa pagsulpot ni Shebah sa pag-uusap namin. Saan naman kaya sumuot itong isang 'to? Nagmomoment kami ni Fire dito e tapos biglang eeksena? Kaloka ka talaga, Shebah!

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon