Chapter 16

38.3K 1.3K 207
                                    

Thea's POV

Nagulat ako noong biglang tumakbo si Kai papunta kay Aria just to hug her tightly. Don't get me wrong. Wala akong gusto kay Kai o kaya naman kay Fire dahil noon pa man ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko lalabagin ang rule ng elemental world. Para sa akin kasi, it's being selfless. At kapag sinuway mo 'yong rule na 'yon, para sa akin, napakamaka-sarili mong tao.

I have mentioned before na sa history ng elemental world, no one dared to break the primary rule. It's been a mystery kung paano mamamatay ang sino mang lalabag sa rule na 'yon. Sabi sa akin ni Ciero noon, mas maganda na raw na hindi alam ng elemental people kung paano sila mamamatay so that they can think about the worst at para hindi na rin nila gustuhin na labagin ang rule.

Sino ba naman ang gustong mamatay, 'di ba? I mean, they keep on saying that love conquers all but do you think, wrong love deserves death? Deserve ba ng maling pagmamahal ang i-risk mo ang mas nakakaraming tao? For me, it's not.

I hope that Kai, Aria, and Fire do have the same kind of thinking as mine.

"Fire," I called him and in an instant, the fire in his hand has gone.

"Buti nakarating na kayo, Kai! I am so happy!" Aria muttered. Noong tiningnan ko si Kai, he's just looking intently to Fire. Alam niya na siguro kung bakit nagawa 'yon ni Fire. After all, Kai can read minds.

"Kumusta ka, Aria?" I asked her. Napunta sa tuhod niya ang tingin ko at namamaga na ang sugat niya. Kaya pala noong niyakap siya ni Kai, she stiffened.

"Okay naman ako. Medyo makirot lang ang sugat ko pero keribels pa naman," she said then flashed a smile at me.

"Pupunta lang ako sa ilog. Maliligo lang ako," Fire said and we all nodded our head as a reply. Kumuha muna si Fire ng damit niya sa backpack niya bago siya umalis.

"Ano'ng nangyari sa isang 'yon at bakit bigla na lang umapoy ang kamay niya? Baka may nakita siyang bad elements?" Aria asked. Kai is guiding her to sit down.

"I don't know. Kakausapin ko siya mamaya," I said and Aria didn't say any word. Inilabas ko 'yong tubig ko at ginamot ang sugat ni Aria.

"Grabe! Ang galing talaga ng power mo, Thea! Healing water. Ang bongga!" she said when her wound started to heal.

"Okay ka na ba, Aria?" tanong ni Kai. Tumango-tango lang si Aria habang nakangiti. Aria is really beautiful. Siguro hindi niya 'yon napapansin pero kaming mga elemental people, we have a different way on how to evaluate one's beauty and Aria's beauty is beyond perfect.

"Kailan kaya tayo makakaalis dito?" she asked while resting her head on Kai's shoulder. Napangiti ako kasi ngayon ko lang nalaman kung gaano pala kasweet tingnan when a girl rested her head to a guy's shoulder. But sad to say, Aria and Kai will never be an item.

"Pupuntahan ko lang muna si Fire," I said at nagulat ako sa reaksyon ni Aria.

"Pupuntahan mo siya?! E 'di ba, naliligo siya?! Omygod! May HD ka ba kay Fire?!" And for the first time, even if I am Eidothea who's full of wisdom, parang bigla akong naging stupid sa HD.

"What is HD?" I asked. Si Kai halata rin naman na hindi niya alam 'yong tinutukoy ni Aria.

"HD. As in Hidden Desire. You know? Pagnanasa?" Pakiramdam ko ay bigla akong namula sa sinabi niya pero si Kai, natawa siya.

"Grabe ka naman, Aria. Walang pagnanasa kay Fire 'yan," he said while laughing. Ako? I don't know but I can still feel my face na namumula.

"Sorry naman! E kasi, bakit mo siya pupuntahan e naliligo nga siya?" And that's the cue for me to smile at her. Hindi pa rin siya sanay sa amin. Normal na sa amin nina Kai ang sabay na naliligo sa ilog. Hindi naman kami naghuhubad e. Siguro iniisip ni Aria that I'll be seeing Fire's naked body. Hindi ko tuloy napigilan na matawa.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon