Aria's POV
Ako 'yong tipo ng tao na masyadong imaginative. Sa kaka-imagine ko nga ay ang dami ko nang napakasalan sa isipan ko. Naimagine ko na rin na kinasal kami ni Matteo Doo doon sa kalawakan habang nagkakabanggaan ang mga comets at asteroids tapos patuloy sa pagbagsak ang mga meteors. Gano'n ako kabihasa sa pag-iimagine ng mga bagay na alam kong ang layo sa reyalidad. Binibigyan ko ng katuparan ang mga imposible sa mundo sa pamamagitan ng mga ambisyosang neurons ko. Oo Aria, ganun ka nga kabaliw!
Katulad na lamang ngayon. Medyo naalimpungatan ako dahil sa panaginip ko na nandito si Fire sa kwarto ko at nag-kiss pa kami. Jusme Aria! Hanggang sa panaginip ba naman?! Nakakaloka!
Pagmulat ko ng mga mata ko, si Tyrone ang nakita kong nasa tabi ng kama ko at hawak ang kamay ko. Hanubayan! Ang akala ko pa naman ay si Fire ang makikita ko pagkagising ko. Asa ka pa, Aria. Panaginip lang 'yong nangyari di ba? 'Wag kang assuming! Upakan kita e!
"Aria, gising ka na?" Hindi pa Tyrone. Nagkukunwari lang akong gising. Jusko naman! Naalog ba ang brain cells ng nilalang na 'to at ang bongga ng tanong niya? Nako naman!
"Anong nangyari?" I asked. Naalala ko kasi na nagwala ako sa Elemental Head's Office. Nako lagot ka Aria! Ma-eexpel ka na sa Yoso Academy! Ang taray mo kasing magdrama! May kasama pa talagang pagwawala! Jusmiyo!
"Kinausap na ba kayo nina Heiro? Anong sinabi nila? Palalayasin na ba nila ako dito dahil sa kaechosan na ginawa ko kanina? Ha?" natatarantang tanong ko kay Tyrone pero imbes na sumagot siya ay nginitian niya lang ako. Langya naman Ty! Pwede ka rin sumagot kung hindi mo naman mamasamain, 'di ba?!
"Calm down, Aria. Bukas, kakausapin ka rin nina Heiro. For now, you have to take a rest, fully," he said. Aysows naman! Dapat ba akong kiligin, Tyrone?!
"Aria," Hinawakan ni Tyrone ang kamay ko. Ay teka sandali, ano namang kadramahan 'to? Hindi ka pa ba nakontento sa hatid kong kachorvahan kanina sa Elemental Head's Office?!
"Anong problema, Ty?" I asked. Baka kasi may problema pala siya at nangangailangan siya ng isang magandang kaibigan na mapagsasabihan niya ng mga hinanakit niya sa buhay.
"Alam mo naman na mahal kita, 'di ba?" he asked. Bigla akong naloka at parang gusto kong magplanking sa kama ko dahil sa sinabi niya. Jusko naman! Ang akala ko pa naman ay kaibigan ang kailangan mo, Tyrone. E anong pinaglalaban mo?!
"Teka nga lang sandali. Nakakaloka ka e. Anong meron? Scoop ba 'to o ano?" I asked. Kunwari ay tumingin pa ako sa paligid na parang may hinahanap akong camera somewhere. E sa nawindang ang nananahimik kong kaluluwa e. Masisisi niyo ba ako?!
"I am serious, Aria." Ay ang taray! Ansabe ng I am serious spiel ni Tyrone? Susme naman! Ano ba ang nasinghot ng lalaking 'to?
"Tyrone, what exactly is going on? O ang taray ko! Nag-english na ako! Paano naman kasi, naloloka na ako sa mga sinasabi mo. Ano ba yan. Napakaseryoso mo naman," I said while playfully hitting him para naman marealize niya na hindi nakakatawa ang mga joke niya. At hindi ito ang tamang oras para biglain ako sa mga ganyang kachorvahan.
"Aria," Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ito itinapat sa puso niya. Ay hala! Ang taray talaga! Anong drama ba ito?! Mula sa puso the making ba ang palabas?!
"Believe me, Aria. Maniwala ka sa akin kapag sinabi kong mahal kita. Seryoso ako at ni minsan, hindi ako nagbiro pagdating sa pagmamahal ko sa'yo. Mahal kita, Aria," he said. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Nasobrahan ba siya sa paglaklak ng mais kaya ganito siya kacorny? Ilang galon ng asukal ba ang nilaklak niya para maging ganito kasweet?
"Tyrone, teka lang ha? Nakaka-stress e. Are you confessing your love for me?" Ay hindi halata Aria! Shunga lang 'te? Umamin nga na mahal ka 'di ba? Natural nagconfess siya!
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)
FantasiIn order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom. If you do, you'll die. This is a story that will make you think if in what Elemental Kingdom do yo...