Chapter 47

28K 869 43
                                    

Fire's POV

Nakilala ako sa Ka Kingdom bilang isang lalaking halos hindi kinakikitaan ng emosyon. Madalas ay wala akong pakielam sa nangyayari sa paligid ko. Sina Thea at Kai lang at maging ang ina ko na si Maui ang nakakakita ng madalang kong pag-ngiti. Ang galit ko ay hindi ko kailanman pinapakita. Hindi ko rin ipinapaalam ang iba ko pang nararamdaman.

Pero nagbago na ang lahat simula noong nakilala ko si Aria. Parang lahat na lang ng bagay na kasama siya ay ang lakas ng epekto sa akin at ang hindi ko maintindihan ay hindi ko na kayang kontrolin ang nararamdaman ko. Madali nang mahalata kung galit ako. Madali na akong ngumiti kapag masaya ako. Madalas na rin akong tumatawa dahil sa mga simpleng kapalpakan at kabaliwan ni Aria.

At higit sa lahat, ang dali ko nang magselos.

"Fire, calm down!" bulong sa akin ni Thea. Kinalma ko ang sarili ko at agad na nawala ang apoy sa kamay ko at saka ko hinawakan ang kamay ni Aria.

"Ah e, ano kasi Zadkiel, si Fire, boyfriend ko siya," sabi ni Aria na nakatitig sa lalaking kanina ko pa gustong sunugin. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at halatang gulat na gulat siya sa sinabi ni Aria.

"Ano?! Aria naman, hindi ba, napag-usapan na natin ang bagay na 'to? 'Di ba nga, sasagutin mo na ako kapag nagdebut ka na? E ano'ng ibig sabihin nito?! Anong boyfriend?!" Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Aria at parang gusto ko na naman ang maglabas ng apoy sa kamay ko dahil sa nakikita kong reaksyon sa lalaking ito. Pakiramdam ko ay ginagalit niya ako at talagang nagtatagumpay siya sa gusto niya dahil nagagalit na ako.

"Hoy, Zadkiel, anong drama 'yan? 'Wag ka ngang emo! Tara na, umuwi na tayo. Baka kailangan pang magpahinga ni Aria at saka mahiya ka nga sa mga bisita niya," sabi ni Janna na hinawakan na sa braso ang lalaking ito na nasa harapan namin ni Aria.

"Teka lang, Janna," he said. Bigla niya akong tinitigan at hindi ko 'yon iniwasan. Nakipagtitigan ako sa kaniya habang naglalakad siya palapit sa amin ni Aria.

"Sino ba kayo? At ikaw, bakit kulay pula ang mata mo?" he said while pointing me. "Saan ba kayo galing, ha? Itong dalawa na 'to, pwede ko pang isipin na galing sa America, pero ikaw na lalaki ka na kulay pula ang mata, ano ka? Drug addict?" he muttered. Biglang napanganga si Aria sa sinabi ng lalaking ito. Sasagot na sana si Aria pero inunahan ko na siya.

"I don't need to explain myself to you. What I want you to do is to stay away from Aria," I firmly said before I grabbed Aria's hand and we went upstairs. Narinig ko pang isinigaw ng lalaki na 'yon ang pangalan ni Aria pero hindi ko na siya pinansin pa. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko dahil baka mamaya ay makapaglabas na naman ako ng apoy sa kamay ko at baka hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko na sunugin siya. Alam kong hindi 'yon maganda dahil bawal 'yon at baka matunton kami ng Elemental Ministry.

Pumasok kami ni Aria sa kwarto niya. Agad akong umupo sa kama niya at napayuko. Ayaw ko sa ginawa ko kanina. Hindi ko 'yon ginusto pero tila may ibang pag-iisip ang katawan ko kanina na kusang naglabas ng apoy kahit naman ayaw ko.

"Hoy, anyare sa'yo diyan?" Napalingon ako kay Aria na nakasandal sa pinto ng kwarto niya at nakatitig sa akin. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi dahil walang emosyon ang mukha niya.

Pero biglang nagbago 'yon noong bigla siyang ngumiti.

"Grabe, ganiyan ka pala magselos? Jusko! Muntik nang maging barbeque si Zad--"

"Do not ever mention his name. Naiinis ako," I said to cut her off. Lalo pang lumapad ang ngiti niya at kahit na dapat mainis ako lalo ay hindi iyon ang nararamdaman ko. Masaya akong makita ang pag-ngiti ni Aria. Pakiramdam ko, kayang alisin ng ngiti niya ang lahat ng pagkainis ko at galit ko. To avoid myself from smiling back, I laid down on her bed and placed my right arm on top of my forehead and closed my eyes.

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon