•one more•
third person's pov
"ang bagal mo, chim!" reklamo ni taehyung habang nakatayo sa kanto papasok ng shop ni jin. nakaabang sya kay jimin na halatang kanina pa hinihingal. "sino ba kasing may sabi na tumakbo ka?!" reklamo ni jimin kaya namewang si taehyung.
"anong oras na kaya! hahambalusin tayo ni jinnie hyung nyan, eh." reklamo din ni taehyung at nung makalapit si jimin ay mabilis nyang hinablot sa kamay. kinaladkad nya ito hanggang sa marating nila ang shop.
"tae, jiminie. nasaan sila jacky at jovie?" tanong ni kate nung masalubong nila sa pinto. hinihingal na tinuro ni jimin ang likod nya pero wala namang nakita si kate dun. "may gagawin daw." hinihingal din na sabi ni taehyung.
"mabuti naman at naisipan nyo pang pumasok? ilang beses na ba kayong na-late?" bungad ni jin na nag-we-waiter na rin dahil dumarami na naman ang mga customer nila.
"mauna na'ko, jin oppa, chim, tae." paalam ni kate kaya ngumiti naman ang tatlo at kinawayan sya. "ingat ka, kate!" pahabol ni jimin kaya nag-thumbs up naman si kate. hinila ni jin papasok ng shop ang dalawa.
"mabagal kasi tumakbo si jiminie, hyung." sabi ni taehyung kaya di makapaniwalang tiningnan sya ni jimin. "kasalanan ko bang nakatulog ka sa klase at late ng--"
"fuck." taehyung
"nakatulog sa klase? si taehyung?" tanong agad ni jin at dun lang na-realize ni jimin ang sinabi nya. tumawa sya ng peke pero lalong naningkit ang mga mata ni jin. nilingon nito si taehyung na nakayuko habang nilalaro ang hem ng sarili nyang damit.
"care to explain?" tanong ni jin.
"a-ano, kasi hyungie, i-inantok ako--"
"malamang. kaya ka nga natulog kasi inantok ko. pero ngayon lang yata nangyari to?" tanong ni jin kaya naka-pout na tumango si taehyung.
"kulang ako sa tulog, hyung." sabi ni taehyung.
si jungkookie kasi, nalimutan na'ko. ;(
"at bakit ka naman kulang sa tulog? nagmovie marathon ka na naman?" tanong ni jin.
"no, hyung. may exam sila kanina kaya ganun. wala rin naman silang ginagawa kanina sa klase nila kaya okay lang matulog---" jimin
thanks for the lies, chim!
"pano mo nalaman eh iba yung kurso mo?" tanong ni jin kay jimin.
BINABASA MO ANG
INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]
Romance"i told you to keep quiet. they almost hear us---" "oh my god! pulis ba yun?! sinasabi ko na nga ba at may humahabol sayo--" naputol na naman ang sasabihin ni taehyung nung ibaba nito ang hoodie nito at sumalubong sa kanya ang mukhang sa pictures, m...