•4• so sudden

476 26 63
                                    

•so sudden•

third person's pov

"tawagan mo'ko." sabi ni jimin habang nakatingin kay taehyung na nila-lock ang shop. lumingon si taehyung sa nag-aalalang mukha ng kaibigan nya. "oo, chim. wag ka na ngang mag-alala sakin." sabi nya at siniguradong maayos ang pagkakasara nya ng shop. humarap sya kay jimin na halatang ayaw syang paalisin.

"dun ka na lang kasi matulog sa apartment ko." pangungulit pa nito pero umiling lang si taehyung. "no, park. mabuti pa ay umuwi ka na at uuwi na rin ako dahil may klase pa tayo bukas." sabi ni taehyung.

"mag-iingat ka, kim. sinasabi ko talaga sayo. hahambalusin kita kapag may nangyari sayo." sabi ni jimin na may halong pambabanta. "nakakatuwa ka naman mag-alala, park." pang-aasar ni taehyung.

"uwi na, park. kaya ko sarili ko. takot lang nila sakin--"

"di na talaga ko magugulat kapag nabalitaan kong missing ka." iiling-iling na sabi ni jimin kaya mabilis syang nabatukan ni taehyung.

"kaya ko nga sarili ko. napaka-kulit mo, eh." sabi ni taehyung. "basta uwi na at uuwi na rin ako." yun lang at mabilis na syang tumalikod. narinig nya pa ang napakarami at sunud-sunod na paalala ni jimin kaya kumaway lang sya dito.

"mukha ba'kong bata para mag-alala sya ng ganun?" tanong nya habang naglalakad papunta sa sakayan ng bus. medyo malayo ang apartment nya sa shop ng jin hyung nya kaya kailangan nyang mag-bus pauwi. umupo sya sa sakayan at naghintay kasama ng ilan pang pasahero.

nung makasakay sya sa bus ay nag-earphone na lang sya habang nakatingin sa labas ng bintana. napangiti sya agad nung mag-play ang kanta ni jungkook sa earphone nya.

hay, jeon, kelan ba kita makikita? kahit simpleng pambili ng ticket sa concerts at fanmeets mo ay wala ako. ang hirap maging mahirap T-T

inalis nya ang drama sa isipan nya nung makitang malapit na sya sa babaan nya. saktong makababa sya ay tumunog ang phone nya. natawa sya ng mahina nung makita ang pangalan ni jimin. wala syang nagawa kundi sagutin ang tawag ng nag-aalala nyang kaibigan.

"di ba sabi ko tawagan mo'ko?" sabi agad nito na kinatawa nya. "kabababa ko lang ng bus, chim." sabi nya saka na nagsimulang pasukin ang kantong yun.

SAMANTALA, halos di na alam ni jungkook kung nasaang parte na sya ng lugar. alam nyang imbis na mapalapit sa main road ay napalayo pa sya dahil sa mga kantong pinasok nya. ilang mura ang tumatakbo sa isipan nya dahil alam nyang masesermunan na naman sya bukas o baka nga kahit pag-uwi nya.

sumandal sya sa isang pader habang hinahabol ang hininga nya. narinig nya ang papahinang sigawan ng mga estudyanteng sumusunod sa kanya. nakahinga sya ng maluwag at sinubukang kunin ang phone nya para buksan ang gps. gusto nyang malaman kung nasan na sya at makapag-pasundo kay suga.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon