•35• taesthetic covers

297 23 22
                                    

third person's pov

walang emosyong bumaba ng kotse si taehyung, sa likod nya ay si sangwo gayundin si jimin.

tahimik syang naglakad papasok ng phoenix entertainment, ramdam na ramdam nya ang tingin ng lahat sa kanya na hindi na nya pinansin pa.

huminto sila sa main desk ng entertainment. si jimin ang kumausap dito samantalang naka-cross arms lang si taehyung habang nakatitig sa sahig. hanggang ngayon ay nasa isip nya pa rin lahat ng sinabi sa kanya nina jimin at jin.

pakiramdam nya ay wala na syang babalikan pa. sa isipin pa lang na yun ay nanghihina na sya. parang ayaw nya na lang humakbang at lisanin na lang muli ang ph ent, ang lugar na dahilan ng paggulo ng simpleng buhay nya dati.

"mr. kim? tae!" napakurap sya nung kalabitin sya ni sangwo. nag-aalalang mukha nina sangwo at jimin ang bumungad sa kanya kaya ngumiti na lang sya ng pilit.

"nasa meeting room na sila. halika na." sabi ni jimin saka yumakap sa braso ni taehyung. muli ay nanahimik na lang si taehyung hanggang sa tuluyan nilang mapuntahan ang nasabing meeting room.

"tae, can you assure me t-that you'll be fine? you really look scared and---" jimin

"don't worry about me, chim. i can act strong. i can do it." taehyung said as the two nodded. "goodluck, tae." sangwo mumbled.

they knew how traumatic i am.

nasa harapan ni taehyung sina sangwo at jimin na syang kumatok at unang pumasok.

napatingin sina averie, jae, tae-oh, jungkook, amber at suga sa bumukas na pinto. mula dun ay pumasok sina sangwo at jimin na kinagulat ng lahat. mas nagulat sila nung makita ang sumunod na pumasok.

"good evening, phoenix entertainment. we're pleased to finally meet you. we're the person behind the taesthetic channel. i am park jimin, the channel editor." sabi ni jimin saka bahagyang ngumiti at nag-bow.

"i am eun sangwo, another editor and also, mr. kim's manager." pakilala ni sangwo habang diretsong nakatingin sa mata ni averie na masasalamin ang sobrang gulat.

"and i am kim taehyung, the voice behind taesthetic vocal covers." seryosong sabi ni taehyung.

bahagya nya lang dinaanan ng tingin si jungkook at napansin na hindi ito nakatingin sa kanya. nakatingin ito sa babaeng katabi nito na mahahalata ang pag-aalala sa mukha.

nag-iwas ng tingin si taehyung nung haplusin ng babae ang pisngi ni jungkook na halatang agad na kinakalma ni jungkook.

i guess, she's that amber girl they're talking about.

"oh my god! taehyung?!" masayang sabi ni jae at mabilis pang tumayo. malalaki ang hakbang na naglakad ito palapit kay taehyung at niyakap ito.

"it's good to see you again. you look----expensive." biro nito na bahagyang kinatawa ni taehyung.

"yes, i am, jae-ssi. i am also glad to see you." sabi ni taehyung at bahagyang niyuko ang ulo nya para sa pag-galang.

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon