•that favor•
third person's pov
"yah, kim taehyung. may lq ba kayo ni jeon? bakit halos umabot na sa sahig yang nguso mo?" tanong ni jimin habang umuupo sa tabi ng kaibigan. "si jungkook lang ba dahilan ng lungkot ko--" taehyung
"bakit? may iba pa ba? sya lang naman iniiyakan mo lagi." sabi ni jimin kaya mas napasimangot si taehyung.
"di sya yung problema ko ngayon." napapahinga ng malalim nyang bulong.
"sino? sino problema mo? may nambully ba sayo? may nanakit? nang-asar? nasaan yan? makakatikim ng suntok sa panga yan." sabi ni jimin sa mapang-bantang tono.
"wala, chim~~ ang laki ng problema ko financially. di ko na alam kung saan ako kukuha ng panggastos ko. dumagdag pang andami kong kailangang bilhin na art materials. hindi sapat yung nakukuha ko sa shop ni jin hyung para sa basic needs ko." sabi ni taehyung habang nakatingin sa total ng bayarin nya.
bumaba din ang tingin ni jimin dun at napahinga ng malalim. "pasensya na, bear. pareho lang tayong working student kaya wala akong mapapahiram." malungkot na sabi ni jimin.
"ayos lang. pareho lang tayong namomroblema sa ganito kaya di mo kailangang humingi ng pasensya. ikaw talaga." sabi ni taehyung saka tinitigan ang papel na hawak nya.
"ayoko namang hiraman si jinnie hyung. napakarami nya ng naitulong sakin at alam kong may mga bayarin din sya. dagdag pang nag-dagdag sya ng gamit sa shop." hopeless na bulong ni taehyung.
"kung nagtuluy-tuloy sana yung tutorial class namin ni sungho ay may panggastos ako ngayong buwan--kaso nag-change university na sya. masaya na rin ako para sa kanya. at least nasunod nya na yung gusto nya." sabi ni taehyung saka bahagyang ngumiti.
"isa lang makakapag-solve ng problema mo." sabi ni jimin. "ano?" taehyung
"si jeon jungkook." sagot ni jimin.
"anong kinalaman nya dito?" tanong ni taehyung kaya umangat ang isang kilay ni jimin. "wala kang kaibigan na mapera, tae. kahit sina jacky at jovie ay walang mapapahiram sayo. si jungkook-ssi lang yung makakatulong sayo, bear. hiram lang naman, hindi hingi." paliwanag ni jimin pero umiling lang si taehyung.
![](https://img.wattpad.com/cover/303370547-288-k176524.jpg)
BINABASA MO ANG
INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]
Romance"i told you to keep quiet. they almost hear us---" "oh my god! pulis ba yun?! sinasabi ko na nga ba at may humahabol sayo--" naputol na naman ang sasabihin ni taehyung nung ibaba nito ang hoodie nito at sumalubong sa kanya ang mukhang sa pictures, m...