•40• pale colours

355 24 18
                                    

third person's pov

"you okay?" bulong ni jimin habang nakatingin kay taehyung. tahimik na sumandal sa railings si taehyung at pinakiramdaman ang lamig ng gabi.

nag-aalala itong pinagmasdan ni jimin. tumingin si taehyung dito at bahagyang ngumiti. "sa tingin mo ba may pag-asa pa?" tanong nya kaya yumakap si jimin sa maliit na bewang niya.

"gusto kitang pasukuin pero kung ikaw ang may ayaw sumuko ay wala akong magagawa. may pag-asa pa ba? sa tingin ko, sa mga pinapakita sayo ni jeon, parang wala na." sabi ni jimin na kinahinga ng malalim ni taehyung.

"akala ko may babalikan pa'ko..." bulong ni taehyung habang mahigpit na nakahawak sa railings ng balkonahe. muli nyang inangat ang tingin nya at pinanood ang maaliwalas at madilim na langit, napakaganda nito kabaligtaran sa nararamdaman nya.

"alam mo, chim, umasa ako na pagbalik ko matatanggap nya ko, na pakikinggan nya ko, na tatanggapin nya yung rason ko pero.." napalunok si taehyung samantalang tahimik lang na nakikinig si jimin.

"...wala, eh. sarado na yung isip nya, sarado na yung puso nya. lahat ginagawa ko para makabalik sa kanya pero sya mismo yung tumutulak sakin palayo. chim, gusto kong sumuko pero baka pagsisihan ko na naman."  tumulo na ang luha ni taehyung kaya napapikit na lang si jimin.

pinakaayaw nya sa lahat ay nakikita o naririnig na umiiyak ang kaibigan nya pero sa hirap ng sitwasyon nito ay alam nyang wala syang magagawa, kundi makinig dito at iparamdam na nasa tabi lang sya nito.

"kasi kung susuko ako ngayon, ang hina ko naman d-diba? kababalik ko lang, kasusubok ko lang tapos tatalikod na'ko agad. baka sabihin ni koo na duwag ako, mahina ako.." dagdag pa ni taehyung.

"alam ko na pagsisisihan ko yung pang-iiwan ko sa kanya dati pero di ko lang expected na ganito kasakit. parang ayaw na nya kong mag-exist sa buhay nya. y-yung k-kaaway nya dati k-kinakampihan na nya ngayon mapaalis lang ako. ang sakit, jimin..." taehyung

"gusto kong magreklamo, gusto ko syang pagsabihan ng kung anu-ano, gusto kong magalit pero pag nakikita ko na sya nauuna yung takot at kaba. nandun ako sa point na gusto kong magpaliwanag at bahala na kung mawawala sya sakin, pero di ko talaga kaya." taehyung

nagyuko ng ulo si taehyung at sinapo ang mukha nya. naiiyak na hinarap ito ni jimin at niyakap ng mahigpit. hinaplos nya ang likod nito habang pinapakinggan ang pigil na pag-iyak nito. "ang h-hirap.." taehyung

INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon