third person's pov
"koo--" agad na napatayo si jungkook nung bumukas ang pinto at iluwa nun si taehyung. mabilis na naglakad si taehyung palapit kay jungkook pero napansin nya ang maliliit na hakbang ni jungkook palayo sa kanya.
angat ang isang kilay na tiningnan nya ito pero nanatili itong nakaiwas ng tingin habang may nakatakip na folder sa kalahati ng mukha nito. "koo, anong prob--" taehyung
"o-oh, haha, tae. h-hobi hyung's been calling me like a hundred times now. i think i should go to him quickly. it's better if you'll stay here and suit yourself---uhh, bye!" sabi ni jungkook habang unti-unting umaatras palayo kay taehyung.
nagtatakang tiningnan ito ni taehyung pero ngumiti lang ito saka nagmamadaling lumabas at sinara ang pinto.
confused na tumulala sa pinto si taehyung bago napaupo sa sofa. mula nung pumasok sya kaninang umaga ay pansin nya ang ginagawa ni jungkook. lahat ng pag-iwas nito hanggang sa paggawa nito ng mga excuses para makaalis.
lagi sya nitong inuutusan kung saan-saan na para bang ayaw sya nitong makasama sa loob ng isang kwarto. maski ang maliliit na paghakbang nito palayo, ang pag-atras nito, paglayo nito kapag palapit sya, yung pilit na ngiti at pag-iwas nito ng tingin. lahat ng yun ay napapansin nya.
pero di nya matanong kung anong problema dahil iwas naman ito ng iwas. lahat ay ginagawa nito makalayo lang sa kanya.
"ano bang problema nya? ayos pa kami kahapon." bulong nya sa sarili saka naglakad palabas ng kwartong yun.
sumilip sya sa practice room at nakitang kausap ito ni hoseok. nasa paligid ang mga back-up dancers nito na kanya-kanya rin ng practice.
walang pag-dadalawang-isip syang pumasok na kinalingon ni hoseok sa kanya. "oh, taebear!!" masayang bati nito at kumaway pa sa kanya. pinilit nyang ngumiti at kumaway pabalik kahit di sya nagawang tingnan o lingunin ni jungkook. nanatili ang mga mata nito sa salamin habang pina-practice ang tinuro ni hoseok.
umupo sa gilid si taehyung at nilabas ang cellphone nya. naglaro na lang sya ng games sa cellphone nya habang hinihintay na matapos ang practice ng mga ito. patapos na sya sa isa pang level ng game nung mapansin nya ang paglalakad ni jungkook papuntang pinto.
dun lang nya na-realize na mag-aalas-syete na pala ng gabi. oras na ng pag-uwi nito. mabilis syang tumayo at sinundan ito sa hallway ng company. dire-diretso lang ito sa room kung saan nito iniwan ang mga gamit nito.
"koo--" taehyung
"i'll leave alone. get home safe." yun lang at mabilis sya nitong nilampasan. narinig nya na lang ang pagsarado ng pinto na kinatulala nya na naman.
w-wait--what's happening? :(
walang ganang kinuha nya ang bag nya saka naglakad na rin paalis ng company. naglakad sya papunta sa sakayan ng bus habang nakatitig sa cellphone nya. sa screen ay makikita ang huli nilang convo na kahapon pa.
napahinga na lang sya ng malalim at naka-pout na binulsa ang cellphone nya. tahimik syang umupo sa abangan ng bus. lumipas pa ang ilang minuto nung may tumigil na kotse sa mismong harapan nya at ng iba pang nag-aabang ng bus.
BINABASA MO ANG
INVADED (TaeKook FF) [COMPLETED]
Romance"i told you to keep quiet. they almost hear us---" "oh my god! pulis ba yun?! sinasabi ko na nga ba at may humahabol sayo--" naputol na naman ang sasabihin ni taehyung nung ibaba nito ang hoodie nito at sumalubong sa kanya ang mukhang sa pictures, m...