ES 05: A Blind Date?

649 52 13
                                    

“Huh? A blind date?” Halos kumawala ang mga mata ni Orazi nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina, si Delm, isa sa mga anak ni Edoardo. Naputol pa ang paghikab niya. Kakarating pa lang ni Orazi sa mansyon at ito agad ang bumungad sa kaniya.

Ngumiti ang ginang nang pagkalaki-laki. “Yes. Wala ka namang kasintahan sa ngayon kaya pumunta ka na lang.”

Napangiwi si Orazi saka tumungo sa kusina. “I don’t want to. Hindi ko kailangan ng kasintahan.”

“You have to. I am the one who set the date,” maktol nito habang nakasunod pa rin sa anak.

Inis na nagsalin ng dugo si Orazi sa baso saka hinarap ang ina. “Edi, ikaw ang sumipot.” Dahan-dahang uminom si Orazi ngunit mabilis din niya itong dinura sa lababo. Siya’s napamura na lang. Ilang araw na rin siyang hindi nakakainom ng dugo dahil hindi ito tinatanggap ng kaniyang katawan.

Napabuntong hininga na lang ang kaniyang ina sa kaniyang sitwasyon ngunit hindi ito naging dahilan kung bakit hihinto ang ina niya.

“Orazi, kapag pumunta ka sa blind date na inihanda ko sa ’yo—”

Halos umikot nang paulit-ulit ang mga mata ni Orazi. “Mom, hindi mo ako madadala sa ganiyan—”

“I have a book that will surely fit your taste. I even bought it just for you,” nakakasiguradong saad ni Delm.

Napahinto siya saglit sa sinabi  ng ginang. “At paano ka nakakasiguro?”

“It’s a boys love theme. A vampire and a phoenix,” bungisngis ng ina nang makuha niya ang interes ng anak.

“Iyong Twisted Fate?” hindi maiwasang magtanong ni Orazi.

She giggled. “You got it right!”

Napakunot ang noo ni Orazi. Hindi niya alam kung paaano nagkaroon ang kaniyang ina. Sa pagkakaalam niya ay limited copies lang iyon at iyon din ang rason kung bakit hindi siya nakabili. Orazi even contacted the author about it but konti lang talaga at wala ng susunod dahil konti lang din naman ang bibili. Naubusan agad siya.

Napalunok si Orazi ng may librong lumitaw sa kaniyang harapan.

Kinuha agad ito ng ginang bago pa man nakuha ni Orazi. “This is really important to you, right?”

“No,” matigas na sagot ni Orazi saka hindi tiningnan ang hawak ng ina. Dilikado na kapag um-oo lang ako bigla.”

Napamura si Orazi ng mahina nang nanuot sa ilong niya ang amoy ng bagong libro.

Orazi heard her sighed. “You don’t want it? This copy had the author’s signature and even a letter for her reader named Orazi.”

Malutong na napamura si Orazi sa kaniyang isip. Hindi niya maiwasang hindi titigan ang hawak ngayon ng kaniyang ina. Binubuklat pa ito ng ginang. Tama nga siya. May signature na ito saka letter. Halos kuminang pa ang book cover nito nang titigan ni Orazi.

Orazi’s face flashed defeat.

“I guess, itatago ko na lang ’to,” mahinang sabi ni Delm kaya walang nagawa si Orazi kundi murahin na naman ang kaniyang sarili.

“I want it.”

Lumiwanag ang mukha ng ina. “Then it’s settled.” Inilahad niya ang libro sa akin. “Here’s your book. Take care of it.”

“Damn! Kung hindi ko pa lang ’to gusto, ’di talaga ako sisipot.” Nakangiting inamoy ni Orazi ang libro at napapapikit pa talaga ito. “I deserved to have this.”

Nagtataka siyang napatingin kay Delm nang makita niya ang pagngiti nito. “Orazi, nakalimutan kong sabihin na ngayon ’yong blind date.”

“What?” Halos mabitiwan pa ni Orazi ang libro sa sinabi niya. “Bakit ngayon pa talaga?”

Lumapit si Delm sa kaniya saka tinapik ang braso inya pero kumunot na naman ang noo ni Delm nang may naamoy siyang ibang uri sa katawan ni Orazi. “You smell different.”

“What do you mean?”

“Nangangamoy tao ka. Can you stop playing around?” nakikiusap na tanong ni Deln sa anak pero napailing na lang ito. Umasim na naman ang mukha ni Delm nang may iba na naman siyang naaamoy. “Did you play with Rejin?”

“She really has the ability to smell every part of me.” Orazi clicks his tongue. Wala talaga siyang kawala sa ina.

“You shouldn’t stick your nose on my businesses.”

Nagkibit balikat si Delm. “Well, he’s a man but I don’t mind it. He’s the prince of Skulei Clan after all and they are all good.”

Tumunog ang phone ni Delm kaya agad niya itong sinagot habang si Orazi naman ay umiinom na lang ng tubig habang nakatingin sa kaniya.

“What?” Umiling pa si Delm dahil sa kausap. “No, it’s okay.” Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay tumingin siya agad kay Orazi. “Bukas na lang daw ang blind date.”

Napatango na lang si Orazi saka inihanda ang sarili upang umalis.

“Orazi, bakit hindi ka na umuuwi?” Hindi maiwasang tanong ni Delm nang maalala niya ang totoong pakay.

Napatigil si Orazi sa paglalakad at nilingon si Delm. “Mom, I already tell you that I owned an apartment saka umuwi ako ngayon.”

“Yes, but aalis ka na naman. Wala ka bang tinatago sa amin?” Hindi nakasagot si Orazi kaya nagtanong ulit si Delm. “You’ve been spending too much time outside. Akala ko tuloy may pet ka na naman.”

“Aalis na ako.” Tumalikod na si Orazi at handa ng lumabas sa kusina. Dilikado kapag nalaman niya ang totoo.”

“Orazi, if you’re looking for a pet, you should stop now. You need a mate.”

“See? They want me to find a mate!” Orazi calms himself. “It’s too early,” huling saad ni Orazi at tuluyan ng naglaho.

***

“Mabuti naman at umuwi ka na. Pwede bang pauwiin mo na ako!”

Ito agad ang bumungad kay Orazi nang dumating siya sa bahay niya. Hindi niya pinansin si Troy at umupo na lang sa sofa ngunit patuloy pa rin si Troy sa pagdadada.

“Give me a reason kung bakit kita papauwiin,” usal ni Orazi.

Hindi sumagot si Troy at napayuko na lang. “Tang-ina. Bakit ba kasi ako naniwala sa matandang bampira na ’yon! Iyong mga kapatid ko…” Ilang ulit pa niyang minura ang sarili.

Agad siyang napatingin kay Troy nang nababasa niya ang iniisip ng binata. Halata sa mukha nito na puno ito ng problemang dinadala.

“You can go but kailangan mong umuwi pagsapit ng gabi,” paalala ni Orazi kay Troy.

Mabilis na lumiwanag ang mukha ni Troy pero kalaunan ay napangiwi na rin pagkatapos. “Huwag mo nga akong utusan.”

“And here.” Inabot ni Orazi kay Troy ang wallet niya pero tinitigan lang ito ni Troy. “Kunin mo na.” Pinagpilitan pa ito ng prinsipe.

Nagtataka niya itong kinuha saka tiningnan pa si Orazi saglit bago buksan. Nanlaki ang mga mata niyang nakatitig dito. Hindi niya kayang ibukas ang kaniyang bibig, halos maging pipi na si Troy sa perang nakatambad sa kaniyang mga mata.

“Ano pa ang hinihintay mo? Umuwi ka na,” walang ganang usal ni Orazi.

“Totoong pera ba ’to?” Ipinakita pa ni Troy ang mga pera.

Tinaasan siya ng kilay ni Orazi. “Tinatanong mo pa talaga ’yan sa bampirang bumili sa ’yo ng three million? Tangnang lalaking ’to. Hinahamon pa talaga ako,” pabulong na saad ni Orazi sa huling pangungusap.

Iwinagayway ni Troy ang wallet sa ere. “Ano ang kapalit nito?”

“None. You’re already my pet.”

“Kailangan mo ba talaga ako?”

Nabigla si Orazi sa tanong ni Troy. “Tinatanong pa ba ’yan?” Troy’s face flashed dissatisfaction. Orazi sighed. Naglaho’t lumitaw siya sa harap ni Troy saka ito hinalikan. “I need you.”

Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon