ES 18: An Eve

435 43 12
                                    

KABANATA XVIII: An Eve

“Insan, sinabi ko na sa ’yo na ayokong um-attend sa meeting.”

Kanina pa sinusubukang lumabas ni Orazi kwarto pero hindi siya nakalalabas. Kahit na maglaho pa siya, sa kwarto pa rin siya lilitaw at kapag sa pinto siya dumaan, kahit na papalabas ay sa kwarto pa rin ang bagsak niya. Inis siyang napasandal sa pinto saka tumingin kay Doyle na prenteng nakaupo sa mini table. Ilang beses na niya itong pinagsabihan na huwag umupo sa mini table, pero ang kulit talaga. Hapon na at hindi pa rin siya nakalalabas sa kwarto. Ilang oras na rin simula nang dumating si Doyle dahilan para magising sila ni Troy.

“Nangangamoy ka na naman.”

Napatalon si Orazi sa gulat nang inamoy ni Troy ang leeg niya. Sinamaan niya ito ng tingin pero napaiwas na lang siya nang makita kung paano tumulo ang iilang butil ng tubig mula sa buhok papunta sa mukha pababa sa leeg.

“Kaliligo ko pa lang, Troy.” Orazi tried to remain his composure but he failed. “Damn you, Orazi. Alalahanin mong nandito si Doyle.” He can’t help but to curse himself.

“Iyong matamis na amoy.” Patuloy pa rin sa pag-aamoy si Troy.

“Ano ba? Nandito si Doyle,” saway niya kay Troy saka itinulak nang mahina ang mukha nito papalayo pero agad niyang itong hinigit at dinilaan ang palad ng bampira.

“Troy.” Pinandilatan pa niya ito ng mga mata pero ngumisi lang ito.

“Kainis.”

“Can you please stop flirting?” Hindi na napigilan ni Doyle at sumigaw na talaga ito sa kanila. “At saka, anong amoy ang sinasabi mo, Troy?”

“Wala ka bang naaamoy? Kahit nga nasa banyo ako ay amoy na amoy ko,” paliwanag ni Troy kaya mas lalong lumalim ang pagkakunot ng noo ni Doyle.

“Kailan nagsimula?”

Napaisip si Troy saka tumingin kay Orazi. “Matagal na. Mag-iisang buwan na rin siguro.”

Inamoy ni Orazi ang kaniyang sarili ngunit wala siyang naaamoy.

Tumayo na si Doyle saka lumakad papalapit sa kanila. “Orazi, kailangan mong dumalo sa pagtitipon. Ngayong alas sais ang simula—”

“Ayoko nga!” sigaw ni Orazi kay Doyle. Halatang-halata ayaw niyang pumunta. Mas gugustuhin pa niyang dumalaw sa mga kapatid ni Troy kaysa sa mga nakatataas na walang ibang ginawa kundi ang manghimasok sa buhay nilang mga itinakda.

“Kung gusto mong malaman ang propesiyang nakatakda sa iyo, pumunta ka,” huling wika ni Doyle saka tuluyang umalis.

“Troy.”

Ngumiti si Troy. “Huwag kang mag-aalala, sasabihin ko sa kanila na bukas ka na makakapunta.”

Orazi pouted. “But I want to visit them today.”

“Bakit pa kasi may meeting pang nalalaman ang mga nakatataas?” naiinis na wika ni Orazi habang nanonood kay Troy na namimili ng damit na dadalhin sa pag-uwi ito.

“Troy, I'll give you a week to rest.”

“Ha?” Hindi nakuha ni Troy ang sinabi ni Orazi.

“Huwag kang pumunta rito ng hindi ko sinasabi.” Bago pa ito magtapon ng tanong ay inunahan na ni Orazi. “Baka pumunta ang mga elders dito.”

Napatango si Troy bigla. “Hindi ka ba pupunta sa bahay?”

“Pupunta ako! Susulpot lang ako ro’n bigla,” mabilis na saad ni Orazi dahilan para ngumiti si Troy. Patuloy lang sa pagliligpit si Troy. “Tapos ka na ba?”

Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon