KABANATA II: A Thief
“Kahit ano pa ang sabihin at paniwalaan ko ay halatang may nangyari sa akin. Fuck! Lagi na lang akong nagmumura.” Halos sumigaw si Orazi sa tapat ng mansyon nina Sefarino, ang pinsan niya.
Paika-ika siyang pumasok sa mansyon habang hinihimas ang pwet nang mahina. Bawat hakbang na ginagawa’y ramdam niya na may napupunit sa loob.
“Kapag nakita ko ’yong tao na ’yon ay tiyak na sisipsipin ko ang lahat ng dugo niya hanggang sa mamatay siya. Tangna niya!” Ilang beses na niyang minura nang minura ang lalaking nakasiping noong gabing nalunod siya sa alak. Hindi niya maikakaila na may kasalanan din siya kung bakit ganito ang nangyari sa kaniya.
“Maayos lang ba ang iyong pakiramdam, Orazi?”
Agad siyang napaangat ng tingin saka ngumiti ng mapait kay Raziel, ang kasintahang piniks ni Sefarino, na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa kaniya.
“O-Oo.” Pinilit niyang sumagot at tumayo nang matuwid saka sinimulang maglakad nang maayos ngunit bigo niyang gawin ito at bumalik ang posturang nakahawak sa hawak habang ang mukha’y hindi na maipinta.
Nanlaki ang mga tainga ni Orazi nang marinig ang tawa ni Sefarino nang papasok sila sa sala. Ito’y nakangisi na habang nanonood sa kalagayan ni Orazi.
Sinamaan nang tingin ni Orazi si Sefarino. “Psh. May gana ka pa talagang tawanan ang pinsan mo? Naghihirap na nga ako.”
“Did you screwed up last night?” nang-aasar na tanong ni Sefarino habang nakangisi.
“Shut up. I’m drunk at that time.” Inis na bilyaw ni Orazi. “Lagot talaga sa akin ’yon kapag nagkita kami ulit. I’m a top! Well, naging bottom lang ako dahil kay Vlad at ngayon naman ay ’yong lalaking ’yon. Hindi naman talaga mahalaga ang posisyon, ang mahalaga at importante ay ang performance. Walangya!”
“Well, it’s not our problem. Let’s go, Raz,” walang ganang sabi ni Sefarino saka hinigit si Raziel.
Agad niyang pinigilan si Raziel bago pa man sila makaalis. Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Orazi. “Hihiramin ko muna si Raziel.”
Agad na pumula ang mga mata ni Sefarino, mabilis na itinaas ni Orazi ang dalawang kamay sa ere saka napatayo nang matupid dahilan para mapangiwi ito. “Relax, insan. Wala akong gagawing masama. May itatanong lang.”
Napangiwi na lang si Sefarino habang tinutulungan ni Raziel si Orazi na papunta sa sala at pinaupo. Napapangiwi at napapamura na lang si Orazi sa tuwing humahapdi ang pwet niya. Sinulyapan niya saglit si Raziel at isang malawak na ngiti ang binungad nito dahilan para gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Napangiti rin si Orazi. “Ang swerte talaga ni Sefarino. Instant comforter itong si Raziel.”
“Ano ang itatanong mo?” nakangiting tanong ni Raziel.
“Ano kasi...” Hindi magawang magtanong ni Orazi. Sa buong buhay niya ay ngayon lang ’to nangyari. Nagtataka si Raziel sa pag-aalinlangan ni Orazi. “Ano ba ang gamit kapag nagdugo?” Pinilit na bumulong ni Orazi sa kahihiyan.
Agad na hinawakan ni Raziel ang magkabilang balikat ni Orazi. “Ika’y nagdurugo?”
“Yeah. Masakit na masakit.” Halos maiyak itong nakatingin kay Raziel nang makaramdam na naman ng hapdi nang inayos ang pagkakaupo niya. “Fuck that jerk.”
Orazi also realized that he made a mistake. Wala pa ring rason kung bakit siya sumama sa isang lalaking ’di nita kilala at nanakawan pa siya ng 10,000. 20,000 ang nawala sa wallet niya!
Napakamot si Raziel sa batok at malumanay na ngumiti. “Patawad, Orazi ngunit hindi ko pa naranasan ang pagdurugo.”
“Hindi talaga dahil para kang mamahaling bagay sa buhay ni Sefarino,” natatawang saad ni Orazi na nagpapula sa mukha ng piniks.
“Ikaw ba’y nasarapan sa nangyari?”
Napahinto si Orazi sa tinanong ni Raziel at napakunot ang noong hindi makasagot.
“Hindi ka nandidiri. Ang ikinagagalit mo lang ay masyadong magaspang ang nangyari,” malumanay na sabi ni Raziel.
Napakagat-labi si Orazi sa sinabi ni Raziel saka napaiwas ng tingin. Kapag naaalala niya ang nangyari kagabi ay tumataas ang balahibo niya, lumalabas ang mga pangil at pumupula ang mga kaniyang mata. Hindi niya makalilimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa ng lalaking estranghero.
Agad niyang tinakpan ang bibig. “It felt good. Really good to be exact.”
“Dahil hindi ko alam ang maaaring gamot, itanong mo na lang ito kay Ginoong Massimo,” suhestiyon niya na nagpangiwi sa prinsipe.
“No way!” tutol ni Orazi.
Massimo isn’t the right person to be ask about the medicine. Ito ang konklusyon ni Orazi dahil natitiyak siyang guguluhin lang siya nito at siguradong makikiusisa sa nangyari sa kaniya. Magiging big deal ito kay Massimo dahil sa buong buhay ni Orazi ay ikalawa pa ang lalaking nakasiping na nakapasok sa kaniya.
“Hindi mo ba kayang pagalingin ang iyong sarili?”
Agad itong napailing. Orazi may be a pure blooded vampire but he also carries weaknesses in life. Orazi can only see the future but Orazi can’t see his own and the fact that he can’t heal himself.
“Ipatingin mo na lang kaya kay Doyle?” Ibang suhestiyon na naman ang ibinigay ni Raziel na nagpangiwi na naman kay Orazi. Lalong-lalo na kay Doyle, ayaw niyang malaman ito ng pinsin niya.
“Ano ang ipapatingin sa akin?”
Agad siyang napatinigin kay Doyle na kararating pa lang kaya pilit na ngumiti si Orazi sa kaniya at kumaway lang. Hindi niya kayang ipakita sa kaniya ang butas niya. Kahit na magpinsan sila ay nakakahiya pa rin ’yon pero si Doyle lang ang takbuhan ng angkan nila kapag nagkakaroon ng sakit. At kapag nalaman niya ang kalagayan ni Orazi ay tiyak na—
Halos mapalundag si Orazi nang umupo ito sa tabi niya. “You’re weird today.” Idinampi ni Doyle ang palad niya sa noo ni Orazi kaya napaiwas ng tingin si Orazi at sinenyasan si Raziel na huwag magsalita kaya tumango lang ito.
“Orazi, may problema ba?” nag-aalalang tanong ni Doyle.
Nakayuko pa rin si Orazi. Tiyak na malalaman ni Doyle ang kalagayan ni Orazi at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa nangyari sa pinsan niya.
Nagulat si Orazi nang niyakap siya ni Doyle. “I-Insan, bakit ka nangyayakap—saan mo dinadala ang kamay mo?” Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang kamay nitong nasa puwet na niya.
Pilit niyang kumawala sa yakap pero napamura nalang nang hinawakan ni Doyle ang parteng mahapdi.
“Who broke you?”
Sa sobrang lamig at maawtoridad na boses ay hindi niya maiwasang manginig at nakita niya si Sefarino na nakayakap na kay Raziel na gulat na gulat na nakatingin kay Doyle.
Napamura si Orazi. Hindi niys alam ang gagawin. Hindi siya makagalaw at makatingin sa kaniya. Alam niyang ramdam ni Doyle ang panginginig niya. Minsan lang ito magalit pero halos kumawala ang kaluluwa ni Orazi sa katawan niya kapag nagagalit ito at lahat ng iyon ay dahil lang sa kalokohang pinasok ni Orazi.
“W-Wala,” utal na sagot ni Orazi at natatakot na baka ay mamamatay siya sa galit na si Doyle.
“Who. Broke. You!”
Halos malagutan ng hininga si Orazi dahil sa pagkasisigaw ni Doyle. “H-Hindi ko kilala!” naiiyak na sigaw ni Orazi kaya agad siyang binitiwan ni Doyle. Doyle gently cupped his face as he see his glaring crimson eyes looking at Orazi.
“Pinagbigyan kita kay Vlad—”
“I’m sorry!” Nakayuko lang si Orazi habang humihikbi. Kahit anong gawin niya ay parang kuya na niya talaga si Doyle at nasasanay na lang siya.
Mahigpit siyang niyakap ni Doyle at ramdam niya ang malumanay nitong paghimas sa likod niya. “I’ll treat that wound but promise me, you’re not going to do it again.”
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampirosIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...