ES 32: Nagsisimula Na

444 31 17
                                    

KABANATA XXXII: Nagsisimula Na

“Hanggang dito ka na lang talaga?” nang-iinis na tanong ni Doyle habang paulit-ulit na sinisipa si Troy sa tiyan. “What a weakling!”

Pangalawang araw na ito ng ensayo na ginagawa ni Doyle para kay Troy at hindi na rin mabilang ni Troy kung ilang pasa na ang natamo niya dahil dito.

“You are weak!” singhal ni Doyle. “Gusto mo bang si Orazi pa ang magpoprotekta sa iyo kapag nagkataon?”

Napakagat-labi na lang si Troy sa sinabi ni Doyle. Alam niyang malakas si Orazi at alam niya rin na hindi niya kayang higitan o pantayan man ang kapangyarihan ng prinsipe.

“Orazi is strong enough to protect himself.”

Agad niyang pinunasan ang dugong lumabas sa kaniyang bibig at pinilit na tumayo. “Pero dalawa na sila.”

Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pag-angat ng labi ni Doyle. “You are right. Mabilis din naman palang gumana ang utak mo.” Nakangisi pa nitong tinuro ang sariling ulo.

Tumakbo na ulit si Troy papunta kay Doyle at ilang ulit itong sinipa ngunit ni isang pag-atake ni Troy ay walang tumama sa bampira. Siya’y napamura na lang siya.

“Dalawa na sila at alam kong mas iisipin niya ang dinadala kapag nagkataong nasa panganib na siya. Hindi siya makakalaban nang maayos.” Inis niyang usal kay Doyle habang patuloy sa pagsuntok ngunit bigo pa rin siyang tamaan ito sa mabilis nitong pag-ilag.

Napahinto si Troy nang maglaho bigla si Doyle. Siya’y naging alerto. Pinakiramdam niyang mabuti ang presensiya ni Doyle ngunit ni kaunti man lang ay wala. Siya’y napalingon sa likod nang makarinig siya ng hangin dahilan para masapo niya ang mabigat na kamao ni Doyle.

“Tang-ina!” napamura siya nang siya’y napaatras. Isang kamao ang humalik samuha ni Troy, siya’y agad na napangiwi habang nakahawak sa mukha.

“Hindi na ako umaasa pang maprotektahan mo siya nang lubusan. Ang sa akin lang ay maging suporta ka niya sa posibleng mangyari.”

Napatahimik si Troy saglit nang makita ang nakapaskil na pangangamba sa mukha ni Doyle. Minsan lang ito nagpapakita ng emosyon kaya hindi niya mapigilang mangamba sa posibleng mangyari sa sakunang pinaghahandaan nila.

Napabuntong hininga na lang si Troy. Hindi tao ang kalaban nila kundi bampira. Kung iisipin ay tiyak na wala siyang laban. Isang hamak na ordinaryong tao lang si Troy, walang kahit anong kapangyarihan.

“Ano ang gagawin ko kung ibang bampira ang makakaharap ko?” Napasulyap si Troy kay Doyle. Alam niyang hindi pa ’to ang tunay nitong lakas. Alam niya rin na tinatago ni Doyle ang tunay niyang kakayahan dahil kung nasa totoong labanan sila, tiyak na kanina pa nakabulagta si Troy sa malamig na semento.

Napahinto at napaisip si Troy. Hindi man lang niya maramdaman ang presensiya ni Doyle, isa ito sa dahilan kung bakit hindi niya natatamaan si Doyle.

Mabilis siyang tumingin kay Doyle. “Paano ko malalaman ang presensya ng isang bampira?”

Kahit na nagtataka ay sumagot pa rin ito, “With the help of your shadows.”

Napakunot ang noo ni Troy. Siya’y napakamot na lang sa ulo nang maalala na tiyak na gabi mangyayari ang sakuna. “Paano kung gabi? Paano kung walang—”

Napakunot na rin ang noo ni Doyle. Kaunting inis ang nakapaskil dito. “Use your sense of touch.”

“Turuan mo ako—”

Nakatanggap si Troy ng isang sipa galing kay Doyle. Gustuhin man niyang murahin ito ay hindi niya magawa. “I know. That’s your next session.” Seryoso siya nitong tinitigan kaya napalunok lang si Troy nang malamig siya nitong tinuro. “Train to death.”

Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon