KABANATA VIII: His Pet
“Lo, you don’t need to find a mate for me,” nakangiwing saad ni Orazi kay Edoardo pero sinamaan siya lang nito nang tingin kaya napabaling si Orazi sa lalaking walang bahid na kulubot ang buong katawan kahit na malapit na itong ma-dead ball para sa mga mata ni Orazi, si Carias, ang ama ng kaniyang ama.
Ngumiti lang si Carias kay Orazi na mas lalong nagpangiwi sa prinsipe. Kung si Edoardo ay sobrang nakasasakal, si Carias naman ay pinapatay na si Orazi. Kahit na ayaw niyang harapin ang dalawang ito ay wala siyang magagawa dahil kasali ang mga ito sa tinatawag na elders, ang mga makapangyarihang namumuno sa mundo ng mga bampira.
“Kailangan mo ng mate dahil ilang linggo na lang ay isisilang ka na bilang isang ganap na bampira. Ikaw ang inaalala namin,” nakangiti niyang sambit.
Orazi snorted. Alam niyang hindi siya ang inaalala nila kundi ang propesiya nakalaan para sa kaniya. “Ano ba kasi ang propesiya tungkol sa akin?” walang ganang tanong ni Orazi. Halos mabilaukan siya nang biglang tumahimik ang paligid na animo’y may dumaan na nakatatakot na nilalang.
“You don’t need to know,” basag ni Edoardo sa katahimikan kaya mas lalong umusbong ang kuryosidad ni Orazi.
“That’s why I don’t want a mate.” Hindi na lang siya nagtanong dahil ayaw niyang magsayang ng oras na kausap ang dalawa.
“Orazi, sumunod ka na lang. Okay?” Malawak pang nakangiti si Carias sa kaniya.
Kung pwede pa lang niyang batukan si Carias ay binatukan na niya ito. Minsan nga gusto niyang tawaging Carias na lamang ang kaniyang lolo dahil kahit baliktarin pa siya ay halos magkasing-edad lang sila.
“Ang aga kasi humarot nitong matanda na ’to habang si Lolo Edoardo ay langya! Kahit na parang nasa mid-30s lang ito ay litaw na litaw pa rin ang alindog,” hindi maiwasang kausapin ni Orazi ang kaniyang utak. “Ganito ba talaga ang mga elders? Maliban sa makapangyarihan, may mukhang ikakaambag sa lipunan.”
Napakunot ng sabay ang noo ng mga elders at napatingin sa isa’t isa. Alam nilang may sinasabi si Orazi sa kaniyang isipan ngunit hindi nila ito kayang basahin dahil si Orazi ay isa sa mga pinagpalang bampira. Kapag may kapangyarihan ang isang bampira, ni sino ma’y hindi kayang basahin ang kaniyang isipan ngunit malalaman pa rin na may iniisip ito.
Walang nagawa si Orazi kundi ang tumayo na saka lumabas sa nakasasakal na silid. Pagkalabas niya ay agad siyang sinalubong ni Doyle.
“Orazi, are you okay?” nag-aalala nitong tanong kay Orazi.
Kahit na nag-aalala ito ay tiyak na susundin niya pa rin ang mga elders.
“Yes. Susundin ko ang gusto nila, ito ang tungkulin ko bilang isang prinsipe ng Andrens Clan,” matatag na saad ni Orazi kahit na alam niya sa sarili niyang hindi niya pa kayang gampanan ang tungkulin bilang prinsipe. Hindi niya maiwasang magtanong kung bakit siya lang ang anak.
“Mabuti naman at naiintindihan mo ang posisyon mo.”
“Am I really a prince or just a puppet?”
“There will be a party tonight. This time, you need to bring a pet. You need to find a pet first for tonight’s party.” Inabot ni Doyle ang isang pulang invitation card pati na rin ang isang malaking box. “Ito ang magiging damit ng alagang mahahanap mo.”
“May dress code pa pala?” natatawang birong tanong ni Orazi bago tinanggap ang mga ito.
“Only your pet. The elders decided this.”
Napatango si Orazi. “So that they can easily determine who’s my pet during the party? Just wow!”
“Tutulungan kita sa paghahanap—”
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampirgeschichtenIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...