KABANATA XXVI: Ginataang mangga?
“Bakit ba gustong-gusto ko ang amoy mo? Na-fu-frustrate na ako,” maktol na usal ni Orazi habang nakaupo sa isang silya.
Nasa staff room sila ni Troy ngayon at magbibihis na sana si Troy ng uniporme upang makapagsimula na sa pagtatrabaho pero dumating si Orazi at sinugod na lang siya bigla. Ang nakapagtataka ay walang kibo man lang ang kanilang manager.
Napangiti si Troy nang palihim. Lagi niya lang itong minamasdan sa malayo. Mabuti na lang at tinanggap ni Troy ang offer ni Calis sa kaniya, ang manmanan ang bawat kilos ni Orazi. Tatlong araw na rin ang lumipas noong magkita sila ng harap-harapan at nadama niya ang malamig nitong katawan. Simula noon, panay na ang sunod ni Orazi kay Teoy. Napawi ang ngiti ni Troy nang maalala ang araw ng kasal nina Orazi at Vladimir. Bilang na lang ang araw na makasama niya ito.
Sinulyapan ni Troy si Orazi at tiyempong nakanguso itong nakatitig sa kaniya. Napaiwas na lang siya nang unti-unti siyang napangiti. Rinig niya ang pagdyak nito sa sahig. Nilingon niya ito at birong tinapik ang sariling ilong gamit ang kanang hintuturo. “Linisin mo na kasi ’yan.”
Gustong-gusto ni Orazi ang amoy ni Troy kaya nakakapagtaka lang. Marami ring kakaiba sa kinikilos ni Orazi na hindi niya matukoy kung ano ang dahilan.
“Bahala ka!” singhal ni Orazi sa kaniya at napatayo na. “Kahit na ayokong makita ka ay wala akong magagawa.”
Napatawa na lang si Troy. Hindi pa rin nakalilimutan ni Orazi ang pagtanggi ni Troy sa alok nito nang magkita sila kaya lagi itong mainit ang ulo.
Mabilis na hinubad ni Troy ang damit niya saka inihagis kay Orazi. “Salo!”
“Ano ba—” Napahinto si Orazi nang masalo niya ito at mabilis itong inamoy na nagpangiti kay Troy.
“Gusto mo pa ba ng iba?” tanong ni Troy kay Orazi.
Mabilis itong umiling habang ang atensiyon ay nasa damit na inaamoy. “Huwag na. Ayos na ’to. Salamat, Troy. The best ka talaga.” Ngumiti si Orazi sa kaniya.
“Hindi ka pa rin nagbabago.” Malungkot na napangiti si Troy. Gusto talaga ni Orazi ang amoy niya at dito pa lang ay nakapagtataka na. “Mabuti na lang at pinahintulutan kang pumunta rito,” usal ko habang nagbibihis na.
“Nandiyan si Doyle sa labas. Binabantayan ang bawat kilos ko.” Ramdam ni Troy ang lungkot sa boses ng prinsipe.
Hindi akalain ni Troy na nandito rin pala si Doyle. Sabagay, walang sekretong hindi matutuklasan ni Doyle. Nang malaman nitong nagkita sila ulit ay halos patayin na niya si Troy. Napabuntong hiningang hinawakan ni Troy ang sariling leeg. “Mabuti na lang at nandoon si Sefarino.”
“Orazi, lalabas na ako.”
“Lumabas ka na. Hindi na kita kailangan,” sagot nito habang nakayakap sa damit ni Troy. Damang-dama ni Orazi ang matamis na samyong nanggagaling sa damit. “Shit. Ba’t ba ang tamis ng amoy nito?”
Nakangiwing lumabas ng staff room si Troy. Hindi pa naman nagbubukas ang bar kaya lumabas siya at nakita agad si Doyle sa isang bench na nasa gilid lang din ng bar, nagbabasa ng libro. Hindi masyadong maliwanag kaya napakunot ang noo ni Troy.
“Ibang klase talaga ang mga bampira, mukhang ordinaryong tao lang sila.” Napapailing pa si Troy sa kaniyang sinabi.
“Buntis ba siya?” diretsahang tanong ni Troy kay Doyle nang makalapit siya rito. Kahit na alam na niya’y gusto niyang makatiyak na magsasabi ng totoo si Doyle.
They are vampires. Mas tuso pa ito sa ahas.
“Bakit mo naman naitanong ’yan?” Nakapokus pa rin si Doyle sa libro.
“Maraming pagbabago sa kaniya.” Kumunot ang noo ni Doyle sa sinabi ni Troy kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Halimbawa, sa pagkain...”
“You really observed him.”
“I deserve him. My gaze is just for him,” Troy confidently said but Doyle snorted.
Isinarado ni Doyle ang libro saka masinsinang tumitig kay Teoy. “Hindi ka ba magtatanong kung sino ang ama?”
“Para lang masaktan ako?” birong tanong ni Troy. “Ako naman ang ama.”
Alam niya kung sino ang ama. Halatang-halata naman.
“Huwag kang magsaya, akala mo ba’y ikaw na ang ama? Orazi’s an eve. Magkaibang-magkaiba kung paano mabuntis ang isang eve sa ordinaryong tao lang,” mahabang paliwanag ni Doyle na nagpagulo sa isip ni Troy.
Hindi niya alam kung tinatakot o niloloko lang siya ni Doyle. Hindi niya makuha ang sinabi nito.
“Pangalawa ka lang na dumating sa buhay ni Orazi. Ang daming nangyari’t nagbago. Dahil sa simula pa lang, hindi isang eve si Orazi bago pa dumating si Vladimir.” Tumayo si Doyle sabay ngisi kay Troy. “Sa tingin mo, bakit si Vladimir ang tinutulak ng elders na maging mate ni Orazi?” Isang tanong na nagpaguho sa mundo ni Troy.
Napakagat-labi’t napakuyom ang mga palad ni Troy. “I-Ibig sabihin… hindi ako ang ama ng dinadala niya?” Hindi na maalala pa ni Troy kung kailan huling gumapang pababa ang kaniyang mga luha. Nakapako lang ang mga paa niya sa kinatatayuan, nakatitig kay Doyle habang ang rumaragasang luha’y hindi kayang pigilan.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang namamasang pisngi sabay mapait na tumawa. “Kahibangan.”
“Umasa ka. Iba kaming mga bampira sa isang hamak na tao lang. Kaya kung ako sa ’yo, lalayo na ako,” paalala ni Doyle kay Troy.
Napailing si Troy sabay ngiti. “Gusto ko pa ring pagsilbihan si Orazi.”
Kumibot ang kilay ni Doyle. Siya’y hindi makapaniwala sa sinagot nito. “Hindi ka ba nasasaktan sa pinaggagawa mo?”
“Itinuturing kong anak ang dinadala niya,” usal ni Troy at ngumiti. “Masaya akong amoy ko ang hanap niya. Akalain mong hindi ako ang ama pero ako ang pinaglilihian?” Pinilit niyang magbiro’t pasiglahin ang boses ngunit patuloy na dinudurog ng katotohanan ang kaniyang puso.
“Ang bobo mo.”
Napatawa si Troy at tumalikod na. “Dalawa na kayo ni Orazi ang alam ’yan.”
Sa bilis ng oras ay busy na si Troy sa pag-aasikaso ng customers. Pangiti-ngiti lang siya sa mga ito na animo’y walang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay pilit pa rin sa pagpoproseso ang nalamang katotohanan. Ilang ulit na rin niyang minura ang sarili dahil siya’y umasa.
“Troy! Gusto ko ng mangga,” ngawa ni Orazi. Kanina pa itong nag-iingay sa bar counter.
“May trabaho pa si Troy. Ako na ang bibili,” suhestiyon ni Doyle na ngayon ay nasa tabi lang ni Orazi at umiinom ng alak.
“Si Troy ang bibili,” matigas na sabi ni Orazi saka nagmamakaawang tumingin kay Troy habang nakanguso pa. “Ayaw mo bang bilhan ako ng ginataang mangga?”
“Ginataang mangga?” sabay na tanong nina Doyle at Troy. Tumingin si Troy kay Doyle at nakakunot rin ang noo nito.
“Saan naman ’yon mabibili?” Halos maputol na ang ulo ni Troy sa pagtabingi nito.
Napapikit si Doyle at pilit na kinalma ang sarili. “Look, Orazi. Alas dose na. At isa pa, walang ganoong pagkain—”
“Edi ’wag. Mamatay sana kayong lahat! Huwag n’yo akong kausapin!” galit na sigaw ni Orazi at padabog na pumasok sa loob kaya napasunod silang dalawa sa kaniya.
Napakamot sa ulo si Troy. Naiinis si Orazi kay Doyle kahit na totoo ang tinuran nito.
Pumasok si Orazi sa loob ng staff room kaya agad silang napasunod sa prinsipe. Sinubukan itong buksan ni Troy ngunit naka-lock. Kinatok pa niya ito ng ilang beses. “Orazi, buksan mo ang pinto. Hindi ako makabibili kapag walang pera.”
Ilang segundo rin bago binuksan ni Orazi ng kaonti ang pinto sabay ngiti ng pagkalawak. “Huwag mong bilhin.”
“The fuck! Sumasakit ulo ko sa inyo.” Napamura na si Doyle at napasandal sa pader.
“Wala naman sigurong balak si Orazi na utusan akong manguha ng mangga sa puno nito?” Malalim na napaisip si Troy at napalunok. “O baka naman, gusto niya akong magnakaw?”
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampirosIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...