KABANATA XXIX: Ang Pagtatapos
“We need to send Orazi to the other dimension.”
Nanliit ang mga mata ni Orazi sa narinig, ito ay sinabi ni Edoardo. Napahinto pa ako sa tapat ng pinto. Hindi niya magawang pumasok sa silid kung saan nagaganap ang pagpupulong. Hindi na niya naaamoy si Troy kaya mas lalo siyang nagtaka.
“He’s carrying a child. Gagawin nila ang lahat para lang makuha si Orazi,” dagdag pa ni Edoardo.
“I can protect him, Lolo.” Halos masuka si Orazi sa sinabi ni Vladimir. Inako pa nito ang malaking gawain.
“Feeling close masyado kay Lolo. Poprotektahan? Well, kaya ko ang sarili ko at ang dinadala ko,” bulong ni Orazi sa sarili at pinigilang pumasok sa silid.
“You can’t protect him. Masyadong maraming angkan ang naghahabol na makuha si Orazi.”
Napabuntong hininga na lang siya habang hinahaplos ang tiyan na hindi niya alam kung may laman ba talaga. Wala kasing nagbago, kain lang siya nang kain at napangiwi pa siya dahil may kaunting umbok na ito.
“Masyadong busog naman yata ako.” Napapailing niyang haplos sa tiyan.
“What about Troy?” narinig niyang tanong ni Vladimir.
Kumunot ang noo ni Orazi nang nasali ang pangalan ni Troy.
“Don’t worry. Hindi na ’yon makikialam pa.”
Hindi alam ni Orazi kung ano ba ang koneksyon nila kay Troy. Masyadong importante yata ang taong ’yon dahil pinagtutuunan nila ng pansin.
Isang mahabang katahimikan ang nanaig sa loob ng silid kaya bago pa man sila makapag-usap ulit ay napagdesisyunan ni Orazi na pumasok habang may malawak na ngiting nakapaskil. Mabilis itong nabura nang makita niyang si Edoardo at si Vladimir lang ang nandito.
“Akala ko ba may meeting?” Hindi pinahalata ni Orazi na siya’y nagtataka.
“Why are you here, Orazi?” malamig na tanong ni Edoardo.
Hindi na nag-abala pang umupo si Orazi. “Nabalitaan ko kasing may meeting kaya ako pumunta.”
Nakangiting tumayo si Vladimir saka lumapit sa kaniya. Hahalikan na sana siya nito sa pisngi bilang pagbati ngunit mabilis siyang naglaho at lumitaw ng nakaupo na sa isang silya habang nakatakip sa ilong. Hanggang ngayon ay nakakunot pa rin ang noo ni Orazi sa amoy nito. Pagtingin niya kay Edoardo ay nanindig ang lahat ng balahibo niya. Mula sa itim nitong mga mata ay bigla itong kumislap ng pula, kahit sandali lang ito, nanginig na ang buong katawan ni Orazi. Hindi siya makagalaw sa isang masamang tingin na kaniyang natanggap.
Naikuyom ni Orazi ang kanang kamay. Matagal na silang hiwalay ni Vladimir kaya napaka-imposible namang ito ang ama ng dinadala niya at bakit pa ba nila pinipilit na maging sila ulit?
“Orazi, nalaman kong hindi ka na umuuwi sa mansyon.”
Napangiwi siya sa tanong ni Edoardo. Tiyak na si Vladimir na naman ang nagsumbong.
“Akalain mong pinatira pa ang mokong na ’to sa mansyon ng mga magulang ko?” inis na bulyaw ni Orazi sa isipan, siya’y nanatiling nakangiti lang kahit na gusto niyang sumabog sa galit.
“Lolo, it’s okay,” sabi ni Vladimir saka ngumiti nang malawak. “Hindi kasi gusto ni Orazi ang amoy ko dahil sa pagbubuntis at naiintindihan ko naman ’yon.”
Dahil sa inis ay agad na naglaho si Orazi. Mabilis na nagbago ang mood niya nang maabot ang sinigang na baboy. Nasa tapat siya ngayon ng isang karenderya.
“Mabuti na lang at dito ako dinala ng kapangyarihan ko,” bungisngis niyang sabi at natatakam na bumili ng sinigang na baboy.
Matapos bumili, agad niyang tinungo ang mansyon ng mga Lazarus. Wala na siyang pakialam kung istorbo siya sa magkasintahan, ang gusto niya lang ay makita si Troy.
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampireIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...