KABANATA XXIV: The Deal
Paulit-ulit na tiningnan ni Troy ang magarbong mansyon sa harapan niya saka napatingin ulit sa litratong binigay ni Niel sa kaniya na pinabibigay raw ni Doyle. Pinuntahan lang niya ang lokasyong nakasulat sa likod ng litrato.
Ang daming bampirang magagara ang kasuotan at mga sasakyan. Mapait siyang napangiti. “Ang taas talaga ni Orazi.”
Pumunta si Troy upang masaksihan ang kaarawan ni Orazi. Apat na araw na ang lumipas simula noong lumisan siya sa bahay ni Orazi. Hindi niya alam kung paano harapin ang prinsipe kaya siya na ang kusang lumayo upang makapag-isip. Kakaibang saya ang nararamdaman niya nang lumabas si Orazi sa mansyon na ngayon ay nakabusangot. Inis pa nitong niluwagan ang lasong suot nito.
“I miss him.”
Gusto niyang lumapit pero bago pa siya makalapit ay dumating ang isang lalaking disenteng-disente at ang mukha’y pang-artista na ngayon ay mabilis na niyakap si Orazi. Si Vladimir.
Napahinto si Troy. Sinampal siya ng katotohanan na hindi niya pagmamay-ari ang prinsipe.
At sa huling pagkakataon, ngumiti si Troy at bitiwan ang mga huling kataga bago siys tuluyang maglaho sa mundo ni Orazi. “Maligayang kaarawan, Orazi.”
“Bakit mo kilala si Orazi?”
Napalingon agad si Troy. Isang maputlang lalaking kasing-tangkad niya lang din na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya. Ito ay nakasuot rin ng magarbong damit na kumikinang pa sa ilalim ng buwan.
“Ang pangalan ko ay Troy at wala kang pakialam kung bakit ko siya kilala,” usal ni Troy at nilagpasan ito.
“Huwag ka ng umasa pa dahil ikakasal na siya kay Vladimir. Walang kaso sa aming mga bampira ang kasarian lalong-lalo na sa isang eve na katulad ni Orazi,” pagbabahagi nito.
“Iyong kasintahan—” Lumingon si Triy at ang palad ng bampira ang tumama sa noo niya. “Buburahin mo?”
Ayaw niyang makalimot. Kahit na masakit kapag naalala niya ang prinsipe ay wala siyang magagawa dahil ito lang ang nagsisilbing koneksyon nilang dalawa.
“You’re sharp,” bilib nitong saad.
“Kahit huwag mo ng burahin, gusto kong maalala siya palagi.” Nakiusap na si Troy habang nakayuko pa.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Isa kang hangal, tao.”
“Nagmahal lang.” Ngumiti si Troy. “Kaya mo rin bang bumura ng alaala ng isang bampira?”
Nakipagtitigan lang sila at si Troy ang unang umiwas sa nagtataka nitong mga mata. “Pakibura ang alaala ni Orazi tungkol sa akin. Ayokong makita siyang nagdudusa dahil sa aming pagtatagpo. Mabuti pa kung ganoon. Ayokong maalala pa niya ang binuo namin.”
“Ang utos ay alaala mo at pati na rin ang alaala ni Orazi ang buburahin. Nabura na ang kay Orazi.” Hindi makapagsalita si Troy kaya nagsalita ulit ito. “Bakit mo siya minahal?”
“Compatible ang mga katawan namin.” Napatawa si Troy sa sobrang lalim ng kunot ng noo nito. Sumulyap ulit si Troy sa mansyon. “Pero higit pa roon, tinanggap niya ako. Isang taong maraming utang, magnanakaw, at isang kahig, isang tuka ang buhay. Hindi niya ako tinuring na iba sa kaniya.”
“Bakit ka niya minahal?”
Hindi siya nakailag sa tanong nito. Matipid siyang napangiti. “Iyan din ang tanong ko pero laging pagtanggi ang sinusukli ni Orazi.” Nagsimulang uminit ang mga mata ni Troy habang inaalala ang masasayang alaala nilang dalawa ng kahapon na hindi na kaya pang ibalik ng kahit anong paraan.
“Bakit ka umiiyak?”
Tinitigan ni Troy ang bampira. Wala siyang nakikitang panghuhusga sa mga mata nito. Ang mga ito ay naghihintay lang sa kaniyang isasagot.
“Dahil masakit bitiwan ang kalahati ng buhay ko. Kaya kahit sa alaala na lang ako nakatira’y kontento na ako.”
Nabigla ito sa sagot niya. Ito’y napaiwas ng tingin. “Hindi mo ba ipaglalaban?”
“Hindi pa ako tumataya, talo na ako.”
Napailing ang bampira sa sinabi ni Troy. “Tumaya ka at malalaman mo ang kalalabasan.”
Napakunot ang noo ni Troy nang maglaho ito sa harap niya. Isang tapik sa braso ang nagpalingon sa kaniya at mukha nito ang tumambad. “Orazi hid you well. I am Calis, Orazi’s cousin,” pakilala niya sabay lapit ng mukha sa leeg ni Troy at inamoy ito dahilan para mapaatras siya. “You’re not Alas. You are a Shiniami.”
Napataas ang kilay ni Troy dahil kilala siya nito.
“What a destiny.” Naeenganyo itong tumatawa. “You have 50% chance to win.”
“Ano ang kinalaman ng totoo kong katauhan?” Hindi na niya alam ang pinagsasabi nito.
“Ayaw mo bang maging vampire hunter niya?” The vampire smirked.
Napahinto si Troy. Gusto niya. Gustong-gusto. Ang problema nga lang ay kung tatanggapin ba siya ng angkan ni Orazi.
“You just need to protect him in the shadow.” Nakangiting inilahad nito ang kaniyang palad sa harap ni Troy. “Now, will you accept it, Mr. Troy Shiniami?”
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampireIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...