ES 13: His Cousins

449 37 14
                                    

KABANATA XIII: His Cousins

"Huwag na huwag mong papainitin ang ulo ni Doyle." Ito ang pabalik-balik na paalala ni Orazi kay Troy dahilan para mapangiwi ang binata.

"Naririndi na ako," inis na saad ni Troy.

Nasa kotse sila at sa hindi kalayuan ay isang flower shop. Siguro mga limang minuto na silang nandito at parang walang planong bumaba ni Orazi sa kotse. Pabalik-balik pa ang buntonghiningang ginagawa nito.

"He wants to know you. I already told him that I have a pet." A small sigh escape from his lips.

"Sinabi mo naman pala, bakit pa kailangan naming mag-usap?" Nababagot na si Troy sa kotse. Kung nasa bahay lang sila ay tiyak na natulog na ito.

Hindi man gustong makilala ni Troy si Doyle ay wala siyang magagawa dahil sa kasunduang ginawa nila ni Orazi. Kapag nagpakilala siya rito ay may tatlong araw siya para umuwi sa kanila.

Inuntog ni Orazi ang mukha sa manubela. "He's protective when it comes to me and I don't know why. Lately, mas nagiging mahigpit siya."

"Ako ba ang kauna-unahang alaga mo?" tanong ni Troy at hindi na makapaghintay na malaman ang totoo.

"Hmm? Yeah. Bakit mo naitanong?" Medyo lumambot na ang nakakunot niyang noo.

A bitter smile escape from Troy's lips.

"Hindi mo ba naging alaga 'yong Vlad?" Napangiwi si Troy nang maisip na lahat ng nakaraan ni Orazi at konektado lang sa mga lalaki.

"Vladimir was my boyfriend. Hindi ko siya itinuring na alaga."

Napahinto ang puso ni Troy sa pagtibok nang ngumiti si Orazi nang malumanay habang sumasagot. Napaiwas siya nang kumirot ito. "Naninibago ako nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako tanga at walang alam kung saan ito patungo ang nararamdaman ko."

"Sino ba 'tong si Doyle?" Basag ni Troy sa katahimikan. Iniba na lang niya ang usapan dahil baka lumutang na lang siya bigla sa pag-iisip ng kung ano-ano.

"Nagiging matanungin ka na, Troy," natatawang usal ni Orazi.

Napangiwi ang binata. "Hindi mo naman kailangang sagutin." At inis na minura ang sarili dahil hindi niya alam kung bakit siya nanghihimasok.

"He's my cousin," sagot ni Orazi saka tumingin sa shop at nanlaki ang mga mata. "Shit! Nandito si Sefarino, mamaya na tayo pumasok."

"Bakit ba ang hilig bumanggit ng iba't ibang lalaki ang isang 'to?"

Tumunog ang selpon ni Orazi kaya wala siyang nagawa kundi ang sagutin ito. "Yeah? Papunta na kami." Buntonghiningang binaba niya ang selpon. "No choice. Tara na."

"We're here," anunsyo ni Orazi pagkapasok nila kaya sabay na lumingon ang dalawa.

Nagtataka si Troy nakatingin sa lalaking nakatali ang buhok habang ang mga mata nito'y pinapatay na siya kaya napagtanto na ito si Doyle

"Siya ba ang bumasag sa 'yo?" blankong na tanong ng isang lalaki na ang mukha ay nakapaskil na walang pakialam sa posibleng matutuklasan.

"Si Sefarino 'to panigurado."

Sa bilis ng pangyayari ay napadaing na lang si Troy nang nasa pader na siya habang nakahawak si Doyle sa damit niyang nanginginig at nanlilisik ang mga mata. "Ikaw ba?"

"Ang bumasag kay Orazi?" Tumingin si Troy kay Orazi pero napailing na lang ito.

"Oo." Ngumiti pa si Troy ngunit napadaing na rin nang mas idiniin siya ni Doyle sa pader.

Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon