“May kulungan kayo?” nagtatakang tanong ni Troy sa mga kausap niya ngayon na mga alaga rin ng ibang bampira.
Nasa labas siya ngayon dahil hindi na niya makita si Orazi at nadatnan niya lang ang isang grupo ng mga alaga na nag-uusap kaya sumali na lang siya.
“Oo naman. Ang mga alagang katulad natin ay may sariling lalagyan,” sagot ng isang lalaki. “Ikaw ba?”
“Sa sahig ako pinapatulog pero minsan ay sa tabi niya,” pagtatapat niya pero nakatitig lang sila sa kaniya na may inggit na nakaukit na hindi alam ni Troy kung bakit. “Bakit gan’yan kayo makatingin?”
Sabay na nagkatingin ang mga kausap niya saka nagtanong ang isang babaeng alaga, “Sino ang nagmamay-ari sa ’yo?”
“Orazi Andrens.”
Horror flashes on their faces.
“Ang malas mo naman,” sambit ng isang babae.
Hindi makuha ni Troy ang mga sinasabi ng kausap niya. Hindi niya alam kung saang banda ang malas sa kaniya.
“Hindi mo pa ba alam? May alaga siya dati pero—”
Napatigil ang lahat sa pag-uusap. Naging alerto rin si Troy sa malalamig na presensiyang binibigay ng dalawang bampirang kararating pa lamang.
“Hey, pet of Orazi Andrens.”
“Bakit?” Kahit na gustohin niyang sigawan ang tumawag sa kaniya ay hindi pwede. Baka bigla na lang siyang bumulagta. Alam niya sa sarili niya kung sino-sino ang nagmamay-ari sa mga nakakapanindig na balahbong presenisya.
“Magandang gabi, elders!” sabay-sabay na bati ng mga kausap ni Troy sa dalawang kararating pa lang habang nanginginig na nakayuko.
Humarap na si Troy sa mga elders at ni kaunting takot ay hindi niya maramdaman dahil sa puot at galit na kaniyang kinikimkim ilang taon na ang nakalipas. Wala siyang balak respetuhin ang bampirang malaki ang kasalanan sa kaniya.
“Pwede na kayong umalis,” saad ng isa sa kanila kaya halos nagsitakbuhan na sila papasok ulit sa mansyon. Tiningnan ako ng lalaking nasa mid-30s na ang anyo, si Edoardo. “Ilang buwan ka na niyang alaga?”
“Wala pang isang linggo. Napulot niya lang ako sa daan.” Mukhang nakumbinsi niya naman silang dalawa subalit alam niya na alam ng elders na siya’y nagsisinunngaling lamang.
“He didn’t restrict your thoughts but I can’t read what you’re thinking,” usal ng isa, si Carias.
“Hindi na ’yon mahalaga. Wala naman akong iniisip,” pilosopong usal ni Troy pero mali yata ang ginawa niya dahil tumaas ang kilay ni Edoardo habang ang kasama nito ay napailing lang.
“Bakit hindi mo suot ang collar?”
Napakamot si Troy sa ulo sabay ngiti nang malapad. “Nakalimutan ko.”
Bigla siyang naglaho kaya napaatras si Troy ngunit agad din siyang napalayo nang namalayan niyang humihinga na si Edoardo sa kaniyang leeg.
“You’re a pet with a mark.” Bahid ng inis ang pagkakasabi niya rito. Mabilis niyang higit ang leeg ni Troy at mahigpit itong hinawakan na nagpangiwi sa binata. “Saang angkan ka nabibilang?”
“Hindi ko alam—”
Mas lalong idiniin ni Edoardo ang pagkasasakal kaya napamura na lang siya sa isip.
“Sagot!” hinagpis na sigaw ni Edoardo.
“Patayin mo na siya agad bago pa niya mapatay si Orazi,” utos ni Carias saka ngumiti pa kay Troy dahilan para mainis si Troy.
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampireIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...