ES 16: His Family

429 38 25
                                    

KABANATA XVI: His Family

“Sigurado ka bang ayos lang kahit na wala akong dala?” tanong ni Orazi kay Troy habang nakasulyap sa bahay na nasa harap nila. Hindi ito masyadong maliit, katamtaman lang ang laki ngunit disente pa ring tingnan dahil sa malinis na pintura ng bahay.

“Ilang ulit mo na ’yang tinatanong sa akin,” inis na usal ni Troy.

Hindi na alam ni Troy kung ilang minuto na silang nasa kotse dahil ayaw pang bumaba ni Orazi. Sinabi niya kay Troy na bibilhan na muna niya ng mga pagkain o damit man lang o ’di kaya laruan para naman kahit papaano ay mapasaya niya ang mga ito.

“I just want make them happy,” nanghihinayang na bulong ni Orazi.

“Makita lang ako ng mga kapatid ko, tiyak na masaya na sila.”

Mabilis na inangat ni Orazi ang mukha saka napangiwi. “Ang kapal ng mukha mo. Tara na nga.”

Si Orazi na ang unang lumabas sa kotse at unang naglakad papunta sa tapat ng pinto pero hinintay niya si Troy upang itoo na ang kumatok pero hindi ito ginawa ni Troy at ngumiti lang saka kinuha ang susi sa bulsa at pumasok na kaya sumunod na rin siya.

“Kuya Troy!” nakangiting sabay-sabay na sigaw ng dalawang babae saka masayang tumakbo papalapit kay Troy.

Orazi cann’t stop himself from smiling widely. They’re so lively. Tama nga si Troy, makikita talaga ni Orazi sa mga mata nilang nananabik na mayakap si Troy.

“Halatang-halata na na-miss n’yo ako,” pabirong saad ni Troy saka isa-isang ginulo ang buhok ng mga batang babae.

“Syempre naman po. Ilang araw ka na rin pong hindi dumadalaw sa amin.” May lungkot at tampo ang boses nito kaya nakonsensya si Orazi at nagtataka rin.

“Hindi ba pinauwi ko siya noong isang araw?” tanong ni Orazi sa kaniyang sarili. Napailing siya’t nag-iisip na baka’y magiging masama siya sa mga mata ng cute na mga batang ito.

“Kuya, mahirap ba ang trabaho mo?”

Napalaki ang tainga ni Orazi sa tanong ng batang hanggang balikat ang buhok. Siya’y napatanong rin kung mahirap ba para kay Troy ang maging kasama siya.

Troy grinned at Orazi. “Hindi naman.”

“Sino siya, Kuya?” nakaturong tanong ng bata may mahabang buhok.

“Nga pala, si Orazi, kaibigan ko,” pagpapakilala ni Troy.

Malawak na ngumiti si Orazi. “Hello sa inyo!”

Kahit na nag-aalinlangan ay sabay silang ngumiti. “Hello po!”

“Kuya Troy?”

Sabay silang napalingon ni Troy sa bagong dating. Napakunot ang noo ni Orazi nang makilala ang lalaking kausap ngayon ni Troy.

“O, Niel, kumusta ang practice? Nabasa ko ang text mo. Lagi ka na lang may practice kahit na Linggo.”

“Hey! It’s nice to see you again,” pang-aagaw ni Orazi sa atensyon ng binata.

Nanlaki ang mga mata nito saka napaiwas. “H-Hello.”

“Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Troy kaya tumango si Orazi.

“Sana, huwag niyang sabihin kay Kuya na nagtatrabaho ako kundi hindi na ako makakatulong pa dahil ayaw ni Kuya na magtrabaho ako.”

Dama ni Orazi ang takot nang mabasa niya ang iniisip ni Niel kaya napailing na lang siya at napagtantong hindi pala alam ni Troy na nagtatrabaho na ang kapatid niya.

Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon