KABANATA XXI: Revelation
“Natauhan ka na ba?”
Tahimik pa rin si Orazi. Matagal na itong nakatitig lang sa sahig. Samu’t saring impormasyon ang kaniyang nakalap. Hindi niya alam kung saan magsimula at ang nararamdaman niya’y tila isang bangungot lang.
“Kung hindi ko lang nalaman na—”
“Nalaman ko na na anak siya ni Trailor,” mahinang pahayag ni Orazi.
Bumuntong hininga si Doyle. “Alam mo naman pala—”
“Please, Doyle. Huwag muna ngayon, puwede ba?” iritang saway ni Orazi saka binagsak ang katawan sa sahig. “Hindi ko na . . . Hindi na maintindihan pa ang sarili ko.” Nalilito na si Orazi sa kaniyang sitwasyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. “Bakit siya pa? Bakit ang alaga ko pa?”
“Alaga mo lang si Troy. Puwede mo siyang itapon—”
“I . . . I k-killed his father.” Nagsimulang manginig ang buong katawan ni Orazi. He tightly hugged himself. “I-I . . . killed him.” His tears start to fall. “They will hate me, Doyle.” Siya’y napahagulgol na ng tuluyan. “Troy’s family will gonna hate me.” He don’t want it. He don’t want them to hate him. Nagsisimula pa lang ang pamumuhay niya bilang isang ordinaryong tao. Nakaranas siya ng mga bagay na hindi pa niya nararanasan. Hindi pa masyadong matagal ang napagsamahan nila. Ayaw ni Orazi na mawala na lang ito bigla.
Doyle hugged Orazi. He tries to calm the prince. “Orazi, alalahanin mong hindi mo sila pamilya. Walang namamagitan sa iyo at sa pamilyang iyon.”
“C-Chin-Chin will hate me. Emily, too.” Mahigpit na napayakap si Orazi kay Doyle. “Si Niel din. P-Paano na? Ano . . . ang gagawin ko?” Bumitiw si Orazi kay Doyle. Patuloy pa ring nanginginig ang kaniyang katawan. Nagsimulang sumakit ang kaniyang ulo kaya walang pag-aalinlangang sinambutan niya ang sarili. Para siyang nababaliw sa kaniyang nararamdaman. Iyak at panginginig ang inilalabas ngayon ni Orazi.
Napamura na lang si Doyle at pilit na pinapakalma ito. “Orazi?” Pilit niyang tiningnan ito sa mga mata. “Orazi!” Napasigaw na siya nang makitang paiba-iba ang kulay nito. “Hey!”
“Hate me. Hate me. Hate me.” Ito ang paulit-ulit na bigkas ni Orazi saka tuluyan ng nawalan ng malay.
“Shit.” Napailing na lang si Doyle saka binuhat si Orazi papunta sa kama. Napatitig siya sa maamong mukha ni Orazi na hanggang ngayo’y may mumunting luha pa rin ang inilalabas ng namamagang mata nito. “Fuck! Kaya ayokong malapit ka sa Alas na ’yon.”
Tahimik niyang pinunasan ang pisngi ni Orazi. “Damn that human.” He felt guilty. “Kasalanan ko rin ang lahat. Gustong-gusto mong lumaya kaya binigay kita sa kaniya. Gumawa ako ng paraan para sa ’yo pero bakit ka nagdudurusa ngayon?”
Inayos na Doyle ang sarili saka tinungo ang pinto at bago pa siya makalabas, nagbitiw siya ng mga kataga. “Sa simula pa lang, biktima ka lang din.”
***
Napatingin si Doyle sa kaniyang dalang pagkain. Kararating pa lang niya sa bahay ni Orazi at madilim lahat ng sulok nito. Gabi na at natitiyak siyang hindi pa ito kumakain o uminom man lang ng dugo.
Isang putok ng baril ang umagaw sa pandinig ni Doyle. Nanlaki ang mga mata niya sa posibleng nangyari at mabilis na tinungo ang kuwarto ni Orazi. Mga matang mapupula ang tanging nangingibabaw sa madilim na silid at ang isang silver gun na kumikinang pa.
“Nahihibang ka na ba?” Isang sigaw na nagpalindol sa buong silid.
“I wanna end my sufferings.” Kahit na hindi nakikita ni Orazi ang mukha nito sa dilim ay boses pa lang, kilala na niya ito. “I tried it. First time kong magpaputok, ako kasi ’yong laging pinaputukan.”
A fade laugh escape from Orazi’s mouth that made Doyle shivers. Hindi akalain ni Doyle na magagawa ito ni Orazi.
Naramdaman ni Orazi an malamig na kamay na umagaw sa silver gun. “You suffered enough.”
Inis na napakagat-labi si Orazi. “I badly want him, but as an eve like me, I don’t have freedom.”
“Ano’ng sinasabi mo? Hindi ka pwedeng magmahal ng tao—”
“Kalayaan ang hinihingi ko!” sigaw ni Orazi.
“Orazi, you don’t have a freedom—”
“Exactly. That’s why I wished to be just an ordinary.” Kalungkutan ang nanaig sa boses ng prinsipe.
Mahabang katahimikan ang namumuo sa pagitan nilang dalawa.
“Nakita ko ang hinaharap,” panimula ni Orazi dahilan para mapatigil si Doyle sa pag-aayos ng bulaklak. “Mamamatay si Troy kapag nagpatuloy ang koneksyon naming dalawa,” dagdag niya.
Kumunot ang noo ni Doyle. “How about your future?”
Kahit na nagtataka’y umiling si Orazi saka tumayo na. “Hindi ko nakikita.”
“Sleep.” Isang salita lang ngunit sapat na para sundin ni Orazi. Bago pa man mapasalampak sa sahig ay nasalo na ito ni Doyle at tahimik na inihiga sa kama.
Mabilis niyang iniligpit ang nakakalat na gamit sa loob at naglaho’t lumitaw sa isang silid kung saan matatagpuan si Edoardo na ngayon ay seryosong nagbabasa ng isang libro.
“Ano na ang gagawin natin?” bungad na tanong ni Doyle.
May inis na nakaukit sa mukha ng nakatataas bago isinarado ang librong hawak. “Nabura ang kasulatan ng dahil sa isang taong nakisawsaw sa buhay ng isang eve.”
“Papatayin ko ba?” tanong ni Doyle.
“Huwag na, kusang lalayo si Orazi.”
Napalunok si Doyle sa matatalim nitong mga matang hinuhukay ang kaniyang kalamnan. “Ano’ng plano natin ngayon?”
“Wala pa sa ngayon pero kung hindi pa rin nagkalato ang dalawa,” napapailing na saad ni Edoardo, “bawian mo na ng buhay.”
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampireIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...