KABANATA XVII: Remaining Days
“Where are you going, Orazi?”
Napahinto si Orazi nang magtanong si Doyle. Papaalis na siya, gusto na niyang makalanghap ng hangin sa labas. Hindi na siya lumingon dahil alam niya namang si Doyle ito. Pasulput-sulpot na lang ito sa kwarto niya. Mabuti na lang at nasabi na niyang may alaga na siya at ipinakilala na rin niya kundi malaking problema ang mangyayari. At mabuti na lang din na wala si Troy ngayon.
“Searching for my freedom?” Orazi jokingly answered.
“Let’s date to refresh your mind.”
Sa oras na ito ay lumingon na si Orazi kay Doyle. Kitang-kita niya ang kilay nitong nakataas. Nakaupo si Doyle ngayon sa kama ni Orazi.
“I’m sorry. Ngayon lang kita tatanggihan. May importante akong pupuntahan,” pagtanggi ni Orazi sa alok nito.
“Really?”
“At huwag na huwag mo kong susundan,” banta niya kay Doyle at napakunot lang ang noo nito, “kung ayaw mong makakita ng live action performance.” Taas-baba pa ang kilay ni Orazi.
“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Doyle kapag naabutan niya kami ni Troy na may ginagawang kababalaghan?” Napabuntong hininga na lang si Orazi sa naiisip. Problema na ni Doyle ’yon. He’s been invading his privacy.
Napahilot si Doyle sa sintido niya. “Stop playing around.”
Si Doyle talaga ang namomroblema sa buhay ni Orazi. Napatalikod na lang si Orazi saka kumaway sa kaniya at naglakad na papalabas ng kwarto. Napagdesisyunan ni Orazi na maglakad na lang at umakto na parang isang ordinaryong tao. “Maglalakad lang ako.”
Bago pa man si Orazi makalabas ng tuluyan ay napahinto siya sa tanong ni Doyle. “Gaano ba ’yan kahalaga at pati pagsambit mo na maglalakad ka’y napakasigla? Hindi ka ordinaryong tao, Orazi.”
Orazi didn’t answer his question. Wala siyang ni isang inisip hanggang sa makalayo na ako sa bahay.
“Dilikado ako ngayon. Nababasa na naman niya ang iniisip ko.” Orazi bitterly smiled. Kahit na may panahon lang na nababasa ni Doyle ang iniisip ni Orazi, ngayon lang siya kinakabahan ng husto sa posibleng mabasa nio. “Sana naman katulad pa rin ng dati, iilan lang ang nababasa niya.”
Malalim na napabuntong hininga si Orazi sabay tanaw sa payapang kalangitan. “I badly want to play.”
Gustuhin ma niyang maglakad ay naglaho’t lumitaw na lang siya sa tapat ng bahay ni Troy. Gusto na niyang maglaro. Kakatok na sana siya pero naalala niyang wala siyang dala kaya napakamot na lang siya sa ulo at mabilis na naglaho saka lumitaw sa loob ng isang store. Namili na lang siya ng bibilhin, halos lahat ay chocolates. Pagkatapos, nagbayad at naglaho’t lumitaw na naman siya. Kumatok siya ng tatlong beses at bumukas ang pinto.
“Hello! May dala ako,” nakangiting bati ni Orazi kay Chin-Chin saka itinaas ang mga binili.
“Wah! Kuya Orazi! Bumalik ka po!” masiglang bati ni Chin-Chin saka yumakap sa baywang ni Orazi.
Ginulo niya nang bahagya ang buhok ni Chin-Chin. “Syempre. Sinabi ko sa inyo na babalik ako para makipaglaro.”
“Kuya, ako nga po pala si Emily,” nakayukong pakilala ng isang babaeng mas matangkad kay Chin-Chin.
“Masaya akong makilala ka, Emily.” Ngumiti si Orazi saka mahinang pinisil ang pisngi nito. Ito ang isa sa mga kapatid ni Troy na hindi pa niya nakikilala.
“Kuya? Ano po ba ang lalaruin natin?” tanong ni Chin-Chin.
Orazi just shrugged. “Kayo na ang bahala kung ano.”
BINABASA MO ANG
Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]
VampireIsang gabing puno ng lungkot, isang pangyayaring hindi inaasahang magaganap. Isang bampirang nakipagtalik nang wala sa katinuan sa isang lalaking basagulero. Ang mabubuong istorya ay susubukin ng isang bangungot na nakaraan kaya kayang ipaglaban? pr...