ES 12: Pagsibol ng makamandag na lason

449 37 12
                                    

KABANATA XII: Pagsibol ng makamandag na lason

“Ano’ng mayro’n sa mukha mo, Orazi?” nagtatakang tanong ni Raziel.

Napabuntong hininga na lang si Orazi saka agad na umupo sa couch at kumuha ng mansanas sa mini table na nasa harap niya. “Someone caught my attention.”

Nandito na naman siya kina Sefarino. Mas komportable siya rito dahil nandoon si Edoardo sa mansyon ng angkan ng mga Andrens saka hindi niya alam kung bakit paggising niya ay wala na si Troy. Binalewala na lang niya ito dahil ang nasa isip niya’y baka umuwi lang ito at wala siyang pakialam sa taong iyon.

“Naging kayo na ba?”

Nanlaki ang mga ni Orazi sa tanong ni Raziel. “Heck no! It’s just...” Napahinto siya saka kumagat sa mansanas. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin.

“Ano?”

Umiling si Orazi at naghanap ng rason. He shouted out of frustration. “Bakit ba ako naghahanap ng rason?”

“A vampire or your pet named Troy Alas?” tanong ni Sefarino na kararating pa lang sabay halik sa pisngi ni Raziel saka umupo sa tabi nito.

Napahinto si Orazi sa ka-sweet-an ng dalawa. Napaikot pa ang mga mata niya at nagtanong din. “How did you know?”

“The elders smell something fishy about the pet you brought at the party,” seryosong sagot ni Sefarino at masinsinang tiningnan si Orazi. “Stop messing around, Orazi.”

Being vampire prince isn’t good. Maraming alam ang elders tungkol sa kaniya dahil alam ni Orazi na bawat galaw niya’y may nagmamasid. He wants freedom.

“Sino ’tong si Troy Alas?” Hindi sinagot ni Orazi ang tanong ni Raziel at inilapag na lang ang mansanas sa mesa. Ayaw niyang malaman pa ito ni Raziel.

“Siya ang lalaking bumasag kay Orazi,” may halo pang tawa ang naging sagot ni Sefarino dahilan para mapangiwi si Orazi.

“Stop reading my mind, insan!” inis niyang saway kay Sefarino na ngayon ay nakayakap na kay Raziel.

Napakunot ang noo ni Raziel. “Siya? Hindi ba sinabi mo na hindi ka papatol—”

“Tama. Hindi ako papatol sa kaniya!” pinutol nani Orazi ang sasabihin ni Raziel at baka saan na naman lilipad ang isip nito.

“Raz, huwag kang maniwala kay Orazi. Ilang beses na silang nagsiping,” bulong ni Sefarino kay Raziel pero rinig pa rin ito ni Orazi. “Kinain ni Orazi ang sinuka niya.”

“A-Ano?”

Napangisi si Sefarino nang manlaki ang mga mata ni Raziel kaya napailing na lang si Orazi sabay kagat sa mansanas nang tiningnan siya ni Raziel. Malamang sa malamang ay pangangaralan na naman siya nito. “Orazi, masama ang magsinungaling.”

Napatango-tango na lang siya at masamang tiningnan si Sefarino. “Hey, Sefarino. Stop reading my mind!”

“It’s your fault for not putting a barrier,” balewalang sagot nito.

Napalunok na lamang si Orazi. Pinilit niyang huwag mag-isap ng kahit saglit. Hindi pa nito alam ang kaniyang sitwasyon na hindi na niya kayang lagyan ng barrier ng kaniyang iniisip at hindi niya alam kung bakit. Unti-unting nawawala ang mga kapangyarihan niya at wala siyang rason kung bakit.

“Orazi? May problema ba?”

Ngumiti si Orazi nang matipid kay Raziel saka umiling. “Wala.” Tumingin siya kay Sefarino. “Sefarino, may pagbabago bang nangyari sa iyo nang mahulog ka kay Raziel?”

“None.” Kumunot ang noo niya saka napatingin sa cellphone na hawak. “Aalis na ako.” Pagkatayo niya ay naglaho na lang ito bigla kaya napahinga si Orazi nang maluwag.

“Nice. Mali ang hinala ko.” Napatampal si Orazi sa kaniyang noo sa mga iniisip. Hindi siya makapaniwala na pumasok iyon bilang rason kung bakit may pagbabagong nangyayari sa kaniya. “Ang bobo ko.” He smirked on what he’s thinking right now. “Bakit ako magmamahal ng isang tao?”

“Nagmahal ka ng isang tao?”

Halos mahulog si Orazi sa pagkakaupo sa sobrang lapit ng mukha ni Raziel. “No! Huwag mong pansinin ang sinabi ko,” gulat na saad niya kay Raziel.

Napamura na lang si Orazi nang mabigkas niya ang kaniyang iniisip kanina.

“Mahirap ’yan.” Bumalik na sa pagkakaupo si Raziel ta ngumiti nang matipid.

Tumaas ang kilay ni Orazi. “Mahirap?”

“Mahirap magmahal ng hindi mo kauri.” Malungkot siyang ngumiti.

Napakamot si Orazi sa ulo niya. “Raziel, hindi ko nga siya mahal.”

Matipid siyang napatawa. “Hindi ko sinabing mahal mo si Troy. Nagbabahagi lang ako ng istorya namin ni Sefarino.”

“Itong si Raziel talaga minsan e hindi ko na alam talaga kung ano iisipin ko.” Ngumiwi si Orazi.

“Hindi kami magka-uri ni Sefarino at mahirap ’yon. May mga batas kaming sinusunod,” paunang pagbabahagi ni Raziel saka matamis na ngumiti. “Bilang isang bampirang prinsipe, mas mabigat na responsibilidad ang nasa magkabilang balikat n’yo, hindi ba?”

Hindi kayang makapagsalita ni Orazi sa sinabi ni Raziel dahil tama ito at hindi niya alam kung aya ba niya ang tungkuling nakaatas sa kaniya.

“Ang gusto ko lang ay ang kalayaan ko.” Napasandal si Orazi at napapikit na lang. Ayaw niyang tumingin sa magiging reaksyon ni Raziel. Ayaw niyang siya nito. “I don’t want to pressure myself. I don’t want to be a disappointment.”

“Sundin mo ang puso mo.”

Napadilat si Orazi at sinulyapan kay Raziel na ngayon ay malumanay na nakangiti sa kaniya. “Kahit na sundin ko man ang puso ko, ang mga nakatataas pa rin ang masusunod.”

“May nararamdaman ka na ba kay Troy?”

Napaayos siya nang upo. “Hinuhuli mo ba ako?”

Bumungisngis saglit si Raziel. “Halata ba?”

“You’re too honest. Sinabing hindi pa.” Hindi na talaga alam ni Orazi kung paano makipag-usap kay Raziel. Kahit ano na lang ang tinatanong nito para lang mahuli siya.

“Pero papunta na rin doon?”

“I once had a boyfriend,” panimula ni Orazi. Ayaw man niyang ungkatin ay wala siyang magagawa.

“Talaga?”

Tumango si Orazi. “Matagal na kaming hiwalay. I trusted him. I even share with him my true identity. Minahal ko siya nang lubusan.”

“Bakit kayo naghiwalay?”

Napatawa si Orazi sa naiintrigang boses ni Raziel. “He cheated on me.” May inis at kirot pa rin sa tono ni Orazi. “Saan ba ako nagkulang?”

“Hindi ka nagkulang. Hindi lang siya naging kontento,” Raziel softly said to Orazi.

Hindi niya magawang sigawan o magalit man lang sa harapan ni Raziel. Raziel’s too kind and a soft person. Iniintindi niya si Orazi palagi.

“Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kaya pala hindi ka pa handang magmahal muli.”

“Pass. Ayoko ng magmahal pa.” Hindi solusyon ang bumuo ng panibagong kwento lalo na’t hindi na naituloy ang kwentong nasimulan. Iyan na ang tinatak ni Orazi sa kaniyang puso.

“Hindi mo ’yan maiiwasan. Malay mo, ang susunod na mamahalin mo ay isang taong marunong makontento,” makahulugang usal ni Raziel.

“Alam mo, Raziel, mahirap mahanap ang taong marunong makontento,” walang ganang sabi ni Orazi. Kahit halughugin pa ang bawat sulok ng mundo, wala talaga siyang mahahanap.

“Hindi mo kailangang halughugin ang buong mundo, malay mo nasa tabi mo lang pala,” nakangiting usal ni Raziel na para bang may pinapahiwatig ito.

Hindi alam ni Orazi kung ano ang magiging reaksyon niya sa malawak na nakangiting si Raziel. “Na... nababasa mo ang iniisip ko?”

Vampire Series 2: Eve's Sufferings [MPREG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon