LECKZY'S POV
"Gagawin pa ba natin ang plano?" Rinig kong bulong ni Chelsey. I looked at them.
"Anong plano?" I asked them while approaching them. They all looked at me. Tinaasan ko sila ng dalawang kilay ng hindi sila sumagot.
"H-ha? A-ahhh-ehhh! Yung plano nating mag-bonfire mamaya!" Hazel said. Tumango tango ako. Alam ko na may plano silang apat.
"Okay lang sa aking na hindi nyo sabihin ang plano nyo, wag nyo lang talaga akong idadamay! At kung damay man talaga ako dun, tiyakin nyo na magugustuhan ko 'yan!" I said seriously and left them.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nag-simula ng mag-luto ng hapunan namin. Habang nagluluto ay nagulat ako ng biglang sumulpot si Clark sa tabi ko. Kumuha sya ng baso. Hindi nya ako pinapansin. Pumunta sya sa water dispenser at nilagyan ng tubig ang basong kinuha nya. I gasped loudly and ignored him. Kinuha ko ang patatas at ginayat ito. Pero nakakainis dahil ngayon pa ako naging clumsy. Nahiwa ko ang aking intuturo.
"OUCH!" Daing ko. Dumugo ito agad dahil sa laki ng hiwa nito. Dali dali ko itong hinugasan.
"What happened?" Nagtatakang tanong ni Clark. Umiling lang ako at hindi na sya pinansin.
"Shet, ang daming dugo!" Nag-panic na sabi ko.
"Don't leave here, I'll just get something in my room!" Sabi nya at nag-mamadaling umalis. Habang tumatagal lalong sumasakit ang hiwa sa daliri ko.
Pinatay ko ang gripo at aalis na sana para mag-hanap ng ipapangtakip ko sa aking sugat nang biglang sumulpot si Clark sa gilid ko. Hinawakan nya ang aking kamay. Natigilan at napatingin ako sa kanya ng maingat nyang itali sa aking sugat ang puting tela na dala nya.
"Ahh-ouch!" Daing ko. Ang sakit Kasi. Napatigil sya at napatingin sa akin. Nagtagpo ang aming paningin. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Shet! Hindi ito tama! Kinuha ko ang aking kamay at umiwas ng tingin sa kanya.
"Let me do it!" I said and turned my back at him. Pagkatapos kong itali ang sugat ko ay nag-simula na ulit akong mag-luto.
Napansin ko na hindi parin umaalis si Clark. Humarap ako sa kanya bago sya tinaasan ng isang kilay.
"May kailangan ka pa?" I sarcastically asked him. Malakas syang napabuntong hininga bago umalis. I rolled my eyes. Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na rin sila para makakain na kami.
"Ang sarap naman nito, Leckzy! Naku, pwedeng pwede ka ng mag-asawa!" Ivan teased me.
Bigla namang nabilaukan si Clark. Nangapa sya ng tubig sa gilid nya pero wala syang nakapa. Ibinigay ko sa kanya ang tubig ko. Kinuha nya agad iyon bago nilagok. Nang maging okay na sya ay kinuha ko ang baso ko na hawak nya at ininom ang tira nun. Inabot ko ang pitcher at nilagyan ng tubig ang baso.
Napatingin ako kay Clark bago sa mga kaibigan ko. Nakatulala lang sila sa akin at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Nag-tataka ko silang tinaaasan ng dalawang kilay.
"Why?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Kinunutan ko si Izzy ng noo. She just shrugged. Binalewala ko na lang sila at nagpatuloy ulit sa pagkain.
*-*-*-*-*-*-*-*-*
Kumuha at gumawa kami ng snacks na kakainin namin mamaya. Pagkapunta namin sa labas ay naabutan namin si Clark at Ivan na nagpapaapoy.
"A-a-arayyyyy, a-aray! Napaso ako! Huhuhu!" Rinig kong sigaw ni Ivan. Napatingin ako kay Clark at nakitang tinatawanan nya si Ivan.
Nang mapansin nila ang pagdating namin ay tumigil silang dalawa sa ginagawa nila.
"Ayoko na, I give up! Ikaw na lang pala ang mag-paapoy Clark ako na lang ang maglalagay ng mga kahoy. Kanina pa ako napapaso. Nakakainis naman kasi ang apoy, sisindi tapos mamamatay din! Hay, ambot!" Ivan said. Napailing na lang ako sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
The Reneged Promises (COMPLETED)
Teen FictionOld title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It is not inscribed on stone, because stone is breakable. But it is etched on a heart of a people who lo...