C#5
Tuwang-tuwa ang lahat sa mga kuha namin ni Marcie, kahit ako ay bilib sa mga kuha nya ultimo pagdating sa post-editing. Nagtataka lang ako dahil lagi nyang sinasabing paborito ng best friend nya ang pagmumukha ko.
"Yung kasama mo ba nung contest ang best friend mo?" nahihiya kong tanong.
Tinignan nya lang ako at ngumiti. Hindi nya ko sinagot kaya umupo na lang ako sa long table dito sa club room. Nilabas ko ang game boy ko at nilaro ang paborito kong bala. Nagulat ako sa pagtabi ni Shin sa akin, presidente ng club.
"Grabe. Yan pa din ang nilalaro mo?" nakatawa nyang tanong.
"Meron sa bahay. Favorite ko lang talaga" nakangiti kong sabi.
Naalala ko yung babaeng yun, sya yung kahapon. Sigurado ako. Bakit ba kasi ang taray nitong si Marcie, kaasar. Umuwi na din kami after club hours. Hinintay ko pa ang mga kapatid ko kaya umupo muna ako dito sa bench, matagal ang mga yun panigurado. Natanaw ko na si Nathan pero wala pa si Yuki.
"San si Yuks?"
"Practice pa. Papasundo na lang daw ulit sya" at sumakay na sya sa sasakyan namin.
"May laban sya?" tanong ko sa tabi nya.
"Probably" at nilabas nya ang cellphone nya.
Pagkarating namin sa bahay ay nagulat kami ng makitang nag-aaway ang mga magulang namin. Nakatunganga lang kami habang panay ang palitan nila ng maaanghang na salita. I looked at Nate pero blanko lang ang expresyon nya.
"You cheat on me! Mas mahal mo ba sya kahit sa mga anak mo?!" pasigaw na sabi ni Daddy.
"So what kung oo?"
Parang uminit ang ulo ko sa narinig ko kay Mommy. Di nya na ba kami mahal? Madami pa silang sinabi pero yun lang ang tumatak sa ulo ko. Di ako makagalaw at nagtataka na ako sa iniisip ni Nate ngayon.
"You two stop" galit nyang bulong at mukhang dun lang kami napansin ng mga magulang namin.
"Nathan? Jirou" bulong ni Mommy at patakbong lumapit sa amin. "Narinig nyo ba? I'm sorry"
Mangiyak-ngiyak sya sa harap namin. Nananatili lang ang kamay nya sa braso ko habang panay ang alis ni Nate sa kanya. With his face right now, looks like he's disgusted. Nandidiri si Nathan. He really hated the idea of cheating. Narinig ko pa ang mapait nyang pagtawa.
"You don't love us anymore? Me too Mom, me too" at pumihit sya paakyat sa kwarto niya.
Naiwan ako sa harap nilang dalawa pero panay ang iwas ko ng tingin dahil na rin sa galit ko. I don't know kung anong pinag-ugatan nito pero yumuko na lang ako at umakyat na rin. Buti pa si Nathan, he knows how to handle things. Hope he's ok.
"Nate" katok ko sa pinto ng kwarto nya.
"What?" tamad nyang sagot sa akin.
"You okay?"
Narinig ko ang pagtawa nya at agad nyang binuksan ang pinto. Kita kong may hawak syang unan at agad nya iyong pinalo sa akin. Sinimangutan ko agad sya. Masakit yun ah!
"Gay" nakangiti nyang sabi.
"I'm just concerned"
Tinapik nya ang balikat ko at ngumiti. Alam ko na 'tong galawan ni Nate. He already knows it. Kahit kailan ay malihim sya.
"Matagal na namin 'tong alam ni kuya. Don't worry, we already had a plan"
Nakatitig lang ako sa kanya. What plan? Magrerebelde kami ganun? Nginitian ko na lang sya at nakipaghigh five.
"Ok bro"
Nandito kami sa may park na malapit sa bahay namin, may pag-uusapan daw kami sabi ni Kuya. Baka pagbabatiin namin ang mga parents namin. That's a good idea.
"What?" tanong ni Yuki sa sinabi ni kuya Russ.
"Yes. Lilipat na tayo ng bahay. Yun nga lang ay building ang style nun kasi.." nilingon nya si Nathan bago nagpatuloy. "That's what Nate wants"
"Para maiba naman. Ayaw nyo yun, per floor tau" nakangiti nyang sabi. "Ay, magkasama tayo"
Agad syang niyakap ni Yuki na kinairita nya. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Bakit kaya ito ang naging solusyon ng mga 'to?
"Bakit ito ang plano nyo?"
"Dahil ito ang makakabuti sa atin" tinaas ni Nate ang dalawa nyang daliri. "Dalawa lang. Magiging masaya tayong apat o mawawasak din tayo"
"Di na natin sila mapagbabati. Mom is already married with Lance White, yung model" mapait na sabi ni Kuya.
"I knew it! Kausap mo yun nung nakaraan di'ba?" sigaw ni Yuki habang sinisiko ang kakambal.
"Yah. At sya ang nagsabi nun sa akin"
Bumulong ng iilang mura si Nate bago tumayo para iabot sa mga batang naglalaro ang bolang napunta sa pwesto namin. Nagulat ako sa biglang pagtawa ni Yuki.
"Dapat ngang di kayo umattend ng muay thai classes ni Shaune. Katakot kayo eh"
"Katakot? Kulang pa yun" malamig na sabi ni Nate at bumalik sa pagkakaupo. "Ano? Wala na rin naman kayong choice"
"Of course we'll go" tamad kong sabi.
I'm scared to admit na I'm a mama's boy pero wala naman na akong magagawa. But I want to know kung bakit nagawa ni Mommy yun sa amin. Are we not good enough? Napabuntong hininga ako, maliban sa di ako makapaniwala ay natatakot akong mawala pa ang mga kapatid ko sa akin.
Tama si Nathan. Wasak na ang pamilya namin and the only thing that I should keep is my brothers.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...