CHAPTER 36

371 9 0
                                    

C#36

"Nakauwi na ang mga Alvarez?" sabi ni kuya sa kabilang linya. "Ah. Si Tito at Shey lang? Ok, sige"

"Nandyan na daw si Rhia? Kakatapos lang naming mag-skype" deklara kong nakalimutang nandito nga pala si Nate ngayon! "Sorry"

Nagulat ako ng bumukas ang elevator sa harap ko at lumabas ang isang Hershey na kulay brown ang buhok at may dalang kung ano. Napatitig lang ako sa kanya, she did what I asked her? Tumalikod ako at sumakay sa elevator.

Damn. I want to touch her even more ngayong nagpalit na sya ng kulay ng buhok! Sht!

Nakahiga lang ako sa kama ko at hindi ko makalimutan si Hershey! Bakit nya ginawa yun? Dahil ba sabi ko? Gumulong ako sa kama at umupo lang ng tumunog ang intercom.

"Jirou. Kakain na" utos ni kuya kaya kinuha ko ang t-shirt ko at sinuot na para makababa.

"Oh dali! Ang sarap nitong .. What's this again?" daldal ni Yuki.

"Choco Caramel Lava Cake" nakangiti niyang sabi sabay tingin sa akin.

Simple ko siyang nginitian at umupo sa tabi niya. "Rhia used to sit here, ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng katabi"

"Uy! Nagsenti.. Nasan si RD?" tanong ni Yuki na sinagot ni Nate ng turo. "Hey! Do that later, kakain na!"

"Hahaha! Oo ate! Sige, I'll be back ok? Talk to me again!" nilapag niya ang ipad at tumakbo na palapit sa amin. "That's ate!"

"Hindi ka niya pwedeng kausapin kasi matutulog na siya" irita kong sabi.

"He's right RD. Give her a rest, alam mong di makakatanggi sayo yun" utos naman ni Nate.

"O-kkkaaayyy"

Tinignan ako ni Nate at nginitian ko sya, napasilip ako sa katabi ko at napansin kong malungkot sya.

"Problem?"

Nakangiti siyang ngumiti at nagsimula ng kumain. Pagkatapos namin ay balak ko sanang maggym ng kausapin ako ni Nathan.

"You like Hershey all your life di'ba?" seryoso nyang tanong.

"Yes. Why?"

"Then you should be insensitive. We know that you already have this bond with Rhia, but honestly, you hurt her. You should apologize"

Nagtaka ako sa sinabi niya at ngumiti. "Are you jealous? Tinutulungan kita sa kanya, so don't worry"

"You shouldn't worry about us, I can get her all by myself. Dapat mong pagtuunan ng pansin si Hershey, all her life, ikaw lang din ang minahal niyan" umupo si Nate at nilabas ang cellphone niya.

Tinitigan ko siya ng ilang sandali pa bago pumihit paalis. "I'll try. May iba siyang mahal so I don't think so"

Umakyat ako at napagpasiyahang magwork-out talaga, gumulo ang utak ko kay Nathan. Nagpalit ako ng boxer shorts at pumunta na agad sa gym namin dito sa bahay na nilipat sa floor ng kambal.

Pagkabukas ko ay nagulat ako sa nakikitang nagsi-sit-ups! Napatayo din siya sa gulat at plano na atang umalis.

"No. Just continue" at inayos ko na ang bandage para sa kamay ko.

"Sorry" bulong niya.

Laking pasasalamat ko na malayo ang punching bag dahil makaka-iwas akong tignan ang lintek niyang katawan. She have abs! Damn girl, ang sexy nya! Sinuntok ko na lang ng sinuntok itong punching bag sa harap ko, walang 'yang Nate! Pumikit ako at tumigil, this is very disturbing. Hinubad ko ang gloves at binato sa sahig.

"Oh!? Am I bothering you?" tanong niya.

Umupo ako sa gilid ng ring at tinitigan siya. "Continue" malamig kong utos.

Tinitigan ko lang siya at ang abs nya, pati na rin ang buhok nya. Can I just kiss her now?! Tumayo ako at lumapit sa kung nasan siya. Napaupo siya ng makita ako.

"Gagamit ka?!"

"No. Continue" malamig ko pa ring sabi.

Tatayo na sana siya kaya hinila ko siya para umupo ulit. "I said continue"

"I can't. You are distracting me"

Napangiti ako dun at kahit anong bulong ko sa sarili ko eh wala akong magawa. Hinawakan ko siya sa baba at inangat iyon para mahalikan. Since you're always giving me a hard time, my punishment.

Mahalin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon