C#38
Tahimik lang kaming dalawa dito sa loob ng sasakyan at hindi ko mapigilang lingunin siya every 5seconds. Sino kayang katext niya?
"Ano bang problema mo?"
Lumingon ako sa kanya. "Ha?"
"Ano bang problema mo? Minsan gumagawa ka ng mga bagay na parang sinasabi mong gusto mo ako tapos minsan parang ayaw mo sa akin.. Ano ba talaga?" pasigaw niyang sabi.
Tinigil ko ang sasakyan at tinitigan siya.
"Kung gusto nga kita? Mamahalin mo ba ko?"
Nalaglag ang panga nya dahil sa sinabi ko pero tumawa lang ako at umiling.
"Asa pa ako di'ba? Hindi mo naman ako magugustuhan. Kahit dati pa wala lang ako sayo" at pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho.
Pagkadating namin sa tapat nila ay binuksan ko agad ang pintuan. Nginitian ko siya at napansin ang matamlay nyang pagngiti.
"Totoo ba lahat ng sinabi mo?" malumanay nyang tanong.
"Hindi. Joke lang.. Magkaibigan tayo di'ba? Kaya walang mangyayari sa atin" nakangiti kong sabi.
"Jirou..."
"Gabi na.. Matulog ka na"
Pagkauwi ko ay humiga agad ako sa kama. Gay! Potek! Ang bakla ko! Anong galaw yung ganun?! Ni hindi kami magkaibigan! Mababaliw ata ako. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero laking pasasalamat ko dahil nawaglit siya sa isip ko kahit sandali.
Kinaumagahan, nagising ako sa pagsigaw ni Yuki.. Pinaparinig ata talaga ng loko dahil nakapindot lahat ng number sa intercomm.
"Gago! Wala kong ginawa sayo!"
"Anong wala? Nauna ka kagabi, sa sobrang kalasingan mo. Tigilan mo ko" masungit na sabi ni Nate.
"Huy ang aga! Nyeta naman" bulyaw ko at sinilent ang intercomm saktong may tumawag sa akin.
"Who's this?"
"Jirou?"
Napanganga ako ng marinig ang boses ni Hershey, talagang napaupo ako!
"Bakit?" calm Jirou, calm!
"Pwede ba tayong magkita ngayon?"
"San kita susunduin?" taranta kong tanong.
"Sa Rose na lang... Ah, wag kang magsasama ah"
Nagulat ako at natagalan sa pagsagot dahil sa sinabi niya. "Si-sige.. Wala naman akong isasama"
Natapos kaming mag-usap at sinave ko na rin ang number niya, tumingin ako sa orasan. Sht! 9:45 na?! 10:30 ang usapan namin. Mabilis akong nag-asikaso at patakbong bumaba.
"Kasi kuya.. Si Nate" paarteng sabi ni Yuki.
"Magbabati din kayo" sabi ko at kumain agad ng almusal.
"Hoy Jir. San ang punta?" tanong ni Kuya.
"Dyan lang sa Rose.."
Tumayo ako para makapagtoothbrush na.. Pagkatingin ko sa relos ko ay 10 na!
"I'll be leaving.. Magkagulo kayo" masaya kong sabi.
Masaya ako habang papunta sa Rose, sa dami ng lugar bakit sa isang vegetarian place kami? Don't tell me on diet siya??? She doesn't need to, ang ganda na ng katawan niya.
Hinanap ko siya sa buong resto at nang makita ko siya ay nakangiti akong lumapit sa kanya. Nabangga ako ng isang lalaking tumatakbo.
"Hershey!" sigaw ng hilaw na foreigner.
"Denmark?!"
Napatigil ako sa paglakad ng makita kong umupo ang bwiset na lalaki na yun. What's this?! Pumihit ako para umalis. Tang*na, pumikit ako at dumiretso sa parking lot.
Ayokong magwala pero anong ka-p*tang*nahan yun?! Seryoso ba siya? Sa harap ko talaga?! Tumunog ang phone ko at agad kong sinagot.
"What?! You know what, I'm not in the mood" masungit kong sabi.
"Jirou?"
Binaba ko ang cellphone ko at humarurot pauwi.
"Oh? Alas-onse pa lang ah? Ang aga namang matapos ng date mo.. DUUUUUUMMMMPPP!"
Tinignan ko lang si Yuki at umakyat na sa kwarto ko. Narinig ko pa ang iilang biro niya bago magsara ang elevator.
Umupo ako sa dulo ng kama ko at napatalon ng bumukas ang pinto ko.
"Jirou?"
Hershey? Kumunot ang noo ko at tumayo. "Bakit ka nandito?"
"Bakit di ka pumunta?" sabi niya sa malumanay na tono.
"Tss. Bakit mo ba ko pinapunta? Kung may pinapunta ka ding iba? Denmark.. Spain? Fck! Magpapalit na rin ako ng pangalan! England?! France?! Ano? Kung hindi mo ko gusto.. Pwede, wag kang paasa" galit kong singhal.
"Wait.. It's all a misunderstanding"
"Misunderstanding?!" tumikhim ako at huminga ng malalim. "Stop. Just go.. You're not allowed here"
Imbes na lumabas ay lalo siyang lumapit sa akin, hindi ko alam kung bakit ako umuurong pero mas hindi ko alam kung anong trip niya.
"What?! Get ou-!"
She forcefully kissed me! What the? Gulat lang ako sa lahat ng nangyayari habang nakapikit lang siya. Ano bang gusto mo?! Hinawakan ko siya sa likuran at hinigit pa palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...