CHAPTER 34

344 8 0
                                    

C#34

Bon jóur! Hehehe. Tama ba? Nagfeeling lang.. Ano.. Sana magustuhan mo lahat ng 'to. Ikaw ang naisip ko nung binili ko ang mga 'to. Yung mga ballpen.. Ang cute ano? Yung isa ikaw tapos yung isa ako. Nakakahiya.. Sa sobrang kaba ko eh napatagalog ako. Hope you like this, see you soon.

Zabala, Jirou.

Ang korni. Pero lahat ng effort ginawa ko, mula sa pagtupi nung damit hanggang sa pag-arrange. I don't know how to do this sheez. Bumaba ako at hinanap si Hershey.

"Nasa rooftop ata" sagot ni Yuki sa akin.

Umakyat ako at nakita ko nga sya dun. Hindi ko alam kung paano hahawakan yung box at itong clip sa kamay ko. Lumingon sya at napatalon ng makita ako.

"Jirou!"

"A-ano. Bakit di ka sumama kanina?" nakangiti kong sabi.

"Sorry. Nagpasama kasi si Spain"

Parang nanlamig ang buong sistema ko sa sinabi nya. Oo nga naman, ano bang kabadingan itong pinaggagawa ko? Hindi ko inalis ang kahon sa likod ko pero lumakad ako palapit sa kanya.

"Uh-huh" at plastic akong ngumiti. "Nag-enjoy ka ba?"

"Ah-? Oo naman"

Nang makalapit ako sa may pasamano ay umurong sya. I don't know how cold I am right now pero pinilit ko pa ding ngumiti.

"Good to know"

Hinawakan ko ang buhok nya na kinagulat nya.

"I always admire your hair, bakit pinapula mo? You don't like it black kasi yun ang gusto ko? You can dye it brown instead kasi hindi mo na mababalik ang natural black mong buhok"

Lumakas ang hangin at dinala ko ang ilang buhok nya palapit sa akin para mahalikan. Pumikit ako at ilang segundo din yun ginawa bago ko inangat ang tingin ko sa kanya.

"Masaya akong masaya ka" matabang kong sabi.

Hinawakan ko ulit ang buhok nya para maikabit ang clip na binili ko. Ngumiti ako ng mapansing inayos nya yun dahil hindi ko nakabit ng tama.

"Para san 'to?" namumula na ang pisngi nya habang tinatanong iyon.

"Wala lang. Nagandahan lang ako, kaso ayaw ni Rhia kaya binigay ko na lang sayo" nilabas ko na ang kahon pero kinuha ko ang letter na ginawa ko. "Ayan din. Ang arte ng ate mo, sana makursunadahan mo" pumihit ako para umalis.

"Sige"

Hindi ako makatulog kaya nagfacebook na lang ako, nakita kong online si Nate. Himala? Inadjust ni Nate ang pagtatrabaho para lang mabantayan kami, kaya madalas ay gabi ang mga meetings nya. Hindi na lang kasi sumama, ang daming arte. Bagay talaga sila ni Rhia.

Mahalin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon