C#24
Hindi ko hinatid si Nate dahil ayaw nya eh. Nagising ako sumunod na araw na nakauwi na sila Kuya. Pumasok ako sa kwarto nila para makipaglaro ng console.
"RD! X-box tayo-?"
Napanganga ako ng makita si Rhia suot ang damit na bigay siguro ni RD. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"You're so gorgeous"
Nakatanggap ako ng tawag kay Trix, akala ko postponed na ang shoot pero meron pa pala. Pinapasama nya rin si Rhia na obvious naman na isasama ko talaga. I remembered her blush kaya napangiti ako.
"May shoot ako tonight. We'll eat at Shang" masaya kong sabi.
"You'll eat with who?" tanong ni Yuki.
"With Rhia of course, she's coming with me" tumingin ako sa kanya at tumango sya, habang nagpatuloy si Yuks sa sinasabi nya.
"I called my brother. Nandun na sya and he's at vegas! Paanong nangyari yun?!"
"Maybe he just wants to gamble" sagot ko bago sumubo.
"Yeah. Gamble for love"
Napatingin kaming lahat kay Rob. Ngumisi ako habang pinasadahan nya ako ng tingin. I know what he meant by saying that. Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Biniro ko na sya nyan and guess what he said" and the usual, ginaya nya ang boses ng kapatid. "I lose. I'll just try my luck here in the roulette"
"He declared lose? That's bad. Nathan never loses, he'll do something about that" singit ko.
"Of couse kuya Jir. He never loses to you in any game right? Ganun din ang gagawin nya ulit"
Sinasabi ko na nga ba. Eto lang talaga ang gusto mong iparating RD, ngumiti ako at nilihis ang usapan.
"Ultimo sa sudoku! That nerd, 40 seconds! How can I beat him!"
Pagkatapos kumain ay umakyat muna ako para mag-ayos pero kailangan ko nga palang paalalahanan si Rhia.
"Be ready by 3. Ok?"
"Ok po" matipid nyang sagot.
Pagkauwi namin ay nag-aya agad magswimming si Rob kaya pinagbigyan na namin. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ay lumapit si Kuya Russ and.. She wants me to date some other girls! Really Kuya?! But since Nate is there, wala ng problema. Sa asar ko ay iniwan ko na si Kuya at nagdive na, I hear Yuks say something pero binaliwala ko, pagka-ahon ko ay binasa ko sya.
"Shut up"
Lumapit ako kay Rhia at kinuha ang inaabot nyang towel, nagsimula akong magpunas at uminom ng juice.
"Think about it. Kaya sinira ni Lola ang birthday nyo dahil nilagyan nyo ng alak ang cake. Remember Yuki?" nakangising sabi ni kuya.
"Nope. Because Nate doesn't have a partner that night. What's wrong with Lola? 'syadong concern sa buhay pag-ibig ni Nate" umupo na ako.
"Because he looks like Lolo" singit ng nag-iisang kakampi ni Nate.
"We ALL look like Lolo" sarcastic kong sabi..
"Except for Kuya Russ. He looks like mama! And acts to!"
Nag-apiran kami at nabatukan ni kuya bago pumasok, sumunod na din ang dalawa kaya kami na lang ni Rhia ang natira dito.
"Lola wants me to meet other girls" nakayuko kong sabi.
"Oh. Pakilala lang pala eh"
Napa-angat ako ng tingin at nakita ko syang nakangiti sa akin. Umupo sya sa tabi ko pagkatapos.
"Oo nga naman. Oa ko ano?"
"Medyo. Hehe"
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya, she smells good. Ngumiti ako.
"Naalala ko nung first time mo dito. I'm so beat and drunk. It's all Trix fault, putting too much alcohol sa pool"
"Hahaha. Lahat kayo ay snob nun, ang bilis gumaan ng loob nyo sa ibang tao ano?" napatingin ako sa kanya.
"Actually first time naming maging ganitong kalog sa bagong kasama. We hate our old maids. And we never treated you as one of them kaya siguro close kami sayo" ngumiti sya kaya nagpatuloy na ako.
"Matagal ko ng gustong itanong sayo 'to eh. Nagkita na ba tayo noon? Kasi the first time I saw you, alam ko ng ikaw yung first love ko eh"
She gave me a blank expression. Napangiti ako dun, hindi na nya nga naaalala ang mayabang na gaya ko.
"Talaga? San mo nakilala yun?"
"Sa barko. Haha, dun ka nakatira di'ba? What a coincidence. Pero kasama ko sya sa buong trip dahil sa papa nya na dun nagcelebrate ng birthday. Ahead lang sya siguro ng 2 taon sa akin"
"Di ako yun?"
Napakunot ang noo ko. "Really? Magkamukha talaga kayo nun! Ang mali kasi ay hindi ko natanong ang pangalan nya. Pero your eyes and lips are the same"
"Sa pier ako nakatira Jirou. Hindi sa barko" then she laugh. "At magkasing-edad tayo"
"Ay churi naman" pabiro kong sagot.
Natapos ang gabi ng halikan ko sya sa noo pero di ako makatulog dahil sa naging usapan namin. Kung totoo lahat ng iyon, ibig sabihin ay hindi sya yun? But.. Magkamukha talaga sila.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...