C#22
"Masyado ka Zabala. Ganito naman talaga tayo di'ba?"
Hindi ko pinansin si bakla at tinignan ko lang si Rhia na mukhang nag-ienjoy kasama ang mga ibang assistant. Tumingin sya sa akin at nginitian ako.
"Uy sali ka" kalabit ni Jace sa akin.
Ngumiti ako at nagpose na para matigil lang ang mga 'to. Kaasar lang at sa ibang kwarto din pala sila matutulog kaya nag-away pa kami ni Trix bago nagsimula ang shooting. Masyadong anti 'tong baklang 'to.
"Bakla! Kakain muna kami!" sigaw ko kay Trix at hinawakan si Rhia. "Tara"
Kanina pa ako nagtitiis na hindi sya kasama. Tumigil kami sa isang nipa hut.
"Nakakahiya naman po"
"Bakit? Pabayaan mo sila. Magkakabisa pa ang mga yun, ako tapos na" umupo na ako para umorder. "Mukhang enjoy ka sa mga kasama mo ah. Iba talaga pag lalaki ang kasama mo, naiilang ka siguro"
"Hindi po sa ganun" sagot nya sa akin. "Siguro po ay totoo ang birds of the same feather, flock together. Kasi po, iba ang antas ko sa inyong magkakapatid kaya po siguro ay di ako makasabay minsan. Di po katulad nila na mga kagaya ko lang, nasanay sa normal na buhay, nagsisikap para mabuhay. Mga ganun po"
Natahimik ako. Ganun pala ang tingin nya, inubos ko ang juice at aayain pa sana sya sa ibang tadhana ng biglang sumigaw ang bakla.
"Tara na. Galit na ang bakla" tumayo ako at naglakad na kami pabalik.
"Sorry po Sir"
"Bakit?" curious kong tanong. "Nu ka ba! Iniisip ko kung paano magagaya sa mga baklang yun ng syempre ay hindi nagiging bakla"
Nasa kalagitnaan kami ng shoot ng biglang kumulimlim, tumigil muna kami sa ginagawa namin at nagtaka ako sa pagkawala ni Rhia sa tabi nila Cookie. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang pagngisay nila.
"What can we do for you?" masayang sabi ni Cookie.
"Si Rhia?"
"Pinabili ng amo ni Tanya ng snacks"
Tumango lang ako at umalis na pero nag-alala na ako ng magsimula ng umuulan.
"Misty! Saan nyo ba sya pinabili?!" sigaw ko sa tapat ng tent nila.
"Tanong mo kay Ash!" maarte nyang sabi.
"Pagnapahamak yun sinasabi ko sa inyo" galit kong sabi kaya nilapitan ako ni Trix.
"Relax"
"Relax?! She's missing at etong talent mo na may mga assistant naman ay inutusan pa si Rhia!" tinanggal ko ang t-shirt ko. "Tangina!" at tumakbo ako papunta sa kahit saan.
Nasa dulo na ako ng station kung saan restricted ng tawagan ako ni Nate.
"Si Rhia.." malumanay nyang sabi.
"I know. I'm looking for her right now" binaba ko ang cellphone ko at tinago.
"Sir, restricted po"
Humarap ako sa kanya at pinakita ang picture ni Rhia sa phone ko. "Nakita nyo po sya?"
"Ay oo! Pumunta dun!"
Tinakbo ko ang direksyong tinuro ni manong at halos tumigil ang puso ko ng makitang nasa dulo na sya ng bangin. Tumakbo ako palapit sa kanya pero tumalon sya!
"Rhia!"
Nakabalik na kami ngayon at ang babaeng 'to, nakuha pang makipagtawanan sa mga kasama nya, nakita ko ding may kausap sya sa cellphone. Nang bumalik kami sa shoot ay tumakbo ako palapit sa kanya.
"Kung gutom sila. Hayaan mo sila" nakatingin lang sya sa akin kaya nagpatuloy ako. "Paano pala nalaman ni Nate na nawawala ka?"
"Baka po kay Trixie" pilit nyang sagot.
Tumango lang ako at umupo sa tabi nya, tumayo lang ako ng tawagin ulit ni Trix.
"Dyan ka lang!" at patakbo akong umalis.
Pagkabalik sa hotel ay tumakbo agad ako para maligo. I will talk to Rhia, sasabihin ko na ang feelings ko para sa kanya. I don't want to lost her again.
Kumatok ako sa kwarto nila at pagkabukas ni Rhia ay hinawakan ko agad sya.
"Trix!"
Dinala ko sya sa tabing dagat. Maingay dahil sa party na nagaganap ngayon pero nakakita ako ng walang laman na kubo kaya dun kami umupo.
"Finally. Our time" nakatingala kong sabi.
"Sir" tumingin ako sa kanya at agad syang yumuko. "Salamat po" nahihiya nyang sabi.
"Para san? Naku wala yun" tumayo ako at dinama ang hangin.
"Dahil po niligtas nyo ako. It's something. Paano ko po kayo mapapasalamatan?"
Seryoso ba sya? Nilingon ko sya at tinignan, Its a win-win for me.
"Be my girl"
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...