C#50
"Maging masaya kayo."
Yun ang sinabi ni Marcieline sa amin bago siya umalis. Hindi niya man napapatawad pa si Shey eh lumuwag na din ang pakiramdam niya.
"Paano kung di na niya ko mapatawad kahit kailan?" tanong niya sa akin.
"Let go. May mga tao talaga na dadaan lang sa buhay natin, magdadagdag ng unting anghang, ng unting tamis. Pero hindi talaga sila ang sangkap. Wag kang mag-alala, pag natanggap mo nang yun ang katotohanan maging maligaya ka na"
Tumawa siya. "Di mo sinabing makata ka pala?"
"Oh sige, wag ka ng magtanong ulit," asar kong sabi.
"Joke lang! Kain tayo!"
Ilang buwan na din ang dumaan at dito na ko nagtatrabaho sa firm ni Dad. Huminto muna ako sa pagmomodel at naintindihan naman yun ni Trix. Busy ang firm dahil sa dalawang main project na nakapila. Isang dome sa Bulacan at isang theme park sa Tarlac.
"Sir may naghahanap po sa inyo."
"Sige, papasukin mo na lang."
Nagulat ako ng si Hershey ang dumating. Kakauwi niya lang galing France dahil kinuha siyang judge sa isang baking contest dun. Itutuloy ko na din ang pagbubukas niya ng 'Sweet Confessions', pangarap niyang magkapastry shop kaya ibibigay ko sa kanya yun.
"Hi!" bati niya sa akin.
"I miss you."
Umupo siya sa tapat ko. "I miss you more!"
"Napadalaw ka?" tanong ko at kinuha ang dala niya macaroons. "Ikaw gumawa?"
"Di.. Yung nanalo sa contest," nakangiti siya habang tinitignan ko.
"Mas maganda kung gawa mo.. Di bale.. In 3 days," nakangiti kong sabi.
"In 3 days what?"
"Secret," at kinindatan ko siya.
Nilibre ko siya ng dinner ng gabing yun.. In 3 days, two things will happen to her. Sobrang excited ko na.
"Paano pag hiniling kong gusto kitang makasama araw-araw? Papayag ka?" tanong ko sa gitna ng pagkain namin.
"Syempre! Yun din ang gusto ko. Ang hirap nung paggising mo ikaw ang hinahanap ko pero wala ka"
"Di bale.." nakangisi kong sabi.
"Ano?"
"Wala.. Kain na, pumayat ka dun."
Nandito ako ngayon sa future shop niya at pina-finalize ko na ang lahat ng kailangan para bukas. This should be perfect.
"Sir. Yung mga bulaklak.. Ready na po," sabi ng assistant ko kinabukasan.
"Thank you. Teka tawagan ko lang."
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tinawagan agad siya.
"Malapit ka na? Oo.. Good. See you, I love you."
Pinapatay ko na ang ilaw at inabangan ko na siya sa loob ng isang malaking cake. Ang init dito pero tinitiis ko, narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya inayos ko ang damit ko.
"Jirou?"
Sinimulan ko ang music at binuksan ang ilaw. Ang hirap magcontrol dito ah!
"I can't wait another night to see you,
Gonna satisfy my sweet tooth.
Little like reeses, falling into pieces,
Tell me there's a way to do this."
Ang init pero everything for her. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ako?
"I just wanna kiss your hot lips,
Girl you make me melt like chocolate.
Jaw breaker, you got the kiss that I wanna savour.
Ooh, ooh.. Life saver, your my life saver
Ooh, ooh.. You got the love with a thousand flavors!"
Bumukas ang cake at kita ko ang gulat niyang mukha sa harap ko. Tumawa ako at kinapa ang maliit na box sa bulsa ko.
"Ooh.. Ooh.. And I really want more,
I know your love is such a sugar rush and I can never get enough.
I'm like ooh.. Ooh.. And I really want more,
Yeah honey your the sweetest I've ever seen before.
I'm like a kid in a candy store"
Nalaglag ang panga niya ng makita ang hawak ko at nagtatatalon siya sa harap ko.
"Oh my! Jirou!" talon-talon niyang sabi.
"Are you surprise? My gift to you.. Your bake house.."
Lumuhod ako sa harap niya na agad nagpaluha sa kanya.
"And this ring.. Please marry me."
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...