C#12
Hindi ako makatayo ng sumunod na araw. Crap, patay ako kay kuya. Nakapikit akong tumingin sa intercomm.
"Its already 11:30. Di ka pa ba papasok?"
Aaarrggghh.. Mas okay pang maid ang gumigising sayo pero the freak, nakaka-ilang maid na kami pero laging palya. So kuya as our maid is bad.
"My head hurts like a devil. I can't.."
Narinig ko ang pagtawa ni Yuki sa background. Ang mayabang na yun. Humiga ako at pumikit, damn. Hang-over. May narinig akong kumatok at hindi ko pinansin kung sino man yun. It's Yuki for sure.
"Jirou"
Holy sheez! It's Kuya! Pinilit kong tumayo at buksan ang pinto. Nakasandal ang ulo ko sa pader, this will be a long homily.
"Oh. Alaxan at gatas, eto ang pangtanggal namin ng hang-over"
Tinignan ko ang inaabot ni Kuya. "Namin?"
"Me, Nate and Yuki"
Ngumisi ako at kinuha yun. I'm part of the circle! May bagong bonding kami aside from consoles.
"Thanks"
"Take a rest. Papayagan kitang hindi pumasok ngayon pero next time" banta nya na pinutol ko agad.
"Yes kuya. I'm sorry, thanks!"
Buong araw lang akong nasa harap ng computer, nagulat ako ng mag-invite si Nate through Skype.
"Bra!" masaya kong sabi.
"Lasing ka daw sabi ni Yuki?" seryoso nyang tanong.
Tumawa ako at hinampas ang unan ko. "Really? Ang daldal ni Yuki!"
"Kidding. Musta ka? May hinalikan ka daw sabi ni Trix" nakangiti nyang sabi.
"Oh that gay! Di ko naman sinasadya!"
Tumawa si Nate at dun ko lang napansin na ang haba na ng buhok nya. "Sino sya?"
"Random girl"
Ngumisi si Nate at nag-iwas ng tingin. "I'll be back by next month. Dyan ako magpapasko"
"You mean babalik ka pa?"
"Yes"
Natapos ang usapan namin tungkol sa school. Its boring, kung pwede lang magmodel na lang. Nagdideclined ako ng offer dahil sa conflicts. Pero alam ko hindi papayag si Dad at kuya.
Bumaba ako ng mag-alas otso na ng gabi. City hunter na at kailangan kong manood, tumabi sa akin si Yuki. Nung una ay inaasar nya pa ako pero nagustuhan nya na din.
"Kung may totoo lang na Ryo Saeba sa totoong buhay. Astig!"
"Gagraduate na pala kayo next year ano?"
Sumandal si Yuki at nakatitig lang sa tv. "Yes. Uuwi na din sa wakas ang bugok na yun. Paparty tayo"
Natuwa ako sa idea pero binigyan lang ako ng nakakalokong ngiti ni Yuki.
"Manood na tayo"
Ilang buwan na akong rumaraket at laking tuwa ko ng kunin akong artist para sa isang sikat na soda brand. Its Christmas! Masaya akong ito ang last project ko so far.
"Papakita ko 'to kay Nate! Malapit na ba sya?"
Nakita kong binaba ni Yuki ang cellphone nya. "Nasa loob na daw sya"
Pagkatunog ng door bell ay tumakbo agad ang kaninang seryosong si Yuki. Napatawa tuloy kami ni Kuya Russ. Excited talaga syang makita ang kapatid nya.
"I'm home" sabi ni Nate sa matigas na ingles.
"Hoy nasa Pilipinas ka na!" sigaw ko sa kanya.
Saktong pagdating nya ay ang pag-uwi din ng kanyang paboritong si Rob.
"Kuya Nate!"
Nagyakapan sila at talagang makikita mo ang ngiti sa mukha nya. Nate loves Rob so much, kaya may nagseselos na bakulaw.
"Oh kumain na tayo"
Panay ang kwentuhan namin at nang umakyat na sila Kuya and Rob ay tumambay kami sa pool side.
"Let's drink!"
Ilang sandali lang ay nagpakita na din si kuya. I missed this, ngayon na lang kami nakumpleto ulit.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...