C#11
"Sa bar ang contest?" tanong ni Yuki na nagwi-work-out sa mini gym namin. "May pasok ka bukas ah"
"After lunch pa naman ang pasok ko" kinuha ko ang bag ko para makaalis na. "Sige. Una na ako"
Its been 3 years at patuloy pa din ako sa mga raket ko. First time kong sa isang bar ang venue ang event, ilag ako sa mga kaklase sa school at mas madalas kong kasama ang co-models ko at ang team ni Trixie. Nakarating ako sa event ng mga past 7 na kaya minadali agad ako ni Trix.
"Haaalaaa! Gora na dali!"
Tinulak nya ako sa loob ng dressing room kaya bara-bara na lang akong naghubad para makapagbihis agad.
"Looking good Jir! Puro work-out ka ata" biro ng co-model kong si Jace.
"Di naman. Malakas maka-impluwensya yung kapatid kong swimmer"
Na-amazed silang malaman na si Yukito ang kapatid ko habang naasar naman ako. Si Eron ngang batchmate nya sikat na tapos sya swimmer pa din, what's interesting about him. Tss.
"Start na tayo!" sigaw ni Girly sa amin.
Successful ang event kahit nadulas si Mitch habang nagkacatwalk. Nagkaayaang uminom at nag-aalala akong di makapasok kinabukasan.
"Anong pass?! Ikaw ang pinakamalakas kong model" iling ni Trixie, "Painumin 'to!"
Hindi ko alam kung ilang alak na ba ang nainom ko. Tumayo ako para mag-excuse na pupunta akong banyo. Paano ako uuwi nito? Pagagalitan ako ni kuya.
"Ayan na sya! Pakilala nyo yung bestfriend ni Marcie!"
Nakapikit akong umupo at wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Did they mention Marcie's name? I'm just too drunk at di ko alam ang gagawin, uuwi na ba ako o papansinin itong pinapakilala nila.
"Hi" nagtaas ako ng kamay para makipaghigh five pero sa sobrang tagal nya ay nahila ko ang kamay nya palapit sa akin kaya naghiyawan ang lahat.
"Pot-! Nakauna agad si Jirou!"
Nagising ang buong sistema ko sa sampal na natanggap ko. Ano yun?! Tinignan ko sila Trix na tumatawa lang.
"First time mong uminom?!"
Tumango ako at hinaplos ang pisngi ko. Sino ba yun? Di ko naman sinasadya. Masakit ah.
"Wrong idea talaga 'to bakla! Aalis na ko!"
Naaninag ko lang na umalis ang isang babaeng pula at mahabang kulot ang buhok.
"Si Wendy's ba yun?"
Tumawa sila at pabiro akong sinapak habang nangingiti ako. This is bad, dapat ay umuwi na ako. Tumayo ako at ginulo ang buhok ni Trixie.
"Uwi ka na?"
"Yeah. May pasok pa ko bukas"
Naglakad ako palabas ng bar at naaninag ko pa si Wendy's na mukhang galit at nakikipag-usap sa phone.
"Bwiset talaga ang lalaking yun! Kahit noon pa!"
Narinig ko ang sinabi nya, sinong bwiset? Ako? Nilapitan ko sya at tinapik sa balikat na nagpatalon sa kanya.
"I'll call you back.." tinapon nya ang cellphone sa bag. "Problema mo?"
Tinagilid ko ang ulo ko at tinaas ang dalawa kong kamay. "I'm sorry"
"Apology accepted! Get lost!" maarte nyang sigaw.
"Ang sungit mo naman?"
Nagtaas sya ng kilay. "You're too drunk. Lubayan mo ko, General ang ninong ko"
Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi nya. So what if her Godfather is a General. Sumandal ako sa pader at nagtataka ako sa sarili kong nagagawa ko pa syang labanan with this kind of state.
"So? Like I care? If I kiss you right now, isusumbong mo ako?" nakangisi kong sabi.
"You're so unbelievable! Zabala ka nga!" sigaw nya.
"Whoa! Anong connect ng pagiging Zabala ko?"
"Jesus. Umalis ka sa harap ko!"
Tumawa ako at tinalikuran sya. Kung makapagsalita ang babaeng ito ay parang kilala ako. Nilingon ko ulit sya at nakita kong nakatitig pa rin sya sa akin. Umiling na lang ako. Some random girls.
Pagkauwi ko ay didiretso na agad ako sa kwarto ko. Yuki's probably out. Napahinto ako sa tapat ng elevator ng marinig ang boses ni Yuki.
"He did that? Baka dahil iba na ang color ng buhok mo kaya nakalimutan na nya ang mukha mo?" sabay tumawa sya ng malakas. "At that was freaking years ago! Hindi nya na pala talaga maaalala ang mukha mo or its just dark nung nakita ka nya and just like what you said.. Yeah right!"
Binalewala ko sya at pumasok na para makatulog. I'm tired at masakit ang ulo ko. First time ko sa bar, first time kong uminom. Tumalon ako sa kama ko at hinawakan ang labi ko.
First time ko ding humalik.
Tss. I'm saving it for her.. Tss. Sakit sa ulo talaga ang mga babae.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
RomanceHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...