C#2
"HAPPY BIRTHDAY JIROU!"
Hinipan ko ang birthday candle kaya nagpalakpakan silang lahat. Natutuwa ako dahil sa mga atensyon ng tao kaya halos lumabas na ang lahat ng ngipin ko.
"Picture!" sigaw ni Yuki kaya nagposing na kami nila Mom and Dad. "Oh kasama kami!"
Nagtakbuhan ang mga kapatid ko palapit sa center table kaya muntik ng bumuwal ang cake. Natawa ang mga bisita at kita kong nainggit sila 'cause we're perfect. Perfect family.
"Happy Birthday Jir!" bati ni ate Chloe sa akin at sabay abot ng isang malaking regalo.
"Thanks ate!"
Nagsimula ang party pero may sinisilip pa rin ako sa labas ng event hall. May kulang sa party na 'to at naiinis na ako. Pinaglaro ako ng iilang games at panay ang talo ko sa kambal kaya inaasar na nila ako.
"Oh ano? Birthday na birthday mo weakling ka?" asar ni Yuki sa akin habang panay ang pagtawa ni Nate sa gilid.
"Nah. I'm just pre-occupied. Next game!"
Paper dance ang sunod na lalaruin at ako itong may birthday. Ako ang walang kapartner.
"Oh ayan. Yung anak ni William ang kapareha mo" sabi ni Dad.
"Ayoko"
Inasar na naman ako ng mga kapatid ko kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya para ayain sya.
"Tara"
Sumunod sya sa akin at nagsimula na ang laro. Ok pa sa simula pero habang tumatagal ay paliit na ng paliit ang space na tinutungtungan namin, wala akong magawa kundi ang hawak sya sa paminsan-minsang pag-aout of balance nya. Nagugulat din sya paghinahawakan ko sya kaya sa sobrang ilang ko ay tinulak ko na lang sya palabas ng dyaryo dahilan para matumba sya.
"Jirou!" sigaw ni Mommy.
"I'm sorry" at tinayo ko sya pero inalis nyang kamay ko.
"Get off me! Weirdo freak!"
Pagkasabi nya nun ay tumawa agad ang kambal at inasar pa ako na 'basted' na daw kaya agad ko silang tinignan ng masama. Kinuha sya ng Daddy nya kaya humingi rin ako ng paumanhin kay Tito na agad ginulo ang buhok ko.
"Ok lang" nakangiti nyang sabi.
Nagsimula na ang kainan at parang wala akong gana sa gitna dahil panay lang ang pagsilip ko kay Kulot. Ni pangalan nya di ko alam. Nakita kong tinutulak sya ni Tito para ibigay ang regalo nila sa akin.
"Give that to him then we'll go"
Pagkarinig ko sa sinabi ni Tito ay agad akong nataranta. Ayokong umalis agad sila! Kasalanan ko 'to, bakit ko ba kasi sya tinulak kanina!? Natanaw kong nakabusangot syang naglalakad papalapit sa akin.
"Oh!" sigaw nya.
"Ano yan?" at sumandal ako sa upuan.
"Regalo"
"Pilosopo. Ayokong tanggapin yan"
Pagkasabi ko nun ay naging blanko ang ekspresyon ng mukha nya. Nakatayo lang sya sa harap ko at hindi na nagsalita kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Pagtinanggap ko agad ang regalo nya uuwi na sila pero pag hindi ko tinanggap, uuwi din sya agad dahil sa asar nya sa akin. Nilahad ko ang kamay ko.
"Akin na"
Nakita kong nagliwanag ang mukha nya at inabot nya sa akin ang isang maliit na box.
"Ako ang pumili nyan" nakangiti nyang sabi.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko habang hawak ang regalo nya. Tinignan ko sya at nginitian.
"Thank you"
Tinapos nya ang party kaya sobrang saya ko. Nang bubuksan ko na ang mga regalo ay inuna ko ang bigay nya at nakita kong wario cart na bala para sa gameboy ang bigay nya. Umakyat na agad ako sa kwarto ko at hinayaan ko na ang iba pa sa sahig. Narinig ko pang sumigaw si Yuki.
"Hoy yung sa amin!"
Kinabukasan ay dinala ko sa school ang gameboy ko na very unusual kong gawin. Pagkadating ng break time ay paglalaro agad ang inatupag ko.
"Uy Jir! Ganda nyan ah!" sigaw ni Charles na seatmate ko.
"Syempre. Regalo 'to ng future girlfriend ko" mayabang kong sabi.
Naghiyawan ang mga kaklase ko at gusto nilang hiramin ang bala ko pero di ako pumayag.
"Pabili kayo sa magiging future girlfriend nyo" at tumawa ako.
Hinintay pala ako ng mga kapatid ko kaya nakita nilang dala ko ang gameboy ko. Sana hindi sila magsumbong dahil patay ako.
"Sino kayang nagregalo nyan sayo?" tanong ni Yuki.
Nakita kong napa-o ang bibig nya dahil sa binulong ni Nate. Ang kambal na 'to. Kaasar.
"Hoy anong sinasabi mo?" at sinapok ko si Nate na kinutusan ako.
Porke't mga Grade 7 na ang mga 'to. Ang yayabang. Nauna na akong lumabas ng gate para sumakay sa sasakyan namin. Pagkapasok nilang dalawa ay mukhang may seryoso silang pinag-uusapan.
"Ano yan?"
"Wala. Maglaro ka na lang dyan. Yan lang ang bagay sayo" nagfist bump silang dalawa.
"Sus. Babae na naman siguro yan" asar kong sabi.
"So? Di mo siguro alam na sa States nakatira yun ano? Goodluck kung magkita pa kayo"
Nakita kong sumandal si Yuki at nilabas ang cellphone nya habang nakasmirk lang si Nate, sinilip ko sila.
"Ano naman?"
Tumawa silang dalawa at sinipa ni Yuki ang inuupuan ko. Mga bully!
"Kunwari ka pa. Di mo nga ata alam ang pangalan nun"
Natauhan ako sa sinabi ni Nate. Oo nga ano? Ano bang pangalan nun? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
רומנטיקהHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...