C#33
Nagising na lang ako sa lakas ng sampal ni Rhia sa akin. Dinilat ko ang isang mata ko at nginisian sya.
"Ngingiti ka pa! Bumangon ka!"
Irita akong tumayo at nagulat ako ng maalalang nakaposas nga pala kami ni Hershey! Taranta akong tumingin sa kanya at tahimik lang na nakaupo.
"Dapat di na natin pina-inom yan! Nakatsansing pa tuloy" asar na sabi ni Yuki.
"Idea nyo 'to" at hinawakan ko ang kamay kong nakaposas kanina.
"Kumain na tayo"
Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami para mamasyal pero hindi sumama si Hershey sa amin.
"Bakit nagpa-iwan?" inosente kong tanong.
"Minolestiya mo eh" at tinignan ako ng masama ni Rhia.
"Kapal mo. Baka nain-love na sa akin" confident kong sabi.
"Oh tara na" sabi ni Yuki na hawak na naman ang ipad nya. Gay.
"Uuwi na tayo bukas kaya mamili na kayo ng gusto nyo" utos ni kuya kaya nilabas namin ang mga dala naming card. "Magtipid kayo"
"Isang sapatos lang na galing dito kuya!" sigaw ni Yuki.
"Bahala ka. Pag naglimit kayo sa pinag-usapan di kayo makakakuha ng allowance"
Nanlumo ako dun.. 50,000 dollars lang. Nahinto kami sa isang boutique na nagbebenta ng mga pang-ipit sa buhok. Pinauna ko na sila at pumasok sa tindahan.
"Sama Jir!" sabi ni Rhia.
"Dun ka kay Yuki"
"Eeh! Di mo 'to kabisado"
Ginulo ko lang ang buhok nya at nginusuan kaya binatukan nya ako. Saktong pagvibrate ng phone ko.
Nathan:
Naka-tap ka.
Me:
Tss. Sisihin mo ang 'girlfriend' mo.
Nathan:
Tss. Umayos ka.
Me:
Oookay.
"Sinong katext mo?!" dungaw ni Rhia sa phone kong agad kong tinago.
"Wa-wala"
"Wag mong sabihing nagta-timer ka?!" sabay kurot nya.
BINABASA MO ANG
Mahalin Mo Naman Ako
عاطفيةHanggang saan ka pagdating sa pag-ibig? Panandalian ka lang ba o ikaw yung tipong kayang maghintay ng matagal? Jirou Zabala has a crush with this girl simula bata palang sila, he likes her long-black hair. He is serious with his first love but hi...