CHAPTER 30

445 11 0
                                    

C#30

"Magdamag na naman kayong nag-usap ni Rhia?" tanong ni Kuya sa akin.

"Pupunta naman tayo dun today di'ba!" masayang sabi ni RD kaya ginanahan kaming lahat.

"Oo nga pala. Eh ang dami kasing kwento ni Rhia, dami nya daw manliligaw" sinadya ko talagang lakasan at pakunwaring di nakatingin kay Nate na biglang sumungit ang mukha.

Umupo ako sa mesa at nagulat na nakahanda na ang mga gamit nila.

"What time ba ang alis natin?"

"10am" nakangiting sabi ni Yuks. "Nakaligo na kami, ikaw?"

Napatayo ako at pinagmasdan silang lahat. "Bakit di nyo sinabi! Nyeta!"

Tumakbo ako pabalik ng kwarto at nagmadaling maligo at mag-asikaso, buti na lang ay nakapag-ayos na ko ng bagahe kahapon habang nag-uusap kami ni Rhia. Bigla ko tuloy naalala yung nakakaasar nyang mukha nung sinabi kong di sasama sa amin si Nate.

"Ay.. Ganun?" nakapout nyang sabi.

"Nagtatampo pa rin yun sa pag-iwan mo sa kanya. Hahaha! Ikaw kasi eh" pang-asar kong sabi.

"Iniwan? Eh kasi.. Basta"

"Alam ko ang gusto mong sabihin! Haha" pinasok ko sa bag ko ang game boy ko. "Nandyan yung kapatid mo di'ba? Di ko na sya makita matapos nung gabi.."

"Oo. Kinukulit ako sayo" nanunuya syang tumawa bago nagsalita ulit. "Mag-usap kaya kayo"

"Lagi kaming nag-aaway" malungkot kong sabi.

"The more you hate the more you love!"

Pinanliitan ko sya ng mata at ngumiti. "Edi hate mo si Nate?"

"Ewan ko sayo"

Napangiti ako sa pag-uusap namin, ang arte naman kasi ni Nathan. Nagmamatigas pa. Bumaba ako at tinabihan sya na tahimik lang na nanonood ng paborito nilang cartoons ni Rhia.

"Di ka talaga sasama?"

Umiling sya at nilipat sa ibang channel. "Ayaw nya nga. Ang kulit nyo"

"Pakipot lang yun. Kagabi sa face time eh makanguso yun" nakangiti ko syang siniko.

Masama nya akong tinignan. "Face time" pabulong pero asar nyang sabi.

Hinatid nya kami sa airport at hanggang dun ay hinihila ko sya para sumama. Tinulungan na ako ni Yuki pero wala pa rin. Malakas at matigas talaga sya.

Hindi ko na maalala kung ilang oras kami byumahe at kung ilang stop over ba kami. First time ko sa Europe at talagang masaya 'to!

Mahalin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon