CHAPTER 48

445 8 0
                                    

C#48

Huling araw na ng seminar at dahil mamaya pang ala-una yun ay nag-island hoping muna kami.

"Ay ayun! Kunin mo yung starfish!" sabay tulak niya sa akin.

"Oh teka!"

Nag-snorkling din kami at surfing. Ang ganda dito.. Madaming pwedeng gawin. Naglalakad na lang kami dito sa tabing dagat, at bigla siyang pumunta sa harapan ko.

"Bagay sayo yang polo mo" masaya niyang sabi. "Pero dapat nakasara ang butones"

Piniglan ko ang kamay niya. "Hep. Mainit"

"Pinagsuot mo ko ng ganito tapos ikaw.. Unfair"

"Ano? Sulsi lang yang pamatong mo" at pinoke ko ang noo niya.

"Eh ano 'tong sarong?!" asar niyang tanong.

"Ano gusto mong ipakita yang maitim mong singit?"

Nakita ko ang pagpula ng mukha nya kaya tumawa ako ng malakas. Bigla niyang pinagkukurot ang abs ko kaya napangiwi ako.

"Aray naman.."

"Baliw ka!"

Niyakap ko siya at inangat sa ere. "Oh sorry na"

"Ibaba mo nga ako"

Umiling ako at nagsimulang maglakad kahit pinapalo na niya ako sa likod.

"I won't put you down"

Pagkarating namin sa convention ay maingay ang lahat. Ano nga bang meron ngayon?

"Darating si Mr. Yuzunaga! Yung gwapong tycoon!" tili ng mga babae.

"Ano daw? Typhoon?" bulong ko kay Hershey.

"Tycoon!" nakatawa niyang sabi.

So ang highlight pala ng event na 'to eh yung hapon na yun? Hmm? Nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao eh naintindihan ko ng nandyan na siya. Lumingon ako para makitang kamukha siya ni Suneyo!

"Why are you laughing?" seryosong tanong ni Shey.

"Wala" iling kong sagot.

Nagsimula na siyang magsalita ng kung ano-ano'ng wala akong paki. Naiirita pa ako sa panay na pagtingin niya sa katabi ko. Humilig ako kay Hershey.

"Type ka ata ni Suneyo"

Mahina siyang tumawa. "Suneyo? Adik!"

Nagbreak na kami at nagulat ako sa biglang pagdating ng maraming pagkain sa table namin.

"Oh? Baka ma-limit ang card ko. Ang dami mong order?" biro ko kay Shey.

"Uy! Di ako yan"

May lumapit na mukhang kalabaw at binulungan ako. "Excuse me.. Can you leave for a minute?"

Tumango ako at hinila si Hershey. "Tara"

Nagulat ako ng pigilan niya ang kamay ko. "I'm sorry Sir. You only.."

Uminit ang dugo ko dun kaya tumawa ako.

"No. That won't happen.. She's my wife"

Narinig ko ang pagtawa ni Suneyo sa likod ko. "Really? I don't see a ring?" pang-asar niyang sabi.

"Wanna see a ring?"

Nataranta si Hershey at mabilis na hinarap ang hapon na 'to.

"I'm sorry. We don't really used to wear it, you can eat this food all you want.. Excuse us" at hinila niya ako paalis.

Hindi na namin natapos ang convention dahil sa pag-alis namin. Putol ang report ko nito.

"Bakit umalis tayo?" nakangisi kong tanong.

"Pwede ba? Mas gusto ko ang gwapo kong boyfriend kesa sa panis na sushi na yun"

Tumawa ako dahil sa sinabi niya at agad siyang niyakap. Tumawa din siya at niyakap ako pabalik.

"Magseselos ka pa?"

"Syempre! Lalaki ako eh.." nakangiti kong sabi.

Mahalin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon