CHAPTER 29

431 12 0
                                    

C#29

"Nate!" sigaw ni Kim ng makita si Nathan. "Where's Yuks?"

"Dyan lang. May practice"

Wala nga akong makasama kaya si Nate ang hinatak ko, I need atleast one brother here.

"Tinawag ko si Hershey, pinasama ko" nakangiti nyang sabi.

Binigyan ko sya ng tamad na tingin at ininom agad ang kakalapag lang na mga vodka at kung ano-ano pang drinks sa table namin.

"Uy. Kamusta na yung girlfriend mo Nate! Yung nakita ko nung kaskype mo si Shaune" masayang sabi ni Ros kaya napatingin ako sa kanya.

"Kay Jir yun. Ayan na oh"

Napatingin kaming lahat sa pinto at halos malaglag ang panga ko ng makita si Hershey. What the heck is that shoes?! Deadly weapon.

"Ganda ah" seryosong sabi ni Nel.

"Madami ng kaagaw si Jirou, maawa kayo" at nakuha talagang magbiro ng baliw na 'to?

"Kaagaw?" painosente kong tanong.

"Ah. Yan yung kanina, ano ba 'tong si Ros. Amnesia?" mataray na sabi ni Carm.

"Hi" malambing nyang sabi pero naglaho yun ng makita nya ako.

"Dancefloor lang" sabi ko at tumayo na para umalis.

"Sama!" sigaw ni Kim at Sheryn.

Nawala sila sa gitna kaya tuluyan na lang akong nakipagsayaw sa ibang tao. Kahit sino na.

"Alone?" maarteng sabi ng isang di-sikat na artista sa akin.

"No. I'm looking for my girl, nag-lq kami kaya umalis sya" tamad kong sabi at nagkunwaring may hinahanap.

"I don't believe you" maarte nyang sabi.

Saktong nakita ko si Hershey at Nate papunta sa direksyon ko kaya tinakbo ko ang unting distansya namin at hinigit sya kay Nathan.

"Finally! I'm sorry" sabi ko sa gitna ng paghingal.

Tumawa lang si Nate at mukhang alam kung bakit ko nagawa yun. Masaya namang lumapit ulit yung babae sa amin.

"Hershey! Di mo naman sinabing ang gwapo ng boyfriend mo! Siya ba yung kinikwento mo sa amin?"

Nag-iba agad ang ekspresyon ng mukha nya at tinignan ako ng masama sabay nagwalk-out. Damn. Tinitigan ko lang sya pero bigla akong siniko ni Nate.

"Sundan mo" nakangisi nyang sabi.

"Alam ko" at tumakbo na palabas.

Ang taas ng heels nya, saan kaya sya mapupunta at ang bilis nya atang mawala? Nakita ko syang kasama si Spain, at talagang natawagan nya agad ang unggoy na yan? Tumayo lang ako at tinignan sila.

"Do you want to go home?" tanong ng Unggoy.

Umiling lang sya at kita ko ang biglang pag-ayos ni Spain sa mga takas nyang buhok. Nagtago ako at sumandal sa pader pero bigla kong napagtantong bakit ako magtatago? Nandyan naman nakapark ang sasakyan ko. Umalis ako sa pagtatago at nagulat sa biglang pagsulpot nya sa harap ko.

"What the?- Jirou!" sigaw nyang sabi.

Malamig ko syang tinignan. "Oh bakit?"

Umiling lang sya at umiwas sa akin at narinig ko ang pag-alis ng isang motor kaya agad ko syang hinigit papunta sa akin at sinandal sa haligi nitong bar. Tinitigan ko lang sya at agad ko na syang siniil ng halik.

"I'll pull you if I'm going to kiss you" bulong ko sa tenga nya.

"Jirou!"

Agad nya akong tinulak pero kinulong ko agad sya sa pamamagitan ng pagsandal ko sa mga braso ko sa pader tsaka ko lang tinignan kung sino yung tumawag sa akin.

Si Marcie.

"My God-" gulat na singhap ni Hershey at malakas akong tinulak. "This is all a misunderstanding!"

"No. It's okay, hahanapin kita kaya ko sya hinanap" nakangiting sabi ni Marcie.

"Oh tara na" at mabilis nyang sinukbit ang kamay nya sa braso ni Marcie.

May something sa pag-asal ni Hershey kanina. Sumandal ako sa pader at pumikit. Damn. Damn, damn girl.

"Ok na kayo?" rinig kong sabi ni Nate.

"Hindi ko alam.. Parang may mali" kalma kong sabi.

"Oh tara na. Umuwi na tayo, umuwi na din sila Kim" at inakbayan nya ako papunta sa kotse ko.

"Hoy! Hinalikan mo daw yung kapatid ko!" sigaw ni Rhia sa akin.

Ganitong oras talaga kung magface time kami ni Rhia. Syempre kailangang oras nya ang masunod. Ako nga ang magkikwento tapos pinagalitan agad ako.

"Eh kasi.. Palagi na lang akong pinagseselos, wala sigurong gusto sa akin yung kapatid mo. Tapos.. Kanina, parang may something sa kilos nya. May nasabi ba sya sayo?"

Tinitigan lang ako ni Rhia sabay tumawa ng malakas. Humiga ako sa kama at binalewala ang pagtawa nya.

"Oh di na. Wala naman syang nasasabi kundi nililigawan sya ni Spain. Yun lang"

Napaupo ulit ako dahil dun at gulat na tinignan si Rhia, napabulong na din ako.

What the fck?!

Mahalin Mo Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon