TRP: 33 (Her Birthday)

642 28 0
                                    

LECKZY'S POV

"Jordan, pwede bang mahiram ang physical science book mo? Bukas ko ibabalik sa'yo, promise!" I said. He smiled at and nodded. Iniabot nya sa akin ang book. I thank him and left. Dala dala ko parin si Bobby ngayon at nagpapasalamat ako na behave sya kung hindi itatapon ko sya sa basurahan. Charr!

Napatigil ako ng biglang may kumuha ng book sa kamay ko. Pagkatingin ko ay si Clark ito. I glared at him.

"Give me the book!" I seriously said. He crossed his arms on his chest and looked at me unbothered. I rolled my eyes. Lumapit ako sa kanya para kuhanin ang book pero inilayo nya.

"Give me that book!" Naiinis na sabi ko.

"Ayoko nga!" He said.

"Bobby, kuhanin mo yung book sa kanya!" I said at pinakawalan ang aso ko. Akala ko ay tatahulan nya si Clark at tatakutin pero nagulat ako ng bigla syang umupo sa harap ni Clark habang winawagayway ang buntot nya.

"Seriously!" I whispered. Umupo si Clark sa unahan nya at hinimas himas ang ulo nya. Lalapit na sana ako para kuhanin ang book nang biglang tumayo si Clark at nagtatakbo papaalis.

"Kuhanin mo ito sa bahay mamayang gabi. Hintayin kita doon!" Sigaw nya habang tumatakbo paalis.

"YAHH!" Inis na sigaw ko. Kinuha ko ang tali ni Bobby bago umalis. Nakakainis!

*-*-*-*-*-*-*-*

Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Clark. Kanina pa ako nagdo-doorbell pero walang nagbubukas sa akin. E, kung akyatin ko na lang kaya ang gate nila. Mukha kasing naka-lock yung gate. Sinimulan kong akyatin ang gate. Shet! Ang taas! Nasa taas na ako ng biglang lumabas si Clark sa bahay nila. Wrong timing! Kung kelan nakaakyat na ako tsaka lang lumabas. Talaga naman oh!

Nagtataka syang napatingin sa akin. Sumimangot ako sa kanya pero bigla bigla na lang syang tumawa. Anong nakakatawa! Kainis, nakakahiya!

"Anong ginagawa mo dyan, Lecks?" Nagtataka pero natatawang tanong nya sa akin. Sige lang tawanan mo lang ako!

"Kanina pa ako nagdo-doorbell dyan. Hindi ka lumalabas!" I said irritably.

"I'm sorry, naka-head set ako kaya hindi ko narinig. Pero bakit andyan ka? Bumaba ka na dyan, baka malaglag ka?!" Sabi nya. Inirapan ko sya.

"Naka-lock kaya yung gate nyo kaya umakyat na lang ako!" I said. Tinulungan nya akong bumaba bago sya lumapit sa gate at chineck ito.

"Di naman naka-lock ah!" Natatawang sabi ni Clark. Bigla akong pinamulahan. Nyeta! Bakit kasi hindi ko muna chineck kung naka-lock o hindi?! Narinig ko ang malakas na tawa nya. Hay, kahit kailan talaga Leckzy!

I glared at him kaya tumigil sya sa pagtawa. Pero halata sa mukha nya na pinipigilan nya lang ang tumawa. Nakakahiya talaga! I gasped loudly.

"Where's the book?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Ngumisi sya bago nagsalita.

"Kukuhanin ko lang sa taas." Sabi nya.

"Paghihitayin mo na naman ako? Bakit kasi hindi mo na lang dinala nung bumaba ka?! Tsk!" I said. He just shrugged and left me. Napailing iling na lang ako.

Napatingin ako sa bahay nila. Bakit parang ang tahimik? Wala ba syang kasama dyan? Bakit parang hindi umuuwi ang Mommy at Daddy ni Clark dito sa bahay nila?

Maya maya lang ay dumating na sya. He handed me the book. Kinuha ko ito bago sya inirapan at tinalikuran.

"Wait, Lecks!" Sabi nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Gusto ko lang sabihin na bukas ang gate, baka umakyat ka na naman dyan sa taas?!" Panga-asar nya sa akin. Takte!

"YAHH!" I said at kunwari ay babatuhin ko sya ng aklat. Dali dali syang tumakbo papasok habang tumatawa.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon